Chapter 128 (Pangitain)

252 7 0
                                    

At 5:00 AM in the morning.
Nabulabog ang lahat sa tangis ni Princess sa may hallway ng mga kwarto. Pababa na siya habang iyak ng iyak na hindi malaman ang dahilan ng pag iyak niya.

Napabukas na lamang ng pintuan ang lahat sa kwarto nila at sinilip ito. Mapupuna namang wala roon si Leandro IV na hindi namalayan ang pag alis ng asawa niya sa tabi nito.

Magtatanong ang isip nila kung bakit sa sandaling iyon ay tumatangis si Princess. Una namang magtatanong si Jen na noo'y kagigising lang din.

Lalapitan niya ang anak nitong nagmumukmuk sa isang tabi. " Princess, may problema ba? Ang aga aga pero bakit iyak ka ng iyak? Nasaan ang asawa mo? " usisa ng mama niya sa kaniya.

Hindi na lamang iimik si Princess kaya maglalapitan ang mga kuya niya at magtatanong sa kaniya. " Hey, ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak? Inaway ka ba ng asawa mo?" usisa ng kuya Carll niya.

Hahawiin naman niya ang mga luha nito. " Ayos lang ako at hindi naman ako inaway ni Boss. Ang sama kasi ng pangitain ko. Hindi ko tanggap na masisira ang pamilya ko. Ayokong mangyare iyon, Mama. " tangis niya habang nagpapaliwanag.

Naglapitan na lamang ang lahat sa kaniya. " Apo, hindi iyon mangyayare. " wika ng lola Mia niya na umupo sa tabi niya.

Lalapit din ang mga lolo at lola niya. " Apo, tumahan ka na sa pag iyak diyan. Look, hindi mo man lang ginising ang asawa mo. " wika naman ng Lola Jena niya.

Mapapakamot na lamang si Princess. " Hayaan niyo na ho si Boss at pagod iyon. Ma, kapag nawala ako ulit. H'wag kayong iiyak. Matutulog lang naman ako. " wika ni Princess na hindi maintindihan ng lahat.

Magkakatitigan naman ang mga de la Vega. Lalo na si Carllex na tila nakukuha na ang ibig sabihin ng anak niya. " Are you kidding, Princess? I am right? Hindi ka pwedeng mawala at alam mo iyan. " sabat niya agad sa anak nito.

Napayuko na lamang si Princess. " Mawawala ako at iyon ang nakatadhana. Pero bago iyon ay magsisilang muna ako ng sanggol. I saw my future Papa at hindi iyon mapipigilan. Mas lalong magiging malala ang sitwasyon. Ang patayan at krimen ay magsisimula na. Everybody should be prepare. " banta ni Princess sa lahat.

Nagkaroon na lamang ng katahimikan ang lahat. Napa upo sila sa lapag na parang nag iisip sa sinabi ni Princess.

Malilingat naman sila ng makarinig ng yabag mula sa isang kwarto. Palabas itona parang wala sa mood niya. " Princess, " tawag ng ginoong kagigising pa lang.

Magugulat naman siya sa bumungad sa kaniya. " Magandang umaga ho. Teka, anong mayroon? " usisa niya sa mga De la vega na naka upo sa lapag.

Matutuon naman ang mga mata niya sa asawa nitong nasa dulo at halatang umiyak. " Andito ka lang pala. Teka, umiyak ka ba? " bahagya niyang upo sa tabi nito.

Hindi na lang iimik si Princess at aayusin ang upo niya.

Mababasag naman ang katahimikan nila ng nagsilabasan ang mga dalaga at munting binata na sa mga silid nito. " Good morning po. Mama at Papa, ano po ang mayroon? " usisa ng nagbibinatang si Skye kasama ang kambal nitong si Skype.

Magtatayuan na lamang sina Seigio at Dona. " Wala naman. Hali ka nga kay papa. " hug ni Seigio kay Skye. Niyakap din ni Dona ang isa nitong kambal.

Mapapatitig naman ang kambal nina Yessa sa lolo at lola nila. Sabay itong magtatanong sa mga mata nila. Kapwa na sila dalaga kaya naman ay iisa ang takbo ng isipan nilang magkambal.

" Siguro, umiyak na naman si Princess. " padinig ni Ayye na naka pink ng pantulog.

" Oo nga, kasi mukhang may problemado silang lahat. " puna din ni Yessa.

ONE NIGHT STAND - SEASON 3 (Princess: The First) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon