Take My Heart Chapter Two :

9.3K 170 2
                                    

  PLEASE READ A GANGSTER LOVE EVERYONE! THANK YOUUUUU <3<3<3

 Pic of Drew sa gilid -->>

CHAPTER TWO:

NICHOLE's POV*

Nandito ako ngayon sa Memorial Park, kung saan nilibing si Clark. Hindi ko sya nakita nung binurol at nilibing sya. Hindi ko kaya..  

Dahil araw-araw nararamdaman ko ang sakit, ang hirap ng katotohanang, Clark left me.

I cried and been miserable for almost 3 months after the incident, walang araw na hindi ako nagluksa sa pagkawala nya, hanggang sa ilang beses na akong nacoconfine sa ospital dahil sa depression.

I loved Clark more than anything else. It felt like I'm dying each day without him. He is my first love and my last love I guess. Parang hindi ko na kaya magmahal pa ulit ng isa pang beses dahil sa takot na mangyari ulit ang mga nangyari sa akin. Hindi na ako mag-aaksaya ng pagkakataon. Hindi ko na hahayaang masaktan akong muli nang dahil lang sa pag-ibig.

Until one day, I stopped crying. I changed a lot, hindi na ako ang dating Nichole na masayahin, madaldal, makulit. I can feel the new me, strong, masungit at tahimik. I changed my lifestyle, kasi dati bahay,school, Clark lang ako. But now, he's gone. The old Nichole's gone with him. I started going to bars, going home late and drunk. yeah, I'm drinking since then. Dati ang buhok ko ay sobrang haba, with its natural black color, but now I cut it off to my shoulder and colored it. I changed the way I dress. The way I look, and the way I talk.

I'm still attending school, I am now 3rd year Tourism student at Lyceum. But I skip classes, mostly. Lalo na pag wala ako sa mood. At palagi akong wala sa mood, so meaning? Hindi na rin ako madalas sumasama sa mga friends ko and I know they understand. The never left me, because I left them. I rather be alone, than be with someone. Hindi tulad dati na hindi nabubuo ang araw ko nang hindi ko sila nakakasama. But now, everything changed.

And after 6 months, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na pumunta rito. And to think na hindi ko na sya ulilt makikita at makasama, kills me. 

I am sitting beside him and my tears started to fall. Nakakiyak na ako, hindi tulad noon na para na akong baliw. I learned to overcome my depression but still, the pain is there.

" Sorry Clark ha. Kung ngayon lang kita napuntahan. I know you understand. But why did you left me? You know how much I love you, right? You know that I just can't live without you but now you're gone at hindi na kita mababalik pa. I won't be able to see you again, to touch you, to kiss and hug you. Because you already left me. Sana sinama mo na lang ako, Clark. Bakit mo kasi ako pinapahirapan ng ganito? Kung mahal mo talaga ako, bakit mo ako iniwan ha? " I said between tears. After 3 months ngayon lang ako ulit nakaiyak ng ganito.

" Hija. .

Napatayo ako ng makilala ang nagsalita sa likod ko. I immediately wiped my tears bago humarap sa kanya.

" Tita Elaine.. "

And then she hugged me.

" Hija, thank you for everything, thank you for loving my son. I understand kung bakit hindi ka nagpakita after what happened. And we just can't blame you because we know how you're hurt. But Nichole, I want to ask you one thing, move on. Go on with it. "

Move on?. . Tsss..

Kumalas sya sa pagkakayakap at tumingin sa akin.

" Tita. . "

" Mom, call me Mom, Hindi man natuloy ang kasal nyo, you still have the right to treat me as your Mom. " She smiled and wiped her tears.

Tumingin ako sa kawalan, hindi ko sinalubong ang tingii ang tingin nya sa akin. And answered without looking at her. Bumalik na naman ang pamamanhid ko.

" I can't.  I'm sorry but I have to go. " Paalam ko at tumakbong paalis sa lugar na 'yon. At nag-uunahang pumatak ang mga luha ko.

DREW's POV*

After 6 months, naka-recover na ako after my heart transplant. 6 months ago, naaksidente ako at yun ang dahilan kung bakit kailangan kong operahan agad bago pa ako tuluyang mamatay. But before that I am already suffering from a heart disease. Hindi naman ganoon kalala pero kailangan lang mag-ingat. Hindi ako pwedeng mapagod at mastress.

Oo nga pala, I am Christopher Drew Bermudez. Graduating Business Administration this year. Pero dahil sa operasyon ko, hindi ako nakapasok ng 6 na buwan. So I missed school at kailangan ko mag catch up ng subjects para maka-graduate ako ngayong taon.

Masaya ako kasi marami na akong nagagawa ngayon na hindi ko magawa noon, pwede na akong mag-basketball na hindi na madaling mapagod. Unang araw ko ngayon na papasok ulit so I decide na mag-try-out para sa basketball. Balita ko kulang na ang team ng school, malapit na rin ang sports fest at naghahanap sila ng bagong Captain.

But still, nalulungkot pa rin ako. Lalo na pag naaalala ko ang mga nangyari 6 months ago. 

Salamat sa donor ko, utang ko sa kanya ang buhay KO.

And nandito ako ngayon sa parking lot, 30 minutes pa ang susunod kong class, dito muna ako magpapahangin.

Then suddenly may nakita akong babaeng dumaan sa tabi ko, mukhang nagmamadali kaya hindi nya napansin na nahulog nya yung panyo nya. Pinulot ko naman agad at pinagpag at sumunod sa kanya.

Hindi pa naman sya nakakalayo kaya tinawag ko sya.

" Miss! " Pero mukhang hindi ako narinig kaya hinabol ko sya at nang nakalapit ako ay hinawakan ko sya sa braso at hinarap sa akin.

 Naka-headphones pala kaya hindi ako narinig.

Napansin ko, sobrang ganda nya lang. O____O  

Yun lang naman, pero parang masungit? Nakakunot yung noo nya, then her eyes, so beautiful pero I can see na there's something with her.

Di ko na namalayan kung gaano ko na sya katagal na tinitigan. Narinig kong nagsalita sya.

" What's your problem? Alam mo bang naaabala mo na ako? I'm in a hurry. " Sabi nya at hinila ang brasong hawak ko.

" Ah. Eto pala. " Kinuha ko sa bulsa ko ang panyong nahulog nya. At inabot ko sa kanya. Pero parang nangangalay na yong kamay ko pero hindi pa rin nya inaabot. Nakatingin lang sya at nakasimangot sa hawak ko.

" What's that? " Kunot-noong tanong nito.

" Panyo mo? Nahulog kanina nung dumaan ka sa atabi ko, kaya pinulot ko. Eto oh. " Nakangiti pa akong inabot sa kanya ulit, pero hindi pa rin nya kinukuha, tinitignan nya lang.

Ano hindi mo pa kukunin? Gusto ko sanang sabihin.

" So, you mean nahulog na yan? At  pinulot mo tapos gusto mong ibalik sa akin? Isn't it dirty na? " Parang nandidiring kinuha nya ang panyo at tinapon sa basurahang katabi nya.

Whaaat?? Ang arte naman nito. Ganda pa naman.

" Thanks. " I heard her said before leaving me na naka-nganga. *jawdrop*

 " Hey. " Hinabol ko sya. " Ano nga palang pangalan mo? " Tanong ko ng nakalapit na ako, pero ang bilis pa rin nya maglakad.

Nakasimagot nya pa rin akong tinignan bago sinagot.

" None of your business, Mister. " sabi nya bago ako ulit iniwan nang naka-nganga. And this time hindi ko na sya nahabol, parang natulala na lang ako eh.

 vote

comment 

become a fan!

thanks <3

SORRY PO SA TYPO ERRORS..

-an9helako

Take My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon