Take My Heart Chapter ThirtyNine :

3.7K 46 3
                                    

CHAPTER 39

NICHOLE's POV*

" D-Drew? " Napatayo ako sa sa swing at niyakap ko agad sya ng mahigpit. " Drew.. " Lalo pa akong napaiyak..

Sobra ko syang namiss.. Hindi ako makapaniwalang nandito na sya sa harapan ko ngayon.

Napaiyak pa ako lalo ng maramdaman ang pag ganti nya ng mas mahigpit na yakap sa'kin.

" I miss you.. God, I miss you so much, Nichole.. "

Matagal na walang nagsalita sa aming dalawa, nanatili kaming nakayakap ng mahigpit sa isa't isa.

Maya-maya pa hinawakan ni Drew ang kamay ko at dinala ako sa isang bench at naupo kami ng magkatabi.

Pakiramdam ko parang sasabog na ang dibdib ko sa tuwang nararamdaman ko, ngayong katabi ko at kasama ang pinakamamahal ko..

Pareho lang kaming nakatitig sa isa't isa habang hawak-hawak pa rin ang pareho naming mga kamay.

Hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak..

Masaya ako.. Pero alam ko, baka mamaya hindi na.

Kitang-kita ko sa mga mata ni Drew ang kalungkutan, yung pakiramdam na may sasabihin sya sa akin.. At kailangan ko yun malaman, na sa kanya mismo manggagaling..

Naramdaman ko ang mga palad nya sa mukha ko, pinupunasan ang mga luhang patuloy na pumapatak sa mukha ko.

" Nichole.. I'm sorry. I love you. "

" Sorry din, Drew.. But.. I want to know the truth, from you. Now. "

" What do you mean? Alam mo na about kay Clark? "

Napalayo ako sa kanya ng marinig ko ang sinabi nya.

" Clark? What's about him? Drew.. May dapat ba akong malaman tungkol kay Clark na alam mo? Ano? Hindi ko maintindihan. "

Naguguluhan ako.. Anung alam nya kay Clark? Hindi naman yun ang ibig kong sabihin na gusto ko malaman eh.. Kundi yung tungkol sa kanila ni Gen..

Pero ano to? May hindi pa ba ako nalalaman?

" Drew? " Tawag ko sa kanya ng hindi pa rin sya umimik. Nakatingin lang sya sa akin na parang naguguluhan din.

Lumapit na ako sa kanya ng hindi pa rin sya nagsasalita at yumuko na lang.

Hinawakan ko ang braso nya kaya napatingin sya sa'kin. Ng umiiyak.

Na lalong nagpagulo sa isip ko.

Hindi na ako nagsalita at nakatingin lang sa kanya hanggang sya na mismo ang nagsalita. 

" Nichole.. Ako ang nakapatay kay Clark. Ako ang kasama nya sa aksidente. At ako rin.. Ang heart receiver nya. "

Sa narinig ko, napabitaw ako sa kanya. Dahan-dahan din akong umatras papalayo sa kanya.

Hindi ko maintindihan.. HIndi ako alam kung anong dahilan ng muli kong pagluha. Dahil ba sya ang nakapatay kay Clark? Sya ang nakatanggap ng puso ni Clark? O dahil ba, hindi nya sa akin sinabi noon pa?

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na hindi nagsalita, kahit hindi ako nakatingin sa kanya alam kong nakatingin sya sa akin. 

At lalapit sana sya, pero pinigilan ko.

" Kailan mo pa nalaman yan? " Tanong ko sa kanya ng hindi nakatingin.

" Nichole.. " Humakbang pa ulit sya palapit sa akin. Pero ako naman ang umatras.

Take My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon