One Week After.
Bukas na ang klase sa mga unibersidad na pag aaralan at pnili ng mga studyanteng paglalaan nila ng apat na taon. Sa pinili nilang kurso, mayroong napilitin at mayroon din namang walang pagpipilian. Sa hirap ng buhay at mataas na bilihin. Matuturi kang maswerte kung pinanganak ka sa mayamang estado ng buhay.Puno ng karangyaan, pagmamahal at pagbabantay. Ganiyan ilarawan ng lahat ang prinsesang nagmamay ari ng unibersidad na pag aaralan niya. Pinatayo kasi ito matapos ang nangyare at maling akala ng lahat na ang makulit na si Princess ang bangkay na natagpuan sa van na sinunog.
Pagpasok pa lang sa unibersidad ay agad na sinalubong ng mga medya ang dalaga. Kaagad namang humarang ang dalawang binata. Aaliwin nila ang mga ito hanggang sa makalusot ang kapated nila ng walang sagabal papasok ng campus.
Princess Pov's
Andito na ako ngayon sa loob ng campus at naglalakad na ako sa hallway. Ang laki pala ng pinatayo ni papa para sa akin. Kapangalan ko pa nga at sinadya talaga para daw sa akin ito. May papers ngang pinermahan ko kanina. Nabuhay daw kasi ako kaya sa akin ang school na ito. " Uy, diba siya iyong?..... " hindi natapos ang sasabihin ng lumapit ako sa kanila.Ang simple lang nila at mukhang scholarship. Hindi kasi bago ang shoes at walang kaayos ayos. " Hi, ako nga pala si Princess. Hinahanap ko kasi iyong room ng BSED-1. Maari niyo ba akong tulungan? " paki usap ko sa kanila. Sana naman pumayag. Mukha kasing akward na sila sa akin.
Ay, nahiya na sila sa akin. " Nakakahiya naman, mahal na prinsesa. " tugon nong naka tali ang buhok niya. " Sige na, wala kasi akong kasama. Mukha kasing mga first year din kayo. " pilit ko sa kanila. Wala na kasi akong choice at hindi ko alam kung saan ang room ko.
Kakamot nalang ako at maglilingon - lingon. Ang dami nang dumadaan na students at lingon ng lingon ng lingon sila sa akin. Masyado ba akong maganda? O talagang namamangha lang sila dahil prinsesa daw ako? " H'wag na kayong mahiya sa akin. Plz, " pakiusap ko pa habang sinusuyo sila.
Kanina pa ako dito at tinititigan lang nila ako. " Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw niyo akong samahan. Sige mauuna na ako! " paalam ko sa kanila.
Naglakad lakad na ako habang hinahanap iyong room ko. " Señorita, " mahinang tawag sa akin ng pamilya na boses. Paglingon ko ay sila pala iyong kanina na pinagtanungan ko.
Mukhang sasamahan na nila ako, " Señorita, doon ho tayo sa kabilang department. " turo niya sa akin. " Ay, thank you talaga sa inyo. " sabay hug ko sa kanila.
" Nakakahiya naman señorita at isa kayong prinsesa. " yuko nila ng bahagya sa akin.
" H'wag na kayong mahiya sa akin. Uy, katabi ko kayo sa upuan ha! " suyo ko sa kanila.
" Señorita talaga! Napakaganda niyo naman ho. Lusaw kaming tatlo! " sabat nong isa na kayumanggi din ang kulay at may hawak na schedule.
" Ano ba kayo! Princess na lang ang itawag niyo sa akin. Maari ko ba kayong maging kaibigan?" sabay hinto ko at abot ko ng aking palad.
" Nakakahiya naman. " tugon nilang tatlo sa akin.
" Gusto ko kayong maging kaibigan. " sabi ko sa kanila habang paliko na kami ng hallway.Papasok na kami sa hallway ng TED Department ng biglang nagsulputan ang mga bodyguards ko. " Mahal na prinsesa! " yuko nila sa akin. Hala, saan kaya galing ang mga ito?
" Mauuna na kami, señorita. " paalam nong tatlo.
" Sandali, sama ako sa inyo. " habol ko naman. Ayoko kayang mag isa. Gusto ko may kasama ako sa kalokohan ko.Nakasunod lang ako sa kanila at pumasok na sila sa room ng BSED -1. Ito na pala ang room namin. " Good morning! Please come in! " bati nong teacher sa amin.
" Good morning ho, ma'am. " bati kong sabay sa kanilang tatlo.
" Mukhang naligaw ka ata, Ms. De la Vega? " usisa ni ma'am sa akin. Ay, ano daw? Naligaw?
" Ma'am, gusto ko hong maging teacher! " tugon ko naman habang nakatingin sila sa akin.
" Diba, siya iyon?? " usisa nila sa isa't - isa.
" Students! I want to introduce the owner of this university, Ms. Princess Maria Illagoza Alexander - Celine Jennalyn S. De la Vega. She's friendly at pilya but matalino. " pakilala ng teacher sa akin.Nabaling ang mga titig nila sa akin. Iilan lang kasi sila. Siguro mga nasa 30 kami at lima ang lalaki. " Students! Kindly introduce yourself! " sabi ni ma'am.
Pinili ko nalang na hindi makinig sa pagpapakilala nila. I missed my kuya's. Kamusta na kaya sila sa BAM Department? " Hi, ako nga pala si Carine Joy Casaul at pasensya na kanina. Sobrang nahihiy lang kami kasi ikaw iyong may ari ng school. " pakilala at paumanhin nong nakatali ang buhok.
Kaagad ko namang iniabot ang palad ko sabat shake hands. " Nice to meet you! " tuwa kong tugon. " Hi, ako naman si Catherine De Mesa. " pakilala nong kayumanggi. Ay, ang swerte ko ngayong araw at magkakaroon na ako ng mga bagong kaibigan.
Iyong isa naman ay nagpakilala na Cristine Mendoza. Yes! May tatlo na akong new friends! Hindi pa natapos ang pagpapakilala nila ng may kumatok sa pintuan. Napalingon naman kami at bumungad sa amin ang mukha ng isang ginoo.
Kyahhhh.. Si boss, ano kaya ang ginagawa niya rito? " Good morning BSED -1 Students! I'm your new professor, my name is Leandro De los santos IV. " pakilala niya at agad namang tumugon ang teacher namin.
Ay, siya ang new professor namin? Hala! Patay! Bakit siya pa? Huhuhu, back subject na lang ako. Napaka strikto niya kaya. " Students, maiwan ko muna kayo at nandito na ang professor niyo. Good luck sa inyong lahat! " paalam ni ma'am.
Tskk. Humanda talaga siya sa akin at lalagyan ko ng ipis iyang desk niya mamaya. Ayan na si boss sungit. Daig pa ako at napaka taray na naman. " In my class, there are rules na dapat sundin! First, ayoko ng pilosopon! Second, ayoko ng studyanteng layas! Ang huli ay dapat kayong ma aral ng mabuti. " sabi niya.
Hay, inaantok na ako at humikab ako ng kunti. Yay, patay ka Princess at nakita ka niya.
" Stand up!!! Ms. De la vega! " tawag niya sa akin.
" Ako ho ba, sir? " kamot kong usisa.
" At sino pa, aber? Gusto mo bang lumabas? " usisa niya sa akin.
" Hindi sir at inaatok lang ako! " tugon kong katwiran. Babarahin ko talaga ito kapag ako napikun.
" Inaantok ka pala! So bakit pumasok ka pa? " usisa niya.
" Sir naman. Para mag aral, sir. " pilosopo kong tugon.
" Niloloko mo ba ako, Ms. De la vega? " lapit niyang usisa sa akin. Niloloko daw?
" Bakit naman kita lolokohin, sir? Eh wala namang tayo! " sabat ko pa.Nagtawanan na bigla ang mga classmate ko. Ayan, napa ekis ang mga braso niya. Hala, siguro may dalaw ito? " Gusto mo bang lumabas? " saad niyang sabi sa akin.
Kyahaha, lagot kana Princess. Galit na siya, " Lalabas lang ako pagkasama ka! " tugon ko namna. " Ayieee.... " tilian nila sa amin.
Napatahahimik na lang kami ng kinalabog niya ang desk niya. " Ok, get your papers and we have a long quiz! " hala, iba talaga ang ganti niya. " You, Ms. De la Vega. Lumabas ka! " turo niya sa akin.
Ay, seryoso na siya! Eh di lalabas! Lagot ka talaga sa akin boss at hindi kita papansinin. Ang aga - aga napaka pikun niya ngayon. Ano kaya pinaglihi sa kaniya?
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT STAND - SEASON 3 (Princess: The First) -COMPLETED
RomanceTEASER: Si Princess ang kauna - unahang umupo bilang prinsesa sa unang pagkakataon. Ang hindi alam ng dalaga ay ang nakilala niyang boss ang magiging kapareha niya at magiging prinsepe na mag aalay ng katapatan at paglilingkod sa kaniya.