Take My Heart Chapter Forty :

3.8K 44 3
                                    

WAAAAAAAAAAAHH.. KALA KO NAPOST KO NA KAHAPON TT ^ TT

Dedicated po kay Ate

Gusto ko po sanang mag-update gamit ang phone ko kaso hindi ko alam kung anyaree.. Kase sa phone ko Chapter 20 pa lang yung nasa My Works ko.. Hindi ko din maintindihan kaya dito na lang sa PC. Mas mabilis din po ako magtype pag sa pc kesa sa phone, hehe.. 

SALAMAT PO SA INYONG LAHAT! <3

Please also support my new story, A Gangster Love. Isa pa po yan sa sory na tumatakbo ngayon sa isip ko na gusto ko na naman ishare..

CHAPTER 40

CLARK's POV*

Nakalimutan ko ang phone ko sa bahay ni Nichole kaya bumalik agad ako pero pagdating ko wala namang tao sa bahay nya.

Tinatawagan ko rin sya pero nagriring lang ang phone nya, mukhang iniwan nya sa loob ng bahay nya. Aatayin ko na lang sya..

Kaso almost 2:00 A.M na hindi pa rin sya dumarating.. Nag-aalala na ko.. Tinawagan ko na rin sila Mau, Tara at Sophie pero hindi raw nila alam at hindi rin daw sila kinontak pa ni Nichole.

Hindi ko naman alam kung saan ako pupunta para hanapin sya kaya hihintayin ko na lang sya.

Nandito ako sa labas ng gate nila, nakasandal sa kotse ko nang matanaw akong isang babaeng naglalakad na nakayuko at parang wala sa sarili.

Dahil medyo madilim na hindi ko agad napansin kung sino yun hanggang sa medyo nakalapit na sya.

Naitapon ko ang sigarilyo na hawak ko at napatakbo palapit sa nakita kong babae ng makilala kung sino yun.

" Nichole?!! " Bungad ko sa kanya ng makalapit sa kanya. " What happened?! " Tanong ko pa ng makita ang mga dugo sa damit nya.

Halos buhatin ko naman sya hanggang makapasok kami sa loob ng bahay nya at inalalayan sya hanggang makaupo sya sa sala.

" Nichole.. Hey.. " Hinawakan ko ang mukha nya para iharap sa akin, hindi pa rin sya nagsasalita at patuloy pa rin sa pag-iyak.

" Ano bang nangyari? Ba't ngayon ka lang? Ba't may dugo sa damit mo ha? " Alalang-alala kong tanong sa kanya at tuloy pa rin sya sa paghikbi.

" D-Drew.. " Rinig kong bulong nya at lalo pa syang napaiyak.

" Drew? Bakit? What happened to him? "

Hawak-hawak ko na ang magkabila nyang kamay at marahang pinipisil iyon.

" N-Nasagasaan sya.. K-Kanina.. A-Ako dapat yun.. K-Kung hindi nya ako s-sinundan.. K-Kung hindi nya ako t-tinulak.. A-Ako dapat yun.. A-Ako dapat yun.. " Nanginginig pa ang boses nya ng sabihin yun at hinawakan nya ang mukha nya at lalo pang uling napaiyak.

Wala na akong magawa kundi ang yakapin sya at haplusin ang likod nya para patahanin sya.

" How is he? " Tangi kong naitanong habang yakap-yakap ko pa rin sya.

HInintay kong magsalita sya hanggang sa naramdaman ko na lang na parang hindi na sya gumagalaw at nakasandal na sa balikat ko.

" Nichole? "

Wala na syang malay.. Binuhat ko naman sya at dinala sya kwarto nya. Inihiga ko rin sya sa kama at binihisan.

" Nichole.. Nandito lang ako. Hindi na kita ulit iiwan.. Mahal na mahal kita.. " Bulong ko sa kanya at hinalikan sya sa noo bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.

NICHOLE's POV*

 Pagmulat ko ng mga mata ko agad akong tumayo at humarap sa salamin.

Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko pero isa lang ang alam ko, hindi para sa sarili ko ang gagawin ko, kundi para kay Drew..

Take My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon