Take My Heart Chapter TwentyThree :

4.2K 55 4
                                    

CHAPTER 23

NICHOLE's POV*

Pagkaalis naman ni Cloud ay naghanda na kaagad ako ng gamit ko papunta sa school. Palabas na ko ng bahay ng marinig kong may tumatawag sa phone ko. Agad ko yung kinuha sa loob ng bag ko at sinagot.

" Hello? " Sinagot ko kahit na hindi nakaregister ang tumatawag.

Pero wala pa rin akong naririnig na nagsasalita sa kabilang linya.

" Hello?! " Medyo naiinis na ko. Nagmamadali na kasi ako tapos ayaw pa magsalita.

INantay ko pa rin may magsalita sa kabilang linya. Hindi ko alam, pero parang may hinihintay talaga akong tumawag o magtext. Kaso mukhang kinalimutan na talaga nya ako :(

Nang hindi ko pa rin naririnig na may nagsasalita, binaba ko na lang. Ni-lock ko na ang gate At sumakay kay Russel. Paalis na sana ako ng may makita sa side mirror ng motorbike ko.

Isang Black Honda Civic.

Kilala ko ang kotseng yun. Na naka-park sa likuran ko.

Kay Drew.

Pero imposible! HIndi sya pupunta dito.. HIndi na kahit kailan. AGad kong kinalma ang sarili ko sa naisip pero hindi ko pa rin napigilan ang kirot na unti-unting kumukulob sa akin.

Hindi sya pupunta dito.

Hindi nya na ako gusto makita. Kahit kailan.

Agad ko namang pinunasan ang pares ng luhang tumulo sa mga mata ko at sinuot ang helmet.

Pinaandar ko na agad si Russel at mabilis na umalis sa bahay.

Take My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon