Take My Heart Chapter Forty Three :

4.2K 58 1
                                    

Dedicated po kay Ate @whateverBLUE, salamat po sa pagbabasa, pagcocomment at pagvovote.. Goodluck po sa'yo, sana makapasa ka at maging pharmacist na :) <3

PLEASE READ MY NOTE AFTER THIS CHAPTER. THANK YOU <3

CHAPTER 43

After 6 months ..

NICHOLE's POV*

Anim na buwan na ang nakalipas.. Akala ko hindi na ako aabot dito.. Akala ko hanggang doon na lang ako.

Hanggang doon na lang kami ni Drew.

Pero sino ba ang mag.aakala, makakaligtas pa rin pala ako sa bingit ng kamatayan..

Nagising na lang ako at una kong nakita ang taong gustong gusto kong makita sa pagdilat ng mga mata ko.

Si Drew..

Na hanggang ngayon hindi pa rin ako iniiwan..

Walang araw na dumaan na hindi nya ako pinupuntahan o hindi kami nagkikita..

Kahit abala sya sa pag.asikaso kay Tita, sa mommy nya..

Sobrang daming himalang nangyari sa loob lamang ng anim na buwan.

At isa na doon ang unti unting paggaling ni Tita.Noong una akala talaga namin wala ng pag.asa. Pero pagkatapos ng mga nangyari, ng makalabas ako sa ospital at malaman ko ang lagay ni Tita, ako na mismo ang kumausap at kinumbinsi si Tita para subukan ang chemo.

At hindi naman kami nabigo dahil napapayag namin sya at ngayon nga, unti unti ng bumabalik ang lakas nya. Unti unti na syang sumisigla at sumasaya.

Ganoon din si Drew.Noon hindi ko alam na ganun pala ang nangyari kay Tita, hindi rin naman kasi nakwento ni Drew ni minsan. At naintindihan ko naman yun.

Oo nga pala, kasama ko ngayon si Drew.. Papunta kami sa kulungan, kung nasaan si Angela..

Totoong hindi ko gustong makulong sya, pero hindi raw yun pupwede dahil sa sobrang daming batas na nailabag ni Angela at ang mga pulis na mismo ang nagsampa ng kaso sa kanya.

At tulad nga ng naipangako ko sa kanya, hindi ko sya pababayaan.

Lumalapit pa rin ako sa kinauukulan tungkol sa kaso nya, ako na rin mismo ang gumagawa ng paraan para makalabas kaagad sya.

Siguro nagtataka kayo kung bakit ako ganito? Kahit na halos patayin nya na kami handa pa rin namin syang tulungan?

Simple lang. Naintindihan namin kung ano ang mga pinagdaanan nya.

At sa loob ng anim na buwan na pagdalaw ko sa kanya, at sa bawat pagdalaw ko sa kanya, walang dumaang araw na hindi sya nagsisi. Na hindi sya humingi ng tawad. At sino ba naman ako para hindi sya patawarin?

Kahit na nalaman kong sya pala ang sumagi sa akin noon sa ice skating rink, kung bakit ako nakunan.

Noong una sa totoo lang nasaktan ako, nagalit. Pero pinilit ko pa ring inintindi. At nagtagumpay ako dahil nawala rin ang sama ng loob ko sa kanya.

Ni katiting wala akong nararamdamang galit sa kanya, kundi awa. Gustong gusto ko syang matulungan at malagpasan ang lahat ng pinagdaraanan nya.

At nandito ako, bilang kaibigan nya.

" We're here. " Napalingon ako kay Drew at ibinigay ang pinakamatamis kong ngiti. Isang totoo at masayang ngiti.

Agad naman syang bumaba sa sasakyan at umikot para pagbuksan ako ng pintuan.

Inalalayan nya rin ako pababa at kumapit sa braso nya habang naglalakad kami papasok sa kulungan.

Dadalawin namin ngayon si Angela, ngayon din namin malalaman kung ano na ang progreso sa kaso nya kasama ang abugado na parating pa lang din.

Take My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon