Take My Heart Chapter TwentyFour :

4.3K 62 1
                                    

SALAMAT PO SA PAG-FOLLOW, PAGBABSA AT PAGVOVOTE :) SANA MA-ENJOY MO RIN PO ANG STORY KO :) THANK YOU PO NG MARAMI :))) <3

CHAPTER 24

NICHOLE's POV*

Nagpalit-palit ang tingin ko kanila Cloud at Anjela.

Si Anjela ay ngiting-ngiti na nakatingin pa rin kay Cloud.

At si Cloud naman, kala mo nakakita ng multo na hindi mo mainitindihan.

Matagal kaming natahimik at nagpapakiramdaman ng magsalita uli si Anj.

" I bet he already forgotten me. " Hindi pa rin naaalis yung tingin nya kay Cloud samantalang si Cloud naman biglang pinagpawisan. " Hey are you okay? " Baling nya kay Cloud ng mapansin rin nyang bigla itong hindi mapakali.

" Eh teka lang, magkakilala ba kayo o hindi? " Singit naman ni Mau.

" Oh. Let me tell you the truth.. WE---- "

" PLease.. " Nagulat ako sa naging reaksyon ni Cloud, hinawakan nya rin sa braso si Anj.

Then I saw Anj smirked.

Hindi ko alam pero bakit parang may nangyayaring dapat kong malaman?

" Dear.. Don't worry. Sasabihin ko sa kanila kung paano tayo nagkakilala, whether you like it or not. " Makahulugang sagot ni Anj na nagpakunot ng noo naming lahat, lalo na ni Cloud.

" Please.. No. " Narinig ko pang pagmamakaawa ni Cloud.

Ano ba talagang meron?

" Sabihin mo na ang totoo, Anj. " Matigas kong sabi. HIndi ko alam pero parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

" Oh sure. SO I was telling -- " Naputol na naman ang sasabihin nya ng magsalita uli si Cloud at lalo pang hinigpitan ang hawak kay Anj.

" No.. PLease.. Don't do this to me. Alam kong gal--- " Si Cloud naman ang natigilan ng muling magsalita si Anj.

" What are you talking about? Sasabihin ko lang naman sa kanila na we once meet sa Paris, sa isang particular shop. Nagkabungguan tayo then you said sorry, tapos umalis ka na. Mukhang nagmamadali ka nga nung time na yun eh. That might be the reason kung bakit hindi mo ko natatandaan.  Pero kahit na ganun, I still can't forget you. "

Pinakinggan kong mabuti yung sinabi nya, pero bakit ganun? May part sa'kin na nagsasabing wag akong maniwala?

" Yun naman pala eh. Ano pang inaarte mo dyan, Cloud? " Singit uli ni Mau.

Napansin ko namang bigla ring kumalma si Cloud pero hindi pa rin naaalis ang matatalim nyang tingin kay Anj na naka-smirk pa din.

Hindi ko alam, pero kinukutuban akong may hindi tamang nangyayari?

***

Nagpaalam na kami sa isa't isa, sila Mau, tara at Sophie nauna nang umuwi. Si Anj naman kadarating lang ng sundo, kami nalang ni Cloud ang naiwan.

Pero hindi rin nagtagal nagpaalam na rin sya, may pupuntahan pa daw sya.

Pero bago sya umalis, nag-sorry muna ako sa kanya, isang simpleng ngiti lang ang naisagot nya.

Isang simpleng katulad kay Clark.

Dumaan mna ako sa Library bago nagdesisyong pumunta sa Memorial Park.

Take My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon