Take My Heart Chapter Ten : PART TWO

4.9K 83 4
                                    

A/N

PLEASE SPREAD THIS STORY! SALAMAT PO!

PIC OF GEN >>>

DREW's POV*

Nichole?

Nagulat pa ako ng marinig ko ang pangalan nya, and realized what's happening..

Bigla kong naitulak si Gen at napasandal sya sa pader.

" What are you doing?! " Sabi ko realizing she just kissed me!

Pinukulan ko naman sya ng masamang tingin bago tinakbong palabas doon. At nadatnan ko naman si Julius sa labas ng room ng team namin.

Parang alam ko na kung bakit ko narinig ang pangalan ni Nichole, si Julius pala ang tumawag sa kanya!

Baka kung ano ginawa nya kay Nichole! Damn! 

Parang biglang kumulo ang dugo ko sa naisip at hindi ko na napigilang suntukin si Julius at tinamaan sa panga.

*BUGSH!*

" Anong ginawa mo sa kanya ha?! " Bulyaw ko kay Julius habang hawak nya ang panga nya.

At sya naman ang sumuntok sa'kin na hindi ko naiwasan kaya tumama rin sa panga ko.

*BUGSH!*

Napahawak naman agad ako sa pader at muntik ng matumba sa lakas ng suntok nya. May nalasahan rin akong dugo mula sa gilid ng bibig ko. At muli kong binalik ang masamang tingin sa kanya.

Hinding-hindi ko sya mapapatawad oras na malaman kong may ginawa sya kay Nichole!

" Eh gag* ka naman pala Pare eh! Sa akin mo pa ibibintang ang kagag*han mo?! Kanina ka pa hinahanap ni Nichole! At nakita nyang nakikipaghalikan ka sa babae mo! Gag*!

Pakiramdam ko napako ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang sinabi ni Julius.

Nakita kami ni Nichole.. Shit!

Mabilis kong tinakbo paakyat sa roofdeck at hinanap si Nichole.

Pero wala sya sa roofdeck, ang nakita ko lang sila Mau kasama si Julius.

Nakita ko ang galit sa mga mukha nila ng makalapit ako sa kanila.

" Si N-nichole? " Hinihingal ko pang tanong sa kanila.

" Hindi namin alam, at wala kaming sasabihin baliw ka! " Galit na galit na sagot sa akin ni Mau, pero hindi ko sya masisi. Alam kong may kasalanan ako, at kailangan kong maayos agad.

Tatalikod na sana ako ng may marinig akong nagsalita, at kung hindi ako nagkakamali si Sophie 'yon.

" Subukan mo syang hanapin sa Memorial Park, doon nakahimlay ang mga magulang nya, itanong mo na lang don kung saan makikita ang himlayan ng mga Barameda para hindi ka maligaw. " Nasa tono man nya ang galit, nagawa pa rin nyang sabihin sa akin.

Napalingon naman ako, " Salamat! " Sabi ko at tuluyan ng umalis.

Papunta na sana ako ng parking lot ng may biglang maalala..

Shit! Wala pala akong dalang kotse!

 ***

Nag-commute lang ako hanggang makarating sa Memorial Park, nagpunta agad ako sa opisina nila para makapagtanong kung saan makikita ang himlayan ng mga Barameda.

 Sinamahan naman ako ng isang caretaker na puntahan ang himlayan ng mga Barameda.

Malayo-layo rin, at naglalakad lang kami. Mabuti na lang at medyo makulimlim, parang anytime uulan na. Kaya parang napapagod na ako. Pero kailangan kong magtiis, o kung hindi magtitiis akong galit si Nichole sa akin.

Hanggang sa tanaw ko na ang kotse nya at ang mosque kung saan nakahimlay ang mga magulang nya. Nakikita ko ring syang nakatayo sa loob at nakatalikod kaya hindi nya pa ako nakikita.

 Dahan-dahan naman akong lumapit, at pumasok. " Nichole..

Napalingon naman sya at nakita kong parang galing nya lang sa iyak. Gustung-gusto ko na syang lapitan at yakapin, pero ng makita ko ang reaksyon nya ng makita ako, alam kong galit sya.

Gusto kong ipaliwanag ang nangyari kanina, na hindi ko sinasadya ang mga nangyai, hindi ko ginusto. Gen kissed me! But I never kissed her back!

" Anong ginagawa mo rito? " Mhina lang ang pagkasabi nya pero ramdam ko ang galit sa boses nya. Muli syang tumalikod at humarap sa mga magulang nya.

 " Look, I'm sorry about what you saw. Gen kissed me first. " Paliwanag ko.

 " So, Gen pala ang pangalan ng girlfriend mo. " Malamig nyang sagot.

 Hinawakan ko naman sya sa braso at iniharap sa akin. Then saw the emptiness in her eyes. Ganito rin ang tingin nya ng una ko syang makita..

" You are my girlfriend, not her! " I said straight to her eyes. But I don't see any reaction.

" Get lost. " Pilit nyang inaalis ang pagkakahawak ko sa kanya, pero hindi ko sya pwedeng bitawan. Ayoko.

" Let go of my arm. " At sinalubong nya ang mga tingin ko sa kanya, may mga namumuong luha sa mga mata nya.

 Binitawan ko naman sya pero mabilis kong hinawakan ang mukha nya at ikinulong sa mga palad ko. " Please listen to me, Nichole. Mahal kita. Please believe me. "

At tuluyan ng pumatak ang mga luha nya still staring at me.

" I'm trying, Drew. I'm trying to love you, 'cause I thought it isn't hard to love someone like you, but I was wrong. I can't and I don't love you.

 Nakaalis na si Nichole pero naiwan lang akong tulala. Hindi ko magawang gumalaw, kundi napaluha na lang.

She can't and don't love me.

 *** 

BUKAS PO ULIT :)

VOTE

COMMENT 

NAMAN PO PLEASE..

-an9helako<3

Take My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon