Special Update: Behind the Truth

3.3K 32 0
                                    

A/N 

Nung nagbasa po kase ako ng mga huling chapters, may mga hindi pala ako masyadong naipaliwanag. Lalo na sa "totoong" sakit ni Nichole, kaya etong update na to ay ang POV nya bago nangyari ang lahat ^_____________________^


Special Update ~

[A/N:Eto po yung gabing naaksidente si Drew at nasa ospital pa si Nichole^^]


Tuluyan na akong lumabas ng kwarto ni Drew habang walang tigil pa rin ang pag-agos ng luha ko.


Hindi na ako makapag-isip ng mabuti, pero sana.. Tama ang gagawin ko. Tamang pakawalan ko sya.


Palabas na ako ng ospital nang makaramdam ako ng matinding pananakit ng ulo ko. 


Ilang araw ko na rin tong iniinda, kaya lang naman siguro sumasakit ang ulo ko dahil sa stress at wala na rin akong halos tulog.


Pero iba ngayon, parang binibiyak ang ulo ko ng dahan-dahan. Hindi ko malaman kung saan banda ang sumasakit, basta sa buong ulo ko.


Napahawak ako bigla sa pader habang hawak pa rin ang ulo ko ng biglang nanlabo ang paningin ko, halos wala na akong makita pero naririnig ko ang pagsigaw ng babaeng lumapit sa akin para alalayan akong tumayo.


MAriin pa akong napapikit ng mas lalo pang sumakit ang ulo ko kaya napaupo na ako sa sahig habang hawak pa rin ako ng babae.


"Tulong! Tulong! Nurse!" Rinig kong pagsigaw nya habang nasa harapan ko sya, at wala sa sariling napahawak ako sa ilong ko ng makaramdam ako ng may tumutulong likido sa ilong ko.


"Dugo.." Bulong ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

_______

Pagmulat ko ng mga mata ko, napahawak ako sa ulo ko, sumasakit pa rin pero hindi na tulad kanina.


"How do you feel?" Napatingin naman ako sa nagsalita at napaupo.


Nasa ospital pa rin ako, naalala ko ang nangyari kanina, nawalan ako ng malay.


"I am Doctor Aileen Cruz, you are?" Tanong nya at naupo sa gilid ng kama sa tapat ko.


"NIchole Barameda, Doc. Ano po bang nangyare? Bakit po ako nahimatay?"


Napansin kong bumuntung-hininga sya kaya parang kinabahan din ako.


"How long have you been suffering from headaches?" Napakunot noo ako. "At may iba ka pa bang nararanasan this past few months?"


Sandali akong nag-isip. Tuluyan na akong kinabahan habang inaalala ang mga naranasan ko, pagkatapos ko makunan na kahit kailan hindi ko pinansin.


Sinalubong ko na ang tingin ng duktora sa akin at nagsalita.


"Yes, Doc. This past few months, misan tuwing umaga nasusuka ako, madalas rin akong nakakaramdam ng hilo at pananakit ng ulo, minsan din po nanlalabo ang paningin ko at nahihirapan akong magsalita. At Doc, madalas rin akong pakiramdam ko wala ako sa sarili. Stressed po ba ako, Doc?"


Sandali syang hindi nakapagsalita at tinitignan ang hawak na folder.


"All those signs are happening to you. I'm sorry Ms. Nichole, but after we ran some random tests, we found out that you have.."


Napapikit ako ng mariin at pilit tinatakbo sa isip ko na baka stress lang ako. Oo, yun lang. Okay lang ako.


"Brain cancer."


Napatakip ako bigla sa tenga ko at mas napapikit pa ng mariin hanggang sa tuluyan ng pumatak ang mga luha ko.


Hindi yun ang narinig ko. hahaha. Nagkamali lang ako. Nagkamali lang din sila.


Pero kahit anong gawin kong pagtakip sa tenga ko naririnig ko pa rin ang bawat sinasabi ng duktora.


"I'm so sorry, Hija. You must undergo for your treatment while it can be healed. Gagaling ka pa, wag kang mawawalan ng pag-asa."


___________


Dahil masunurin ako..


Hindi ako nagpagamot.


Natatakot ako. Sobra.


Paano na lang kung hindi ko kayanin? Ang duktora na rin ang nagsabi na walang kasiguraduhang tuluyan akong gagaling, posibleng mawala ang mga cnacer cells pero malaki ang posibilidad na bumalik at lumala.


Ayoko ng mag-aksaya ng panahon.


Lalo pa ngayon.. Na masaya na ako. Kami ni Drew.


Gagaling ako. May himala. Hindi ako dapat mawalan ng pag-asa.


Pero.. Mukhang wala na.


Wala ngayong araw si Drew at nasa opisina kaya bumalik ako kay Doc Aileen para malaman ang kondisyon ko, alam ko namang lumalala na ako pero umiinom pa rin ako ng pwede kong inumin at naghohome treatment din ako ng hindi nalalaman ni Drew.


Nang di nalalaman ng kahit na sino. Ako lang at si Doc.


Pagkatapos akong itest ulit sa isang lab, pinaantay muna ako ni Doc sa opisina nya. Maya-maya lang ay pumasok na sya at may dalang mga papeles na hindi ko naman alam kung bakit.


Pansin ko rin kay Doc ang pagkabalisa at parang malalim ang pag-iisp kasi mga ilang minuto na syang nakaupo sa harapan ko at nakatulala lang sa hawak nyang folder.


" Doc?" untag ko sa kanya at parang gulat namang napatingin sa akin si Doc Aileen.


"S-Sorry Hija. I.. I don't know how to say this, I'm sorry. Here." Naguguluhan man ako, tinanggap ko ang inaabot nyang folder na kanina nya pa rin tinitignan.


Sa dami ng nabasa ko, dadalawa lang ang naintindihan ko.


Nasa stage 2 na ang brain cancer ko.


At.. May Tumor din ako sa ovary.


Nakatulala pa din ako sa hawak kong folder ng magsalita ulit si Doc.


"That's the reason kung bakit.. Nahihirapan kang mabuntis."


Kusa na ngang pumatak ang mga luha ko at napayakap sa sarili ko ng marinig ang sumunod na sinabi ng duktora.


Pakiramdam ko tuluyan na kong nawalan ng pag-asa. Biglang nayanig ang buo kong pagkatao.


"And I'm afraid you can't bare a child."


Ano? Mamamatay na lang ba akong.. Walang maiiwan kay Drew?


____________


Hanggang nagyon hindi pa rin alam ni Drew ang kalagayan ko, tungkol sa MGA sakit ko.


Alam na yata ng lahat maliban sa kanya na may tumor ako, wala pa ring nakakaalam na may cancer ako, at dahil na rin siguro sa pakiusap ko sa kanila, hanggang ngayon hini nya pa nalalaman.


Dahil na rin siguro magaling ako magtago at tumanggi, walang nakakapansin sa pangangayat ko at panghihina, maliban kay Drew. Pero nalulusutan ko naman.


Basta. Hindi pa ko handang malaman nya.








----------------~~~~~~~~
Comments are highly appreciated! Thanks for reading, again.

Take My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon