Chapter 101 WALLET!

503 16 1
                                    

Tinago na lamang niya ang wallet na napulot nito at may balak siya dito.

" Tingnan lang natin kung hindi siya babalik dito at hahanapin ito. " ngisi ni Princess sabay tayo nito.

Babalik siya kama at hihiga ulit. " Gusto ko ng makakausap. " sambit niya.

" Princess! " tawag na mula sa pintuan nito.

" Po mama, " tugon ng dalaga na napangiti bigla.

" My Princess, " pasok ng mama niya na may dalang buko salad. Napatakam na lamang ang dalaga sa dala nito.

" Wow, paborito ko po iyan." excite ni Princess.

" Kamusta ang pakiramdam mo? Mag isa ka lang dito? Gusto mo bang bumaba? " usisa niya sa anak nito.

" Thank you po, mama. " sabay kiss sa pisngi nito.

Jen Pov's
Haysst, ang anak kong dalaga lagi nalang napapahamak. Ang bata - bata pa niya at napaka iyakin. Pero matapang siya.

" Oh, dahan - dahan lang sa pagkain para namang hindi ka nakakain ng matagal. " wika ko sa anak kong daig pa ang lalaking kumain.

Ang takaw niya pero hindi tumataba.

Ayan, ayaw magpapigil sa akin. " Mama, masarap kaya ito. " tugon niya habang puno ang bibig.

" H'wag ka nang magsalita diyan. Puno ang bibig mo. " sabat ko naman at kumuha ng panyo para punasan ito.

Hala, ubos niya agad kahit malamig.
" Ma, thank you po saka kulang pa. " ngiti niyang sabi.

" Ang takaw mo talaga. Kamusta na ang sugat mo? Hindi na ba mahapdi kapag gumagalaw ka? " usisa ko sa kaniya.

" Mama, ayos na ayos lang ako saka magaling ang doktor ko eh. Alam niyo malapit na ang birthday ko. " paalala niya sa akin.

" Parang kailan lang ang liit niyo pa pero ngayon. Malapit ka nang mag debut. Wag ka munang mag nobyo ha masyado ka pang bata. Ako nga 20 nong binuntis ng papa mo. " sabi ko sa kaniya.

" Ma, wag na kayong mag alala sa akin. Hindi pa ako magno - nobyo kasi magtatapos muna ako. " tugon naman niya sa akin.

Ayan, naglalambing na naman siya.

" Tara sa baba at kukulitin natin ang papa mong may eyebugs. " yaya ko sa kaniya.

Inalalayan ko siya habang naglalakad kami. Nakakatakot kasi kapag nagalaw ang sugat niya. Muntik na nga siyang kunin sa amin. Kaya ganun na lamang ang pag iingat sa kaniya. Hindi ko man nasubaybayan ang una niyang dalawa ay sigurado akong ako ang una niyang hinanap. Maka mama si Princess at hindi na iyon mawawala sa kaniya.

Pababa na kami ng hagdan ng makasalubong namin ang papa niya na pa akyat na sana.

" Jen naman. Sabi ko sayo na tawagin mo ako kapag bumaba si Princess. " wika ni Carllex sa akin. Hala, ang OA nito.

" Papa, wag na kayong magalit ka mama. " lambing niya sa papa niya. Isang lambing lang ni Princess sa kaniya ay nadadala agad siya. Marupok ang papa niya eh.

" Aba, alam na alam kung paano paamuhin. Ang sarap mong kurutin ngayon. " panggigigil na naman niya.

" Pa, saka niyo na ako kurutin pag magaling na ako. " makulit niyang sabi.

" Paupuin mo muna ang anak mo bago mo kausapin. " sabi ko sa kaniya.

" Tskk! Doon ka na nga pangit baka mahalikan pa kita. " aba, ang lokong iyon.

Nangunguna na namang mang inis. Palibhasa poging pogi sa sarili.

Bumalik na ako sa taas para kumuha ng nakalimutan ko. May pagka ulyanin na din ata ako.

ONE NIGHT STAND - SEASON 3 (Princess: The First) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon