Habang nagpapagaling si Princess ay naghahanda naman ang lahat para sa kaarawan ng mga puso. Nagsilabasan na ang mga couple t - shirt para sa mga magjowa. Mga bulaklak na rosas at pakulo para sa mga magkasintahang umabot pa sa araw ng mga puso.
Sa silid naman ng prinsesang dalaga. Mahimbing ang tulog nito habang nasa tabi niya ang mga kuyang nagbabantay sa kaniya na kunware ay nagtulog - tulugan pero ang totoo ay nakapikit lang ang mga mata ay nagrerelax sa payapang paligid.
Sa sala naman ng mansiyon de la vega ay may dumating na mga chocolates at isang daang apat na put tatlong rosas. " Ang dami nito. Teka, sino ba ang nagpapabigay nito? " usisa ng manang na nasa sofa. " Sabihin niyo ho na pinabibigay ng boss niya. " tugon ng ginoo at umalis na.
Umakyat na lamang sa taas sa kwarto ni Princess ang Manang at agad na kumatok.
" Sir, may mga regalo na dumating para kay señorita. " balita nito.
" Pakidala nalang dito manang para kapag nagisimg siya ay matutuwa siya. " tugon ng sir Carll nito at napabangon.
" Tulungan kitang ayusin kuya. " wika naman ni Llex at bumangon na rin.Iniwan nilang natutulog si Princess sa kama at inayos ang mga regalong dumating. Isinalansan ito ng maayos sa gilid mismo ni Princess at inilabas ang liham na nakasipit roon.
Princess Pov's
Napa inat ako ng katawan ng biglang maramdaman kong wala na pala sa tabi ko sina kuya.. Hala, iniwanan pala ako. " Oh my goshhhhhh.... " tili ko ng maalimpungatan sa nakita kong mga rosas at mga chocolates. Kyaaaaahhhh, ang dami - dami ng mga rosas at parang lagpas isang daan.Hala, sino kaya ang nagpadala nito. Heto, may note pala at nakalagay sa pulang card. Kaagad kong binuksan at ito ang nabasa ko.
Dear Princes,
Pasensya na kung pinadalhan kita ng mga iyan. Hindi naman ako nanliligaw pero parang ganun na nga. Sana gumaling kana diyan. Oo nga pala, magkaayos na kami ni mom at heto ay kinukulit siya. Maraming salamat nga pala Princess. Sana nakatulonh iyang mga pinadala ko para sayo. See you!
From,
--Leandro IVAy ang cute ni boss at may pa surprise siya ng ganito. Teka, bibilangin ko kaya ang mga rosas at nang malaman ko kung ilan. Sinimulan ko na ang pagbibilang at hindi nga ako nagkamali.
" Tskk, kaya pala 143 ang roses at tatlong mamahaling chocolates. " sambit ko ng ganun. Hm, mukhang nanliligaw na si boss sa akin at mahihirapan siya kasi pilya ako.Aha! Paano kaya kung magpapadala din ako ng mga regalo sa kaniya. Oo nga no para masaya. Sandali at maghahanap pa ako ng ireregalo ko. " Mga kuya, " tawag niya ko sa kanila. Saan na naman ba sila? Sabi ko kasing wag akong ewan eh!
Magtatampo talaga ako sa kanila. " Why my babe! " tugon ni kuya Carll.
" Nagtatampo na siya! " tugon naman ni kuya Llex.
" Iniwan niyo kasi ako. Pwede niyo ba akong tulungan mga kuya? " pakiusap ko sa kanila.
" Ano bang maitutulong namin? Kung puro lang naman kalokohan ang gagawin mo. Naku Princess baka mahimatay ang gagawan mo iyan! " hula ni kuya.
" Wala pa nga akong nasisimulan kalokohan na agad! Sige na tulungan niyo na ako. Plz, " pagmamakaawa ko.Tingnan lang natin kung hindi sila papayag. Magtatampo na talaga ako sa kanila. " Oh sige! " sabay nilang tugon. Ayan, pumayag din ang mga pogi kong kuya. Hm, ano kaya ang magiging reaksiyon ni boss sa ireregalo ko sa kaniya.
Sa Bayan ng San de los Santos.
Nasa sofa si Leandro IV habang naka akbay sa mommy niya at nanood ng drama.
" Rated Spg! Takpan mo iyang mga mata mo. " utos ng mommy niya. Ngingisi na lamang si Leandro at sasabat. " Mom, I'm 26 kaya allowed na ako diyan. Kahit nga porn panoorin ko pa yan! " lokong sabat nito." Aba, loko kang binata ka! " akmang batuk sa anak niya ng makaalis na ito agad.
" Sus, mommy sabi ko nga binata na ako at hindi na ako baby. Palibhasa binibaby niyo na naman ako. " Sabat niya habang nagpapahabul sa mommy niya.
" Ikaw na Leandro na the fourth ka! H'wag mong gagawin iyan sa harapan ni Princess. Ay naku! Multuhin ka sana ng dad mo. " banta nito sa anak niyang may pagka loko - loko din.
" I love you, mom. Hindi ako mumultuhin ni dad kasi love ako non. " tugon naman niya at bumalik na sa pagka upo.
His Pov's
Bakit masama bang manood ng porn? Sus, may nalalaman pa kayong inosente. Si mom kasi hindi mabiro. Heto, hindi nga ako nakatikim ng batuk sa kaniya pero kurot. Damned, ang sakit ng kurot niya sa taenga ko. " Mom, date tayo sa Valentines day! " yaya ko sa kaniya.Hala, di ata naniniwala sa akin. Mukha bang sinungaling ang mukha kong ito? Hindi naman eh.
" Si Princess ang e - date mo. Dito lang ako sa bahay at dadalawin ko ang dad mo. " tugon ni mom at biglang nalungkot.
" Mom, ( hug ko sa kaniya) andito pa naman ako. Kahit na may mahal na akong babae. Kayo pa din naman ang mommy ko. At walang tutumbas sa pagmamahal niyo. " higpit ko pa ng yakap sa kaniya at humalik sa pisngi niya.
" Ikaw talaga, kumain ka na nga at uminom ka ng gamot. " tugon lang niya sa 'kin.
" Pero mom date tayo ha! " pahabol kong sabi at dumiretso sa kusina.Pagtungo ko sa hapag ay andoon sina Manang at pinaghandaan ako ng pagkain.
" Kain na kayo sir Leandro at pinaghanda iyan ng mommy niyo. " Sabi ni manang Isabela.
" Wow naman, si mom talaga napaka ano. " upo ko na at binuksan ang may takip.Woah, ang paborito kong sopas na may sprinkles of love. At may sandwich, omelet egg with rice at may pa healthy na fruit shakes pa si mom. Na mis ko talaga ang ganitong set up. Mukhang pauubusin niya ata itong lahat sa akin. Ang dami - dami kaya.
Habang kumakain ang binatang si Leandro ay may dumating namang regalo mula sa San de la vega. " Ma'am Lean, may dumating na regalo para daw kay boss Leandro. " abot ng isang ginoo. " Ipatong mo lang diyan at kumakain pa ang boss niyo. " tugon ng ginang na nagbabasa ng diyaryo sa sofa.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na mula sa kusina ang binatang si Leandro na may ngiti sa mga labi at agad na yayakapin ang mommy niya.
" Thank you mommy ko sa masarap na pagkaing inihanda niyo sa akin. " malambing nitong sambit na may kasamang halik sa pisngi.
" Ikaw talaga para kang bata kung maglambing. Oo nga pala, may regalong dumating at paraw daw sayo. " balita sa anak nito at itinuro ito.
" Teka? Saan naman galing? " usisa nito.
" San de la vega daw! " tugon nu Lean sa anak niya.Mangingiti na lamang si Leandro ata agad itong bubuksan ng biglang may nagsilabasan na mga ipis sa pag bukas niya. " Anak nang putakte! " pagkagulat niya na napatakbo sa likod ng mommy niyang nakaupo sa sofa.
Matatawa na lamang ang mommy niya. " Anak, ipis lang iyon. " Wika nito sa anak niyang takot sa ipis. " You know mom na hate ko ang ipis! " pagsumbat nitong tila galit na galit sa regalong laman ay mga ipis.
Leandro Pov's
Damned! Makakapatay talaga ako ng tao nito. Teka, si Princess siguro ang may kagagawan nito. " Anak, buksan mo na baka may laman pa iyan. " utos ni mom sa akin.
" Ayoko nga mom baka may ahas pang kasama. Gusto niyo ba akong mahimatay sa takot!" sabat ko kay mom. Ayan, tinawanan lang ako.
" Teka, di naman magkakasya ang ahas diyan. Sige na buksan mo na! " utos uli ni mom.
" Ok fine! " napilitan kong tugon.Dahan - dahan kong binuksan ang kahon at may tumambad na pulang card. Ano kaya ang laman nito? Nanlaki na lamang ako sa tumambad na mga letra. " I LOVE YOU, BOSS " halos maglulukso ako sa tuwa.... Kyahhhhhhhh... She's love me! " She love's me! " sabay pagsasayaw ko pa at pinagyayakap si mom.
Kainis talaga si Princess eh. Matapos akong muntik ng himatayin sa mga ipis na pambungad niya at may kasama palang I Love You sa dulo.
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT STAND - SEASON 3 (Princess: The First) -COMPLETED
RomanceTEASER: Si Princess ang kauna - unahang umupo bilang prinsesa sa unang pagkakataon. Ang hindi alam ng dalaga ay ang nakilala niyang boss ang magiging kapareha niya at magiging prinsepe na mag aalay ng katapatan at paglilingkod sa kaniya.