Take My Heart Chapter Sixteen :

4.3K 67 8
                                    

A/N

HAPPY 1K READS! MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT NG NAGBABASA, NAGVOVOTE AT NAGCOCOMMENT! <3<3<3

Dedicated to ate, salamat po sa comments at sa pag-add ng story ko sa reading lists mo <3<3<3

CHAPTER 16

NICHOLE's POV*

Mahigit isang buwan na mula ng makalabas ako ng ospital, mahigit isang buwan na rin akong tumatawag at nagtetext kay Drew, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin sya ma-contact..

Alam ko galit sya sa akin, galit sya dahil sa nangyari.

Galit sya dahil pinabayaan ko ang anak ko, ang anak namin.

Siguro nga kasalanan ko, pero masisisi nyo ba ako kung bakit hindi ko alam na buntis na pala ako? Siguro dahil hindi pa talaga ako handa magkaroon ng anak, marami pa akong pangarap, marami pa akong gustong gawin.

Pero nagbago lahat yun, mula ng magkaroon ako ng anak, mula ng mawalan ako.

Sobrang nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon, at alam ko ang sakit na tulad ng nararamdaman ko ngayon ay kahit kailan man ay hindi na mawawala.

Pakiramdam ko, nawala ang kalahati ng buhay ko, o mas mabuting sabihin, wala na ang buhay ko. Nawala na ang dahilan na mabuhay ko. Nawala na ang anak ko, iniwan pa ako ni Drew.

Pagod na pagod na ako sa ganito, yung palagi na lang akong naiiwan, nasasaktan, hindi ba pwedeng maging masaya na lang? Hindi pa pwedeng hindi na ako iwan?

Siguro kung alam ko lang na buntis na pala ako, o nabuntis ako, siguro masaya na ako ngayon, kasama ang baby sa loob ng sinapupunan ko, kasama ang taong pinakakamamahal ko.

Magkasama kaming bibili ng mga gamit nya kahit hindi pa namin alam kung anuman ang kasarian nya, pahihirapan ko si Drew maghanap ng paglilihian ko, lagi ko syang kukurutin at panggigigilan dahil sa paglilihi ko. Yung tataba ako, lalakas ako kumain, pero si Drew tuwang-tuwa lang akong tingnan at sasabayang kumain. Palagi nyang hahawakan ang lumalaki kong tyan, kakausapin ang baby ko ng lahat ng gusto nyang sabihin, at kapag manganganak na ko nandyan lang sya para buhatin ako at ipagmaneho papunta sa ospital dala ang mga gamit na hinanda na namin isang buwan bago ang panganganak ko, sabay naming bibigyan ng pangalan ang anak namin, sabay naming papalakihin ng masaya, sabay naming mamahalin ng magkasama..

Pero hindi ko alam, hanggang pangarap na lang pala lahat ng yun.

Dahil, wala na.. Wala na ang baby ko, wala na si Drew.

Hinayaan ko na lang pumatak ang masagana kong mga luha, eto lang naman ang kaya kong gawin, ang umiyak, ang magluksa. Sa pagkawala ng mga taong  mahalaga sa buhay ko.

Iniwan na ako nila Mommy, Daddy, ni Clark.. Ng baby ko, at ni.. Drew.

Sino pa ba? Sino pang iiwan sa akin? Sino pang mananakit sa akin?

Pwedeng bang tama na? Dahil hindi ko na kakayanin..

" Nichole? " Nakarinig ako ng mahihinang katok mula sa kwarto ko.

Si Tita Emma, mula ng ilabas ako ng ospital hindi na nya ako uli iniwan, at nagpapasalamat ako sa kanya dahil marahil kung hindi dahil sa kanya, sumuko na ako.

Mabilis ko namang pinunasana ng mga luha ko bago pa nya tuluyang buksana ng pinto, pinagbawalan nya na kasi akong mag-lock, mabuti na raw ang nag-iingat.

" Anak.. " Nakita ko namang ngumiti si Tita, at alam kong pilit lang yun. Umupo rin sya sa tabi ko sa kama, at naramdaman kong hinawakan nya ang magkabila kong kamay at hinalikan iyon.

" Magpapaalam na ako, marami-rami na rin akong kailangang asikasuhing naiwan kong trabaho. "

" I'm sorry, Tita. "

" Ssshh. Ba't ka nagsosorry ha? Ako nga dapat humingi ng sorry sa'yo, alam kong hindi na kita dapat iwan, pero hindi naman pwede, hindi ko pwedeng pabayaana ang trabaho ko. Kaya i'm sorry, Hija. Nawawalana na ako ng panahon sa iyo, hindi na kita naaalagaan. Pero hayaan mo babawi ako sa iyo, palagi akong dadalaw sa'yo ha. " Niyakap naman ako ni Tita, ginantihan ko nmaan sya ng mas mahigpit na yakap.

Manhid pa rin ang pakiramdam ko ngayon, pero pinilit kong ngumiti kay Tita, ayokong mag-alala pa sya sa akin, ayoko ng may mag-alala pa sa akin.

" Tita.. Don't my mind me. Okay na ako dito. " Kahit ako hindi ko alam kung totoo yun.

Hinatid ko naman si Tita sa labas ng gate, hanggang sa nakita ko na lang ang papalayo nyang kotse.

Mag-isa na naman ako, mag-isa na namang mabubuhay.

Pumasok na ako ng bahay at nagpunta sa kusina, naghilamos ako at uminom ng malamig na tubig.

Nang maupo ako sa sofa, narinig kong may nagdodoorbell sa may pintuan. Naisip kong baka si Tita ay may nakalimutan, kaya tumayo naman agad ako at binuksan.

Pero hindi ko inaasahan ang makikita ko na pinagbuksan ko ng pinto, hindi ko talaga inaasahan, hindi ko naisip na makikita ko sya ulit.. Kahit kailan, hindi.

" Sorry kung ngayon lang ako nagpakita, Hayley. "

" C-Clark? "

A/N

Salamat po ulit ng marami! <3<3<3

Angsaya ko lang.. Kahit hindi ganun karami ang nakakaalam ng story ko, sobrang naapPreciate ko po lahat ng nagbabasa!

MARAMING SALAMAT PO TALAGA!

God Bless!

Take My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon