Take My Heart Chapter Eleven : PART TWO

4.9K 62 0
                                    

 A/N

Salamat po sa plug sa story mo Ate :) Read her story din po..

DREW's POV*

Bago ako pumasok sa school, nagpunta muna ako ngayon ng hospital, sa isang heart center.

Gusto kong malaman kung posible kaya yun, posibleng kaya mahal ko si Nichole dahil mahal sya ni Clark?

May napuntahan naman akong opisina ng isang duktor, si Dr. Medina, isang heart specialist.

" Good afternoon, Doc. " Bati ko ng maabutan sya sa desk nya.

" Have a seat. " Naupo naman agad ako sa harapan nya, " How can I help you? "

Nakwento ko na sa duktor kung ano ang sitwasyon ko ngayon. Kung posible nga bang iisa ang puso namin ni Clark, kaya iisa lang din ang mahal namin.

" Yes, it's possible. Pero alam naman natin na ang utak natin ang kumukunekta sa bawat parte ng ating katawan, masasabi nating mahal o gusto natin ang isang tao it's because of our minds, not just because of out hearts. "

Marami pang ipinaliwanag ang duktor, pero iisa lang ang tumatak sa isip ko. 

It's possible.

***

" Hijo! " Narinig kong tawag sa'kin ni Mommy ng makita nya akong papasok ng bahay.

Sinalubong ko naman agad sya ng yakap, at tuluyan na akong napaluha.

Ang sama ng loob ko. Ang sakit-sakit ng puso ko. Ang akala ko magiging masaya na ako simula ng makilala ko si Nichole, pero hindi pala. Nagsisimula pa lang pala ang pagsubok na darating sa buhay ko.

Bakit ba kasi si Clark pa ang nakaaksidente ko? Bakit sya pa ang donor ko? At bakit si Nichole pa ang fiancee nya? Bakit?

Pero ramdam ko, mahal ko talaga si Nichole eh.. Hindi lang dahil sa nasa akin ang puso ni Clark, mahal ko si Nichole at hindi ko kayang mawala sya sa'kin..

Inupo naman ako ni Mommy sa sofa at hinahaplos ang likod ko.

Take My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon