Take My Heart Chapter ThirtyThree :

4K 51 3
                                    

Dahil hindi ko po alam at ako'y naguguluhan at nahihirapan kung sino ang magpPOV. AKO na lang po! haha :D

CHAPTER 33 :

3RD PERSON's POV**

" Nichole.. "

Biglang napako sa kinatatayuan si Nichole ng marinig ang boses na yun..

Hindi nya magawang gumalaw, maglakad palayo o ang lumapit sa tumawag sa kanya. Nanatili lang syang nakatayo at lihim na nanginginig.

" Nichole.. " Lalo pang kinabahan si Nichole ng maramdamang nasa likuran na nya ang binata.

Pinilit nyang tinago ang kabang nararamdaman ng magsalita.

" A-anong ginagawa mo rito? " Sabi nya ng naantiling nakatalikod sa binata.

" PLease.. Let's talk. I'm begging you. "

" Umalis ka na. " Maglalakad na sana sya palayo sa binata ng maramdaman nyang hinawakan nito ang kamay nya.Na lalong nagpabilis ng tibok ng puso nya.

Gusto man nyang bawiin ang kamay na hawak ng binata ay hindi nya magawa, hindi dahil sa mahigpit ang pagkakahawak nito kundi dahil ayaw nya ring gawin.

Nagtatalo na ngayon ang isip at puso nya..

Sinasabi ng isip nya na kailangan na nilang tumigil, kailangang matuto.. Pero ang puso nya.. Isinisigaw ang pangalan nya..

" Bitawan mo ako-- "

Hindi na natuloy ang sasabihin ni Nichole ng bigla syang hilahin paharap ni Drew at niyakap ng mahigpit..

Sinubukan nyang itulak si Drew pero lalo lang nito hinigpitan ang pagkakayakap sa bewang nya.

" Wag, Nichole.. PLease.. " Pagsusumamo ni Drew sa dalaga. " Don't do this.. You're killing me.. " Dugtong pa nito.

Hanggang sa hinayaan na lamg ni Nichole na yakapin sya ng binata, ayaw man nyang aminin sa sarili pero sobrang namimiss nya na rin ang binata..

WAlang araw na hindi nya ito hinanap, pero bakit ngayong nandito na sya sa harapan nya ay ipinapalayo nya ito?

" Drew.. Please.. " Naramdaman na lang ni Nichole na umiinit na ang sulok ng mga mata nya.

Gusto man nya na nakikita ang binata, ang mayakap ito.. Hindi nya pa rin maiwasang maalala ang mga sakit nanaranasan nya.. Dahil lang sa pagkakamali ni Drew.. Na hanggang nayon ay hindi nya pa rin talaga kayang kalimutan..

" Tama na .. Umalis ka na.. PLease, Drew.. " Tuluyan na ngang tumulo ang mga luha nya na kanina pa nya pinipigilan.

Naramdaman naman nyang ikinulong ni Drew ang mukha nya sa mga palad nito para makita syang mabuti..

Ngunit ipinikit nya ang kanyang mga mata habang patuloy na tumutulo ang kanyang mga luha.. Hindi nya pwedeng makita ang mukha ng pinakamamahal nya at baka makalimutan nya na lang bigla ang mga nagyari oras na makita nya ang mukha ni Drew..

" PLease open your eyes.. Look at me, Nichole.. Parang awa mo na.. " Rinig ni Nichole ang pagsusumamo sa boses ni Drew kaya't di na nya napigilan dumilat.

At tumambad nga sa harap nya ang mukha nito na halos magdikit na sa mukha nya..

Kita nya rin ang mga namumuong luha sa mga mata ng binata..

Tinitigan nya itong mabuti, sa mga mata nito.. At hindi nya uli napigilang hawakan ang mukha ng binata at pahirin ang mga luha nito.

Hinawakan naman ni Drew ang kamay ni Nichole na humahawak sa mukha nya.

" I'm sorry, Nichole.. Sorry.. Please.. Forgive me.. Please.. Parang awa mo na.. Tatanggapin ko ang lahat ng parusa mo, wag mo lang akong iwan.. Wag mo lang akong kamuhian, please Nichole..

Pakiramdam ni Nichole ay unti-unti syang nagising sa sinabi ni Drew..

Unti-unting bumbalik ang mga alaala nya.. Ang mga sakit na naranasan nya ng iwan sya nito..

Gusto man nyang patawarin na ang binata, hindi nya pa rin magawa. Mahirap.. Sobrang hirap..

Kaya ng magkaroon sya ng lakas ng loob ay tinulak nya si Drew at nakabitaw sa kanya.

" Nichole? "

" Tama na. " Pinunasan nya ng mabilis ang kanyang mga luha at pilit pinatatag ang boses. " Umalis ka na. "

Ng akma syang lalapitan uli ni Drew at pinigilan nya ito. 

" Wag.. ka ng lumapit. " Sabi ni Nichole at itinaas ang kanyang kanang kamay para pigilan ang binata sa paglapit sa kanya.

Pero naging mabilis si Drew at sa isang iglap ay nahawakan na nito ang magkabilang balikat ni Nichole at iniharap sa kanya.

" Look at me, Nichole. Then tell me, you don't.. Love me anymore. " Si Drew na nakatitig ng mabuti sa mukha ng dalaga na nakatingin sa ibang direksyon.

" Nichole.. " Tawag nya uli dito. " Look at me, straight to my eyes, straight to my face. Tell me what you want.. And I'll do it. " Hirap ang kaloobang nasabi ni Drew.

Nilingon naman sya ng umiiyak na dalaga at tinitigan nga sya nito.

" I -- "

Pero naputol ang sasabihin ng dalaga ng bitiwan sya ni Drew at tinalikuran.

Nakita nya namang marahang yumuyugyog ang balikat ng binata tanda ng pag-iyak nito.

Ng akma nya itong hahawakan ay muling nagsalita ang binata.

" No.. Not this fast. I'll give you time to think.. Of what you really feel for me. "

Ibig manlumo ni Nichole sa narinig sa binata, rinig nya rin ang mahinang paghikbi nito.

At halos madurog ang puso nya ng humarap ang luhaang si Drew sa kanya kahit hindi ito lumalapit.

Gusto man nyang maglakad palapit sa kanya ay muling napako ang kanyang paa sa kanyang kinatatayuan.

Nanatili lang syang nakatingin sa gwapong mukha ng minamahal at sinasaktan..

Gusto man nya itong yakapin uli, halikan. Hindi na nya magawang kumilos.

" Babalik ako bukas. Nichole.. And I'll ready myself of what you're about to say.. But please, think of it carefully.. "

Dahan-dahang muling lumapit sa kanya si Drew at naramdaman nya na lang na hinalikan sya nito sa noo.

" I love you. "

Mahal din kita, Drew.. Bulong sa sarili ni Nichole ng makaalis na si Drew.

Hindi nya na rin maintindihan ang sarili nya..

Mahal nya si Drew.. Ng sobra..

Pero nagtatalo ang puso at isip nya..

Bukas, sino ang pipiliin nya?

Si Cloud na hindi sya iniwan o si Drew na sya'y binabalikan?

***

WEEEE... SINO NGA PO KAYA? ^_______^

Sorry po sa Typos :)

MUAAA :*****

Take My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon