Take My Heart Chapter Six :

7K 111 5
                                    

PLEASE READ A GANGSTER LOVE EVERYONE. THANK YOUUU! <3<3

A/N

DEDICATED KAY ATE, SALAMAT PO SA SUPPORT! <3

UNTI-UNTING NA PONG LALABAS ANG MGA KATOTOHANAN, SO.. READ OUT (WATCH OUT,HEHE )

CLLLAAAARRRKKKKKKKKKKKKKKKKK >>>>>>>>>>>

NICHOLE's POV*

Naihanda ko na ang lahat ng dadalhin ko papuntang Tagaytay. May resthouse kami doon, property nila Mommy pero pinangalan din sa akin pagkatapos nilang mawala. Pero hindi doon ang punta ko, sa bahay DAPAT namin ni Clark.

Si Russel ang dadalhin ko, wala din kasi si Justin. Hinanap ko kagabi yung susi nya kaso wala sa purse na dala ko nung party, baka na-misplaced ko lang. Tsaka ko na lang aasikasuhin, sa ngayon kailangan ko munang mapag-isa, ulit.

Isa pa, mas madaling dalhin si Russel, iwas traffic at mabilis akong makakarating doon. Dahil ang pinakamabagal ko lang namang takbo lalo na kapag highway e 120kph.

Kung noon takot na takot talaga ako sumakay ng motor, ngayon takot ako kapag mabagal lang ang takbo ko. At may isang bagay akong na-realize, hindi ibig sabihin na takot ako sa isang bagay ay hindi ko na kayang lagpasan.

Wala pang isang oras ng marating ko ang Tagaytay, at nandito na ako ngayon sa harapan ng bahay namin. Pero hindi ko pa rin magawang bumaba kay Russel, parang nangangatog ang mga tuhod ko. Unti-unti na namang pumapatak ang mga luha ko

Nandito na ako sa bahay namin ni Clark.

Unti-unti na namang pumapatak ang mga luha ko habang mabibigat ang mga paang lumalakad papasok.

I looked around, and everywhere I can see him.

Napakalaking bahay nito kung tutuusin, dito namin sisimulang gumawa ng isang masayamg pamilya, at kahit siguro magkaroon kami ng isang dosenang anak kakasya pa rin kami dito. Pero malabo nang mangyari yon ngayon.

I smiled bitterly and wiped my tears.

Combine ideas namin ni Clark ang design ng bahay na ito, the paintings, wall colors, sofas, home theatre, at iba pang mga gamit. Dalawa kaming nagtulungan para maging ganito kaganda ang kinalabasan ng bahyay.

Napadako ang tingin ko sa mga pictures. May picture kaming 2 ni Clark, hinalikan nya ako sa pisngi habang nakapikit ako, siguro 15 pa lang ako nito, 18 sya. Meron ding apat kami nila Mau, Tara at Sophie, 1st year pa lang kami dito at bestfriends na.

Napansin kong may solo picture si Clark.

Ang gwapo talaga nya, ang gwapo ng fianceE ko. 

Paris? Kelan pa sya nagpunta ng Paris ng hindi ko alam? 

May nakita akong date sa picture, pero ng bubuksan ko na sana ang frame, may narinig akong nagsalita.

" Nichole, anak? " Napalingon ako sa nagsalita na nasa likod ko.

" Nanay Momay! " Sigaw ko at niyakap sya ng mahigpit. Sya nga pala ang nanay-nanayan namin ni Clark, ang saksi kung paanong ang pagkakaibigan namin ay ntuloy sa pag-iibigan.

Muli na namang pumatak ang mga luha ko. " N-nanay.. " Bulong ko at naramdamang hinahaplos nya ang likod ko.

 Dahan-dahan nya akong inilayo sa kanya at hinawakan ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko. " Tama na, Anak. Kalimutan mo nalang sya, pakiusap, ayoko kitang nakikita ng ganyan. " Niyakap nya ako ulit ng mas mahigpit.

Take My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon