His Pov's
Nagising na lamang ako sa isang kwarto na hindi pamilyar sa akin. Muntik ko na namang makalimutan na nawalan pala ako ng malay kanina. Teka, pina inum kaya nila ako ng gamot?Napabalikwas ako sa pagkahiga at bumungad sa akin ang dalagang si Princess. Mukhang umiyak siya. Siguro sinisi niya ang sarili dahil roon.
" Kamusta ang pakiramdam mo, boss? Heto, dinalhan kita ng lunch. Humihingi nga pala ako ng tawad sa paghindi ko pagsauli ng pitaka mo. Hindi ko alam na hahantung sa ganito ang lahat. " paumanhin niya sa akin na ikinangiti ko ng bahagya. Nararamdaman ko na ang dating Jenilyn Sorita ngayon.
" Ano ka ba, hindi mo naman kasalanan. Ganito lang talaga pagsapit ng tanghali. Saan na pala ang pitaka ko? " hanap ko sa kaniya.
May kailangan kasi akong tawagan ngayon at siguradong nag aalala na naman si mom sa akin.
" Heto boss, sorry po sa pagpapakialam ko. Hindi na po mauulit." bigay niya sa akin. Sus, naguilty siya oh.
Ang cute niya talaga habang nagi - guilty sa ginawa niya.
" Tama ang pagso - sorry, your higness. Maraming salamat sa pag alala mo sa akin. Maari bang wag mo nang sisihin ang sarili mo. Teka, kamusta na pala ang sugat mo? " baling ko ng usapan.
Napatitig siya ng bahagya sa dibdib niya. " Boss, hindi na masyadong mahapdi ang sugat ko. Pero hindi pa napapalitan ng bondage. Sabi kasi ni papa kayo raw ang magpapalit nito at natatakot siya. " tugon niya sa akin.
Tumayo ako ng bahagya, " Kumain ka na ba? Maraming salamat nga pala dito sa lunch. Hm, puro green leafy vegetable ata ang nakikita ko. Teka, may adobo! Maraming salamat dito." pasalamat ko sa kaniya. Mukhang ako pa ata ang aalagaan ng patient ko.
Ngumiti siya sa akin. " Boss, may sakit kaya kayo at dapat healthy foods ang kinakain niyo. Sana magkaroon kayo ng oras sa sarili niyo, boss. " payo niya sa akin.
" Saka na ako magpapahinga kapag nagkapamilya na ako. Pero ngayon ay ipon ng ipon nalang muna. " tugon ko sa kaniya.
" Sige boss, sa labas lang muna ako at tawagin niyo ako kapag may kailangan kayo. " paalam niya sa akin.
" Maraming salamat, Princess. " tugon kong pahabol.
Ayon na siya, mabuti pa ay kakain na ako at kanina pa nag aalala si mom sa akin. Maraming salamat talaga sa pamilya ni Princess at tinulungan nila ako ngayon. Sana, gumaling na ang sugat niya para mawala na ang pag alala ng lahat.
Sa Sala naman.
Nag uusap ang mga de la vega habang kumakain ng dalandan si Princess. Takam na takam ito habang kaharap ang isang basket." Princess, baka masobrahan ka niyan." puna ng papa niya.
" Pa, paborito ko ito eh." sabat naman ng dalaga.
" Hayaan mo na siya Carllex at mana iyan sa mama niya. " sabat ni Mang Jeno.
" Oo nga, iyan kasi ang pinaglihi sa kanila ni Jen. Ewan ko ba pero nagtampo pa siya noon sa akin nong kinuha ko ang dalandan niya. Ang takaw eh. " kwento pa niya.
" Apo, kumain ka naman ng bayabas para humilum agad ang sugat mo. " payo ni ma'am Jena sa apo niya.
" Mamaya lola kapag napalitan na itong bondage ng sugat ko. " tugon ni Princess.
Maririnig ang doorbell sa pintuan.
" Ako na ang magbubukas! " tayo ni señora Jerimy. Napalakad na ito patungo sa pintuan." Magandang araw! Andiyan ba ang anak ko? Hindi kasi siya umuwi. " usisa ng ginang na nag aalala.
" Tumuloy ka muna, ma'am Lean. " yaya ni ma'am Jerimy sa kaniya.
" Maraming salamat! Nag aalala talaga ako eh baka nag collapse na naman iyon. " pag alala niya nito sa anak.
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT STAND - SEASON 3 (Princess: The First) -COMPLETED
RomanceTEASER: Si Princess ang kauna - unahang umupo bilang prinsesa sa unang pagkakataon. Ang hindi alam ng dalaga ay ang nakilala niyang boss ang magiging kapareha niya at magiging prinsepe na mag aalay ng katapatan at paglilingkod sa kaniya.