At Palace!
Napatawa naman ako habang naka upo lang sa desk ko. Bahala siya at hindi ako lalabas dahil mag ti - take pa ako ng exam niya. " Ms. De la vega! " tawag na naman sa akin ni sir.
Tskk. Laging masungit ang boss professor ko. " Sir, exam muna ako! " pa cute kong pagmamakaawa ko sa kaniya. " I said, get out! Now! " pabato niyang sabi sa akin. Huhuhu, seryoso na talaga siya!
Napadabog naman ako habang papalabas. Unang araw pa lang at mapupunta agad ako sa guidance office. Hindi ko talaga siya papansinin mamaya. Paano ang pikun niya! Ayon tuloy, nasanay na akong asarin siya ng pa ulit - ulit.
Naglalakad na ako ng padabog - dabog at wala akong alam kung saan ang guidance office dito. Huminto muna ako sa tapat ng old building at pumasok roon. Tskk. Bahala siya maghanap sa akin. " Kainis siya! " sipa ko sa pintuan.
Naiinis ako da kaniya, " H'wag mo ngang pagbuntungan ng galit iyang pintuan! " pasumbat nitong wika sa akin. Tskk. Siya pala at sinundan na naman ako.
Yumuko ako ng bahagya na tila nagtatampo ako sa kaniya. Ayaw ko siyang maging professor at baka magawan ko siya ng kapilyahan ko. " Teka, ikaw pa ang may ganang magtampo. Eh, ako nga itong binara mo sa harap ng mga students ko. " sermun niya sa akin.
Dadadada... Bahala ka diyan at sira na naman buong araw ko! Bakit ba kasi ayaw niyang sabayan ang trip ko kanina. " Alam mo nakakapikun ka talaga. Hindi man lang ako makapag timpi sa harap mo. " wika niyang pabato sa akin at sinipa ang isang sirang desk.
Ay, mas bad trip ang araw niya kaysa sa akin. Ewan ko ba, " Tskk. H'wag ka kasing pikun. Seryoso mo lagi kaya napapag tripan kita. " tugon ko sa kaniya na hindi naman siya sumang ayon sa akin.
Napa upo siya sandali at napa ekis ang mga braso niya. " Pumasok kana sa classroom at susunod na ako. " wika niya sa akin at saka tumingin siya sa taas at ipinikit ang mga mata niya. " Sorry po boss sa nagawa ko. Hindi ko alam na may problema ka pala. Bawi ako mamaya. " at saka nagpaalam na ako sa kaniya.
Bumalik na ako sa classroom at bumalik sa upuan ko. " Carine, anong exam ang binigay ni sir?" usisa ko sa bago kong kaibigan.
" Ahm, wala naman. Nag bigay lang siya ng lesson at may note na sinulat sa board! " turo niya sa akin.
" Kindly read and study the lesson that I've gave. See you, tomorrow! " note niya sa board at may signature niya.
" Hi Princess, balita namin nililigawan kayo ni sir? " usisa naman ni Catherine. Tumango naman ako at sabay kamot sa ulo. Paikut - ikut ng ballpen ko sa daliri at pindut ng pindut.
" Ayieee.. Teka, diba 26 na si sir? Ten years pala ang gap niyo? " usisa pa ni Cristine.
" Kayo talaga! Mag aaral muna ako bago iyong pag ibig. Uy, bigyan niyo naman ako ng copy ng lesson. " pakiusap ko sa kanilang tatlo.
" Ay, ubos na ang copy! " tugon ni Carine habang naghahanap pa.
" Sabi kasi ni sir ay no need ka na daw bigyan kasi matalino ka! " sabay nilang sabi sa akin. Hala, ang lupit ng ganti niya! Si boss teacher talaga!Napasubsub naman ako sa desk ko sabay titig sa notebook ko. Ano naman gagawin ko? Balak niya talaga akong e - challenge ngayong araw. " Pa picture nalang ako ng copy niyo. " labas ko ng phone ko at kinuhaan ng litrato.
Sumbong ko talaga siya kay papa para singilin siya mamaya. Tskk. Hindi ko siya papansinin mamaya at humanda siya sa ganti ko. " Kring! Kring! Kring! " rinig naming lahat na tila oras na para sa meryenda.
Napatayo ako at ininat ang katawan. " Guys, tara sa canteen at libre ko kayo! " yaya ko sa kanilang tatlo. " Nakakahiya naman, señorita. " tugon naman ni Carine sa akin.
" H'wag mo akong tawaging señorita rito at pantay - pantay lang tayong studyante ng university na ito. Walang señorita, walang mayaman at magkaibigan ang turingan! " tugon kong paliwanag sa kanila.
" Sana all! " sabay nilang sabat at nagtawanan kami.
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT STAND - SEASON 3 (Princess: The First) -COMPLETED
RomanceTEASER: Si Princess ang kauna - unahang umupo bilang prinsesa sa unang pagkakataon. Ang hindi alam ng dalaga ay ang nakilala niyang boss ang magiging kapareha niya at magiging prinsepe na mag aalay ng katapatan at paglilingkod sa kaniya.