Take My Heart Chapter Twelve :

4.7K 77 3
                                    

 A/N

Babaguhin ko na po ang nagP-POV. Pra mas madali po maintindihan at mabasa, narrator na lang po. Pero baka minsan magPOV ulit ang mga characters :D

CHAPTER 12

NARRATOR's POV*

Nagdesisyon si Nichole na umalis ng school, kasama si Drew, tutal wala naman regular classes ngayon.

" Sakay Drew. " Yaya ni Nichole at mabilis na sumakay sa Driver's seat.

Sumunod naman si Drew at sumakay katabi ni Nichole.

" W-what are you doing? " Maang na tanong ni Drew, ngunit nginitian lamang sya ni Nichole at pinaandar ang sasakyan.

" Have some sleep, Drew. You look very tired. " Marahang hinaplos ni NIchole ang pisngi ni Drew, at muling binalik ang atensyon sa pagmamaneho.

" I am. But I'm okay, Baby. " Sagot naman ni Drew at isinandal ang ulo sa headboard. Hinilot-hilot rin nito ang sintido na sumasakit. Totoo naman kasing pagod sya, at wala rin syang tulog buong magdamag.

" Uhm, DRew? Ba't ka nag-sorry kanina? What for? " Sumulyap naman si Nichole kay Drew, pero mukhang tulog na ito kaya hindi na lang sya ulit nagsalita pa at baka magising nya si Drew.

I'm sorry, Nichole. I'm not ready to tell you. Not at all. 

Narinig ni Drew ang tinanong ni Nichole, pero mas pinili na lamang nyang magkunwaring tulog hanggang sa tuluyan na nga syang nakatulog.

*******************

Kanina pa sila nakarating ng MOA at kasalukuyang nakapark sa seaside, pero nanatiling tahimik si Nichole at pinagmamasdang mahimbing na natutulog si Drew.

Alam kong may hindi ka sinasabi sa akin, DRew. Pero ano ba yun? Dapat ba akong matakot? Malungkot? Pero may tiwala naman ako sa'yo eh. Maghihintay ako kung kailan ka na handang sabihin sa akin. Mahal na mahal kita. Sa isip ni Nichole habang marahang hinahaplos ang mukha ni Drew nang hindi ito magising.

Mabilis namang umalis sa pagkakadikit si Nichole kay Drew ng gumalaw ito.

Nag-inat naman si Drew ng katawan at hindi namalayan na nakarating na pala sila.

" We're here? Kanina pa ba tayo nandito? " Gulat na tanong ni Drew at napatingin sa nakangiting si Nichole.

Pero hindi naman sumagot si Nichole at mabilis na bumaba at umikot sa parte ni Drew at binuksan ang pinto para sa kanya.

" Nichole, what are you doing? I should be the one who's doing that. Ikaw na nga ang nag-drive, ikaw pa ang nagbukas ng pinto para sa'kin. " Kunut-noong tanong ni Drew ng makababa sa sasakyan.

Pero isang mahigpit na yakap ang sinagot sa kanya ni Nichole.

" I love you.

Parang may kung ano namang kumurot sa puso nya ng marinig nya ang sinabi ni Nichole. Gumati na rin sya ng mas mahigpit na yakap dito at hinalikan ang noo nito.

" Mahal na mahal din kita. " And kissed her on her lips.

Magkahawak-kamay silang pumasok sa loob ng mall. Kahit hindi alam ni Drew kung saan sya dadalhin ni Nichole, wala na lang syang ibang ginawa kundi ang sumunod dito.

" Gusto ko ng ice cream, Drew.. " Saad ni Nichole habang hinihila si Drew. May nakita naman agad silang ice cream stand hindi kalayuan sa kanila.

" Ayun oh! " Sabay turo nito sa ice cream stand. Halos takbuhin naman ni Nichole palapit doon.

" N-Nichole? Drew? "

" Mau??! " Gulat na sabi ni Nichole ng makilala ang katabing bumibili rin ng ice cream.

" Hi, Nichole.. "

" Julius??! Anong ginagawa nyo rito? "

Napakamot naman ng ulo si Julius at nginitian din si Drew.

" Hoy! Ako dapat magtanong nyan, ayaw mo pang manuod kanina kunwari wala sa mood, yun pala may date RIN kayo ni Drew! " Nakapameywang na sagot ni Mau.

" Rin? So nagdedate kayo ni Julius? "

O______O

" Ehehe.. Kasi wala namang regular class ngayon eh, kaya naisipan namin gumala. " Si Julius ang sumagot, bigla kasing natahimik si Mau.

Nagtinginan naman sila Nichole at Drew at ngumiti. Mukhang nagkaintindihan.

" OKay. " Maikling sagot ni Nichole at kinuha ang biniling ice cream. Inabot naman nito ang isa kay Drew at agad kinain ang hawak na ice cream.

" W-What are you doing?! " Gulat na tanong ni Mau ng makitang kumakain ng ice cream si Nichole.

" Kumakain. " Sagot nito. " Sarap di'ba, Drew? " Baling naman nito kay Drew na nagsimula na ring kainin ang ice cream nya.

" Obvious naman! Pero helloooo..? Nichole ice cream yan! Malamig! Hindi ka naman umiinom o kumakain ng kahit na anong malamig eh!

" Masarap naman eh. Kaw nga bumibili ka nga din. " >3<

" Ewan ko sa'yo. Antakaw mo. Sige ka, tataba ka na nyan! "

Nagpout naman ito at humarap kay Drew na tila nagsusumbong. " Drew oh. " TT____TT Sabay turo nito kay Mau.

" Hayaan mo na sya. Kahit naman tumaba sya, mahal ko pa rin naman sya, Mau.  At sya pa rin ang pinaka-maganda at pinakasexy sa paningin ko." Sagot naman ni Drew at hinapit sa bewang si Nichole at hinalikan sa noo.

Bigla namang nagblush si Nichole sa narinig at pinagpatuloy ang pagkain.

"Kfine. Kita na lang ulit tayo mamaya, baka madistorbo pa namin ang date nyo. " Paalam ni Mau.

" Baka kayo ang nadidistorbo namin. Hehe. " Pang-aasar naman ni Nichole.

Pero bago pa tuluyang umalis sila Mau, binigyan nya muna ng isang pinong kurot si Nichole sa tagiliran.

" Aray! " >3<

 Dinala naman ni Nichole si Drew sa ice skating rink, at pumila kaagad sya para makakuha ng ticket.

" Miss, Dalawa please. "

Aabutin na sana nya ang ticket at babayaran ng may nakita syang pamilyar na bulto at itsura na nakatayo sa gilid ng rink hindi kalayuan sa kanila at nakatingin sa kanya.

Clark? Bulong ni Nichole sa sarili.

HIndi na nya namalayan kung gaano na sya katagal nakatingin sa pamilyar na lalaking iyon ng magsalita ulit si Drew.

" Ah, here Miss. " Si Drew na ang nag-abot ng ticket at binayaran ito. " Thanks. "

" Nichole? You okay? "

Marahan namang tumango si Nichole at nang muling ibalik ang paningin kung saan nya nakita ang lalaki kanina, wala na ito.

Bakit parang madalas ko na ata nakikita si Clark? Namamalik-mata lang siguro ako. Nagpaparamdam ba sya or what? Wag nya naman akong takutin. Pero, hindi ako pwedeng magkamali, parang si Clark talaga yun. Haaayy ..

 Vote and comment po sa want :D

Salamat po sa pagbabasa ! :D

Take My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon