Take My Heart Chapter Eighteen :

4.4K 61 7
                                    

Rest in Peace my dear Friend :'(

Mamimiss kita .. Salamat sa memories  :'(

I love you so much :'(

CHAPTER 18

NICHOLE's POV*

Nagising ako ng masakit ang ulo ko, nang mapatingin ako sa orasan..

12:05

Whaaatt? Teka.. late na ko TT___TT

Minsan na nga lang pumasok, late pa..

Inom-inom pa kasi kagabi hindi naman kaya, hindi ko nga alam kung paano ako napunta sa kwarto ko e.

Hindi kasi mawala sa isip ko si Cloud.  Hindi ko pa rin makalimutan kung ano ang naramdaman ko nung nakita ko si Cloud kahapon. Parang nakita ko mismo sa harapan ko si Clark, buhay na buhay.

Pero masisisi ko ba sila? Kambal nga sila eh. Pero ba't ganun? Iba talaga ang pakiramdam ko, may hindi tama? Hindi ko lang maintindihan kung ano.

Nag-aayos na ako ng gamit ko papunta sa school ng makaramdam ako ng gutom, kelan ba ako huling kumain?

Kahapon lunch pa, tapos ang dinner, alak >.....<

Pero nagdesisyon akong magpunta na lang sa CR at maligo, saturday naman ngayon pero may klase pa din, pero pwede rin hindi na mag- uniform. At doon na lang din ako kakain.

Pagkalabas ko ng CR ay naka-receive ako ng text galing kay Mau.

From Mauuu :'>

- Asan ka? Hindi ka ba papasok? Finals na nextweeek!

- Papasok po, Nanay. Na-late lang po ng gising. ( >3< )

Sent!

Bumaba naman ako agad at nagtungo sa kusina, kumuha muna ako ng fresh milk at inubos ang laman nun bago ako lumabas ng bahay.

Si Justin ang gagamitin ko kaya nilabas ko na sya sa gate, bumaba ako para ilock ang gate.

Ng bigla na lang may nagtakip sa mga mata ko mula sa likod ko.

Bigla ring bumilis ang tibok ng puso ko, wala naman ibang gumagawa sa'kin nito kundi si..

" Clark? " At paglingon ko..

Isang malungkot na mukha ang nakita ko.

" C-Cloud.. "

Pero nabigla pa ako ng hilahin nya ako at dalhin kay Justin. Mabilis nya akong pinasok sa kotse na halos tinulak na ko, at mabilis rin syang umikot pasakay sa driver's seat. 

PLAG!*

Nagulat pa ko sa pag sarado nya ng pinto.

" Sisirain mo ba si Justin?!! " Sigaw ko sa kanya pero napansin kong parang natigilan sya sa narinig at napatingin sa akin.

" You named your car after my-- my brother's name? "

Nag-iwas naman ako sa kanya ng tingin at ibinaling sa labas ng kotse.

" You don't care. Tsaka pwede ba, bumaba ka na at may klase pa ako.

" Di ka papasok. "

Bigla naman akong napalingon.

" What?! "

***

Hindi na nga ako nakapasok, hindi ko rin alam kung saan ako dadalhin ni Cloud. Pero ang lakas ng kabog ng puso ko, pamilyar kasi ang dinaraanan namin ngayon.

Take My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon