Nagkaroon ng katahimikan sa kwarto kung saan naroon ang dalagang si Princess. Hindi naman maalis ang titig ng binata sa kaniya na halos makasalungat na naman ang mga kilay ay gusto niya lagi mang taray.
Magkaka imik na lamang ng dumating si sir Carllex dala ang gamit ng anak niya.
" Princess, uwi na tayo ng Pinas. Sir Leandro, magkita nalang tayo sa San de la vega. " wika niya sa binata at nagpaalam na ito.
" Sir Carllex, ito ang hospital bill. " abot ng binata bago ito umalis.
" Uwi na tayo, papa. " excite na wika ni Princess.
" Teka, sinong bumayad ng hospital bill mo? " usisa niya sa anak.
" Wala po akong alam diyan, papa. " tugon ni Princess sa papa niya.
Carllex Pov's
Napakamot na lamang ako. Eh paanong hindi ka mapapakamot! Aber? Naka paid na pala ang hospital bill ni Princess? Hindi naman si King Deave abg bumayad nito. Teka, sino kaya?" Pa, uwi na tayo. " yakap ni Princess sa bisig ko.
" Princess, wag kang masyadong malikot baka dumugo iyang sugat mo. " sabi ko sa kaniya. Ang kulit kasi at daig ang kiti - kiti sa tubig.
" Pa, saan sina mama? " usisa niya pa sa akin.
" Nasa kotse na sila. " tugon ko sa kaniya.
" Tara na papa. " yaya niya sa akin at tumayo agad.
Aba, ang pasaway na anak ko. Ayan, tumayo na at mukhang magtatalon na naman.
" Ops, hintayin mo si papa ay sasakay sa wheel chair. " pigil ko sa kaniya.
" Ay, hindi naman ako lumpo para sumakay sa wheel chair. " kamot niya ng bahagya. Sus, nagpapa cute na naman siya at inaakit ako.
" Basta! Magwe - wheel chair ka. Hindi ka pwedeng maglakad baka dumugo iyang sugat mo. " paalala ko ulit sa kaniya.
" Mas gusto ko pang magpakarga sa inyo papa kaysa sa sumakay sa wheel chair. " hirit pa niya.
Sabi na nga ba at ayaw niya talagang sumakay sa wheel chair.
" Oh sige, " tugon ko.
" Yes! " akma niyang lukso ng bigla kong pinigilan.
" How many times I've told you na hindi ka pwedeng malikot sa paggalaw. " sumbat kong pasermon sa kaniya.
Ang kulit at pasaway nito!
" Sorry po papa! Wag na kayong magalit sakin. I love you, papa." sabay yakap niya sa bisig ko habang nilalambing ako.
" Gusto mo bang tumanda ang papa dahil sa kapasawayan mo? " usisa ko sa kaniya ng ganun.
" Hindi po papa. Sorry na po." sabay kiss sa pisngi ko. Aba, sinuhulan ako ng kiss sa pisngi.
" Hali kana nga, " buhat ko sa kaniya ng dahan - dahan.
" Pa, maraming salamat ho kasi andiyan lagi kayo para sa akin. " wika niya at bahagyang isinandal ang ulo niya sa dibdib ko.
" Ano ka ba. Ikaw kaya ang pinakamamahal ng papa. Ikaw lang kasi ang babae at hindi pa si papa nakakabawi sayo. " paliwanag ko sa kaniya.
Bago kami lumabas ay dumaan muna kami sa may counter. Nagtanong - tanong ako kung sino ang bumayad nong hospital bill ni Princess.
" Anong ipaglilingkod ko sa inyo, señor Carllex? " usisa agad nito sa akin. Aba, pinoy pala ang isang ito.
" Itatanong ko sana kung sino ang nagbayad ng hospital bill ng anak ko? " usisa ko ng ganun.
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT STAND - SEASON 3 (Princess: The First) -COMPLETED
RomanceTEASER: Si Princess ang kauna - unahang umupo bilang prinsesa sa unang pagkakataon. Ang hindi alam ng dalaga ay ang nakilala niyang boss ang magiging kapareha niya at magiging prinsepe na mag aalay ng katapatan at paglilingkod sa kaniya.