Chapter 122 Isip batang prinsesa❤

247 8 2
                                    

At 5:00 AM in the morning.
Naunang nagising si Princess at nagpatugtug ng malakas mula sa phone niya. Ilalapit niya ito sa tenga ng boss niya.
" Damned. Naninira ng tulog ko. " inis nitong bato ng unan.
" Good morning, Boss. Gising kana at may pasok pa. " pingut ni Princess sa ilong ng boss niya.
" Lumayo ka nga sa akin at wala pa tayong label. " tugon niya sa dalaga.
" Eh di lagyan natin ng label. Anong gusto mong label, boss? " lokong sabi ni Princess na ikina-pikun ng boss niya.
" Tskk. Puro kalokohan ang alam mo. " bangon nito.
" Ang seryoso mo, boss. Tumawag pala si papa at kakausapin ka daw sa school. " balita niya sa boss niya.
" Tapos sumbong kita sa papa mo kasi natulog ka sa kama ko. " tugon niya kay Princess.
" Paano ako matutulog doon e may naglagay ng ahas sa ilalim ng kama ko. " balita niya rito na ikinagulat naman ng boss niya.
" What do you mean? " usisa nito sa kaniya na tila hindi makapaniwala.
" Kaya ayokong matulog mag isa sa kama dahil iba pakiramdam ko. Feeling ko kasi ay safe ako sa tabi mo, boss. " paliwanag pa niya rito.

Leandro IV Pov's
Anak nang.. Sino na naman kaya ang may pakanan no'n? Humanda talaga sila at pag-uuntugin ko ang mga ulo nila. Kaya pala ayaw niyang matulog doon at may ahas pala sa ilalim ng kama niya.

Napa-titig na lang ako kay Princess habang nagmu-mukmuk sa tabi ko. Bakit ba kasi hindi niya sinabi agad para na-aksyunan ko kagabi.

" Ayos ka lang ba? Bakit ba kasi ngayon mo lang sinabi? " usisa ko sa kaniya. Hayst. Lagot ako nito sa papa niya.

" Oho, " tugon niya at agad na lumingon.

Nandiyan na pala sina ma'am Jen at kasama si mom. Teka. Nasaan kaya si dad?
" Hi mama. Good morning mama at ma'am Lean. Para po sa akin 'yan? " usisa niya sa supot na dala ng mama niya.
" Oo naman. Kamusta ang tulog mo, Princess? " usisa niya din sa anak niya at niyakap ito.
" Ma, sa kama ho ako ni boss natulog. Natakot po kasi ako sa kama ko kasi may snake sa ilalim. " balita niya ng ganun.

Kitang - kita ko ang reaksiyon ni ma'am Jen at tumitig ito ng bahagya sa akin. Patay ka Leandro at magtago kana sa palda ng mom mo.
" Ma, wala naman siyang kasalanan e saka wala siyang alam. Tama lang ang desesyon ni papa na ipakasal kami agad para ma-protektahan niya ako. " pagtatanggol na naman ni Princess sa akin.
" Kung ganun ay hindi ka rin safe sa Palace na 'to. Magpapadala ako ng email kay King Deave at pababalikin kita sa bahay. " wika ni ma'am na tila may plano siya.
" Kumain na ba kayong dalawa? Heto ay may dala kaming breakfast. May pasok pa kayong dalawa. " yaya ni mom sa amin.
" Breakfast na kayong dalawa at tatawagan ko lang si Carllex. " sabi pa ni ma'am Jen at tumungo sa sofa.

Inilabas na lang ni mom ang pagkain nilang dalawa. Na-upo lang ako sa kabila sa may tapat ni Princess. Hindi man lang niya sinabi na may mali pala kagabi. Siguro naisip niya na baka maisturbo ang tulog ko. Kaya sa halip ay nilihim na lang niya ito.

Habang naghahanda si mom ay may napansin ako sa galaw niya. Teka. Bakit parang lumaki ata tiyan ni mom?

" Kain na kayong dalawa at maaga pa kaming nagising para ipaghanda kayo ng breakfast." sabi ni mom. Tskk. Siguro may ginawa si dad kay mom.

" Buntis ka ba, mom? " seryoso kong usisa sa kaniya. Damned. Gumalang ka naman Leandro at mommy mo ang kausap mo.

" Shhh. H'wag ka munang maingay at hindi pa alam ng dad mo. " patahimik sa akin ni mom na ikinatuwa ko. Wahhh. May kapated na ako.

" Talaga mom? " pagka-excite ko. I can't imagine na magkakaroon pa ako ng kapated. I'm sure talaga na masu-surprise dad sa ibabalita ni mom.

" Kain na kayong dalawa at mainit pa 'to. Princess, ayos ka lang ba? Nag aalala ang lahat sayo. Kagabi ay hindi nakatulog si Jen kakaisip sayo. " balita ni mom sa kaniya.

" Hindi lang ho sanay si mama. Gusto ko man hong umuwi ay hindi maari at may kasunduan kaming dapat na sundin. " tugon naman niya.

Masunurin siya pero nasobrahan sa kakulitan. Daig pa niya ang batang sa kapasawayan.

ONE NIGHT STAND - SEASON 3 (Princess: The First) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon