Hindi na lamang naniwala ang dalagang si Rose sa binatang si Carll. Sa isip niya ay nanatili pa ring imposible ang narinig mula sa binatang pinagtitilian ng mga babae sa bayan nila.
" Tskk. Pa, pasok lang ako sa bahay at ayokong maniwala sa baliw na ito. " paalam ni Rose at nagtawanan ang mga Vergara.
" Ay grabi, anak ba talaga kita? Ang tapang mo! " hangang puri ni Carllex sa anak niya.
" Papa talaga! " kamot nito.
" Ano? Hindi ka nakaporma sa anak ko no? " usisa ni Alex sa binatang si Carll.
" Mahirap talaga maging pogi at walang maniniwala sayo. " lokong tugon nito na ikinatawa na naman ng lahat.
" Sir Alex, " tawag naman ng isang binata na lumabas sa isang kotse.Napangisi na lamang si Carllex ng masilayan ang isa pang anak na binata.
" Uy, may naligaw na namang de la vega. " sambit ng mga Vergara.
" Sir Alexander, liligawan ko ho si Alexandra. " seryoso nitong sambit na ikinatawa ng papa niya.Napakamot na lamang si Alexander, " Pa, ano iyong ligawan? " seryoso nitong usisa na tila napaka inosente talaga. " ay grabi, " tawanan naman ng lahat.
Carllex Pov's
Mukhang magkaka apo agad ako ah! Ay loko ka talaga! Umayos ka nga! Masyado pa silang bata para sa pag aasawa. H'wag sanang gumaya sa akin ang mga anak ko.
" Ok lang iyan boys at marami pang oras. " tapik ko sa balikat ng dalawa kong binata.
" Pa, masyado bang bata si Alexandra at hindi niya alam ang salitang ligawan? ' usisa naman ni Llex sa akin.
" Ganun talaga iyon. " tugon ko sa kanilang dalawa.
" Sir Carllex, tuloy muna kayo sa bahay para makapag meryenda. " yaya ni Alex sa amin.Papasok na kami sa sala ng maabutan ang mga dalagang Vergara. Nag uumpukan sila na tila nagrereview na. " Hi girls, pwede kaming maupo? " paalam ko sa kanila.
" Maupo kayo sir Carllex at naghahanda lang ho kami sa entrance exam. " magiliw na tugon ni Alejandra.
" Ay, bakit ngayon pa ito! " inis na dabog ni Xandra habang nakatayo. Mukhang tinagusan siya!
" Let me help you! " mabilis na hinubad ni Llex ang jacket niya at itinali sa baywang ni Xandra.
" Ayieeee.. " tili nila sa dalawa.Ayon oh! Ang bilis ng pogi kong anak na si Llex at manang mana sa akin. Napangiti ako ng bahagya at paparating na sina sir Alexander. " Oh, anong nangyare doon sa bunso ko? " usisa niya sa lahat. " Pa, tinagusan si Xandra. " tugon ni Rose at bahagyang napalingon sa kinaroroonan ng anak ko.
Ay grabi, pati ako'y kinikilig sa kanila. Ang puppy love nga naman. Hindi natin alam kung paano kontrolin. Basta ang alam lang nila ay pag ibig na iyon. Pero hindi ganon kadali ang magmahal. Sana naman sila ang magkatuluyan at alam ko kung gaano sila kabuti. Kaya ipagdarasal ko talaga ang mga binata naming anak.
Napansin kong ang mga mata ni Carll ay naka titig lang kay Rose. Aba, isa pa ang ito at mukhang tinamaan. Kaso nga lang mahirap mapaniwala si Rose at nakapokus lang sa pagrereview nito. " Girls, hinto niyo muna iyan. " wika ni Luhanne.
Umupo ito sa tabi ko at sabay ngumisi, " Sir Carllex, mukhang tinamaan itong si Carll mo kay Rose. Ayan oh, ang lagkit ng mga titig. " puna niya din.
Nagtawanan na lamang kami sabay aper. " Hayaan niyo na sila at dumaan din tayo sa ganiyan." sabat naman ni Alex at umupo sa tabi ng kapated niyang si Luhanne.
Napatawa na lamang kami ng nahuli ni Rose si Carll na nakatitig sa kaniya. Ayan, parang leon si Rose. " Bakit ka nakatitig sa akin? Gusto mo bang makatikim ng suntok? " masungit na usisa ni Rose na ikinahalakhak namin nina Alex.
Grabi, nakakatuwa silang panoorin. " Tssk. Bakit naman kita titigan? Maganda ka ba? " sabat naman ng binata ko. Hala, nagkapikunan na silang dalawa.
Napatayo na lamang si Rose at lumapit kay Carll. Mukhang maganda ang mapapanood namin ngayon. " Bakit? Gusto mo atang mahalikan? " tayo ng bahagya na parang binabara niya si Rose. " Subukan mo at tatama sayo itong kamao ko. " banta niya kay Carll.
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT STAND - SEASON 3 (Princess: The First) -COMPLETED
RomansaTEASER: Si Princess ang kauna - unahang umupo bilang prinsesa sa unang pagkakataon. Ang hindi alam ng dalaga ay ang nakilala niyang boss ang magiging kapareha niya at magiging prinsepe na mag aalay ng katapatan at paglilingkod sa kaniya.