After a week.....
Nasa sala noon si Princess habang nagsasaulo ng kaniyang Speech. Nasa kabilang banda naman ang mga kuya niya at nag aaral.Mapapansin ang hindi maayos niyang kilos. Panay ang hawak nito sa ulo niya. Na parang sumasakit ito sa hindi malaman na dahilan. " Are you okay? " ask ng husband niya.
Tatango na lamang si Princess at iinum muna ang tubig. Sandali niyang ipagpapatuloy ang pagsaulo ng Speech.
Makaraan ang ilang minuto ng biglang bumagsak na lang siya sa lapag. Na siya namang nasaksihan ng husband niyang noo'y nakaharap sa kaniya.
Dali - dali isinugod sa hospital si Princess. Mas lalong nagpanic si Leandro IV na tila nahuhulaan na niya ang dahilan ng pagkawala ng malay ng asawa niya.
Sandaling lalabas ang Doktor mula sa Emergency Room. Magsisilapitan ang lahat at makikibalita.
" Kamusta siya, Doc? " unang usisa ni Sir Carllex.
" May I know, who's the husband? " usisa ng Doktor.
" Ako ho, Doc.! " lapit ni Leandro IV.
" Congratulations! She's pregnant! " balita ng doktor na siyang ikinawala ng malay ni Leandro IV.
Bumagsak ito sa lapag ng marinig ang balita ng doktor kaya pati siya ay na hospital din.
Many Months After...
Ilang araw na lang ang hihintayin bago manganak si Princess. Naghahanda ng todo si Leandro IV at pansamantalang hindi pinansin ang mga sinampang kaso sa kaniya.
Nasa Sala sila at naghahanda sa oras na sumakit na ang tiyan ni Princess. Panay na kasi ang lakad nito at hindi mapakali.
Pupunta sa kusina at kukuha ng pagkain. " Nagugutom talaga ako, Mama. " sambit niya na parang may hinahanap na ibang pagkain.
Pauupuin naman siya ng asawa niya. " Princess, kanina pa kami nahihilo sa iyo. Maka ilang ulit mo na naikot ang mansiyon. " wika ng asawa niya.
" Nagugutom nga kasi ako at gusto ko ng malamig. " haplos niya sa tiyan niyang malaki. Na kahit anong oras ay maari na siyang maglabor.
" Gawan mo kaya siya ng Sandwich. " suggest ni Carllex sa asawa ng anak niya.
" Ano? Gusto mo ng Sandwich? " tanong naman ni Leandro sa kaniya.
" Oo at kahit ano basta pagkain. " tugon ni Princess at yayakap sa bisig ng papa niya.
" Oh? Nagpapa cute ka na naman. Magkakababy na kayo ni Leandro. " wika niya sa anak.
" Pa, magiging Lolo na kayo. Ma, masyadong mabigat ang tiyan ko! " wika niya ng ganun.
Napahalik na lamang sila sa noo ni Princess at nagbigay ng payo. " Be a good mother sa magiging anak niyo ni Leandro IV. Andito lang kami ng papa mo at lahat kami na gagabay sa iyo. " wika ng mama niya.
Parating na si Leandro na mula sa kusina at ginawan nga niya ng Sandwich ang asawa niya. Kaagad niya itong inabot na may kasamang tubig. " Sabihin mo lang kung kulang pa! At gagawan kita. " wika niya kay Princess.
Nilantakan agad ni Princess ang Sandwich na gawa ng asawa niya. Pagkatapos ay uminum ng tubig. Napadighay na lamang ito na ikinangiti ng asawa niya.
" Thank you, Boss. Busog na ako. " suhol niya ng halik sa pisngi nito.
" Tara at magbibihis ka. Kanina pa basa ang likod mo. " alalay niya sa asawa paakyat ng hagdan.
Sa Kwarto nilang mag asawa.
Kinuhaan niya ng damit si Princess at tinulungan itong magbihis. Hindi na kasi ito makabihis ng maayos dahil sa malaki nitong pagbubuntis. Kaya nakaalalay ang asawa niya sa likuran nito." Thank you, Boss. Naabala pa kita. " wika niya habang palabas ng dressing room.
" Asawa kita at nasa responsibilidad kita. Dahan dahan sa pag upo at tataliin ko ang buhok mo. " kuha niya ng suklay sa harap ng salamin.
Dahan dahan niyang susuklayin ang buhok ng asawa. " Boss, tingnan mo ang katawan ko at hindi na slim. Hindi muna ako mabubuhat at mabigat na ako. " pabiro ni Princess.
Yayapusin naman siya ng asawa. " Bubuhatin pa din kita kahit na mabigat ka pa sa akin. " sabay yapos ulit at halik sa tiyan ni Princess.
Walang ano - ano'y biglang sumakit ang tiyan ni Princess. " Argh, ang sakit! Manganganak na ata ako! " pagkasambit niya na at agad nagpanic si Leandro.
Nagsusumigaw ito. Na siya namang nagka alerto sa lahat. Tumunog ang ambulansiyan na naka estambay sa labas ng mansiyon.
" Manganganak na ako! Lalabas na! " pagsusumigaw ni Princess.
" Pakiusap, sa hospital kana manganak. Pigilan mo muna. " pakiusap naman ng asawa.
" Hindi ko na kaya! Sobrang sakit na! " paghahampas niya sa asawang nasa tabi niya.
Hindi malaman ang mukha ng Mama at Papa niya. Halos magkapunit ang damit ni Leandro IV sa paghila ng asawa niya dahil sa manganganak na ito.
Pagdating sa Hospital.
Kaagad na pinasok sa Emergency Room si Princess. At sinabi ng Doktor na komplikado ang panganganak ni Princess.Lubos na nag alala si Leandro IV ng marinig ang sinabi ng doktor. At wala siyang nagawa kundi ang magdasal na lamang.
Makalipas ang isang oras.
Nagalak na lamang ang lahat ng marinig ang isang iyak ng sanggol. Kaya naglapitan sila at sinilip sa babies room.Napahagulhul sa tuwa si Leandro ng masilayan ang anak nila ni Princess.
Kaagad nilang sinalubong ang doktor na nag opera sa panganganak ni Princess.
" Doktor, kamusta na ho ang asawa ko? " ang bungad na usisa ni Leandro.
" I'm so sorry, Mr. De los Santos. Wala na ho ang asawa niyo. Hindi siya naka survive sa pagrevive namin sa kaniya. " malungkot nitong tugon.
Napawala na lamang si Leandro at agad na tinungo ang Emergency Room. Napaluhod na lamang siya ng maabutang wala nang pulso ang mahal niyang prinsesa.
Halos patayin niya sa sisi ang sarili sa nangyare. Ngunit may dahilan pa para siya'y bumangon muli. Nasa kunang puti ang batang sanggol na babae. May nagniningningang mga mata. Mapulang labi at magandang kurba na mga pilik mata.
Nagpaalam na ng lubusan ang prinsesa nila ngunit nag iwan ng bungang papalit sa trono niya.
----- THE END -----
Notes: The Knight, Gangs, and the Warrior Angel po ang sunod dito. Pakihanap na lang po.💖
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT STAND - SEASON 3 (Princess: The First) -COMPLETED
RomanceTEASER: Si Princess ang kauna - unahang umupo bilang prinsesa sa unang pagkakataon. Ang hindi alam ng dalaga ay ang nakilala niyang boss ang magiging kapareha niya at magiging prinsepe na mag aalay ng katapatan at paglilingkod sa kaniya.