Take My Heart Chapter ThirtyOne :

4.1K 45 4
                                    

Dedicated po uli kay AteKo.. SALAMAT ng BONGGA sa MGA COMMENTS! MUAA MUAA! <3<3

CHAPTER 31

CLARK's POV*

Napatingin ako sa wrist watch ko.

11:35 P.M.

Still.. Wala pa rin si Nichole.

Kanina pa namin sya tinatawagan pero mukhang naka-off ang phone nya.

Sinubukan ko ring tawagan si Nanay Momay, at hindi nga ako nagkamali.

Nandoon nga sya, at ano naman kaya ang ginagawa nya ron?

Pauwi na rin daw si Nichole sabi ni Nanay, sinabi kong susunduin ko si Nichole pero hindi na raw kailangan dahil nakaalis na nung nakatawag ako.

Nauna na ring umuwi ang tatlo, dahil may pasok pa bukas. Nasabihan ko na lang sila na tatawag ako kapag dumating na si Nichole.

Nandito pa rin kami sa bahay ni Nichole, hindi naman ganun na nasunog yung buong bahay kundi yung parteng sa may labas lang. Sa may gate lang, nasunog yung mga tanim na halaman ni Nichole.

Mabuti na lang daw at may nakakitang kapitbahay nung nasusunog na.

Pero walang nakakita kung sino ang may gawa, oo tama, sinadya ang sunog. May nakitang gamit na MOLOTOV ( Left4Dead inspired^^ ) sa unahang parte nga ng bahay ni Nichole.

Mabuti na lang at wala rin dito si Nichole..

At malakas ang kutob ko. Si Marie..

" HIjo, Clark? " Si Tita Emma.

Oo alam nya na, nung magpunta kmi nila Mau at Tara rito kanina, nabanggit ko na rin kay Tita ang totoo.

" Yes Tita? " Nasa labas pala kami ngayon, may kausap pa rin kaming pulis, hinihintay din nila si Nichole para sa imbestigasyon.

" Aren't you tired yet? Pwede ka ng umuwi, kanina ka pa rin naghihintay dito. Ako na lang ang maghihintay sa kanya. "

" I'm okay, Tita. HIndi rin ako mapapalagay hangga't hindi ko nakikita si Nichole. At least sa ngayon.. eto muna ang magagawa ko. I'm sorry, Tita. "

" No, hindi ka sa akin dapat mag-sorry. You know what I mean, and I do understand you, Clark. Alam ko mahirap din ang sitwasyon mo, but please.. Wag mo masyadong patatagalin ang pag-amin sa kanya ng totoo.. Mas lalo syang masasaktan habang tumatagal.. "

" Yes, Tita. Still, I'm sorry. Hindi ko ginusto ang lahat ng ito, all I want is she's with me. And I will take all the consequences, mapatawad nya lang ako, Tita. "

" Magtitimpla muna ako ng maiinom natin, sandali lang. " Paalam ni Tita.

Malayo pa lang naririnig ko na ang tunog ng paparating na motorbike ni Nichole. Tinakbo ko palabas ng gate hanggang sa nakita ko na nga syang papalapit..

" Glad you're okay ^^ " Bulong ko sa sarili ko ng huminto na sya sa tapat ng bahay.

" Anong nangyayari rito? " Tanong nya kaagad ng makalapit ako pagbaba nya sa motor nya.

Napatingin naman sya may mga halamanan nya, nandoon pa rin kasi ang mga nasunog na halaman at iniimbestigahan pa rin.

May lumapit namang mga pulis sa amin at kinausap si Nichole.

" Good Evening ho, Ma'am. "

" Ano hong problema? " Tanong din ni Nichole.

Take My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon