Take My Heart Chapter ThirtySeven :

3.8K 43 0
                                    

CHAPTER 37

DREW's POV*

3:25

Hapon na.. Pero hanggang ngayon wala pa rin si Nichole..

Umaasa akong darating sya, umaasa akong iiwan nya ang kasama nya para puntahan ako.

Pero bakit ganun, hanggang ngayon wala pa rin si Nichole?

Nakalimutan ba nya, o kinalimutan?

Alin man sa dalawa, pareho pa ring dahilan ng pagsakit ng damdamin ko.

Mali bang umasa ako? 

Mali bang umasang napatawad nya na ako?

Mali bang umasang.. Mahal nya pa rin ako?

Ngayon ko na sana gustong patunayan ang mga sagot sa katanungan ko.

Pero wala pa rin sya.. Hindi pa rin sya dumarating..

HIndi pa nga din pala ako kumakain, pero hindi ako nakakaramdam ng kahit na anong gutom, nasa loob pa rin ako ng kotse, wala naman akong ibang gustong mangyari ngayon.. Kundi ang makita at makausap si Nichole.

Tama ba tong ginagawa ko?

Tama bang ipilit ko pa rin ang sarili ko sa kanya?

Kahit na mukhang ayos na man na sya, pero bakit nasasaktan akong isipin yun?

Na hindi na ako ang dahilan ng bawat ngiti nya, na hindi na ako dahilan kung bakit sya masaya?

Napangiti ako ng mapakla, masisisi ko ba sya? Na magalit sa'kin? Kasalanan ko naman lahat.. Hinayaan kong mawala sya, binitiwan ko sya.

Pero pwede ko naman syang bawian di'ba? 

Pwede pa nga ba? Hindi pa ba huli ang lahat sa amin ni Nichole?

In-off ko rin ang celphone ko kanina matapos ko syang itext, ayokong makareceive ng text o tawag nya, gusto ko lang ang makita sya..

Pero binuksan ko rin agad, pero wala syang text na dumating..

Tama bang pinatay ko ang celphone ko? Nababaliw na yata talaga ako..

Nichole.. Nasaan ka na ba? Please.. Dumating ka..

Nanatili lang akong nakatingin sa labas ng bahay ni Nichole, umaasang darating sya..

*RIIINGRIIIING*

Sinagot ko agad ang celphone ng hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.

" Hello? "

" Drew.. " Napahigpit ang hawak ko sa celphone ko ng makilala ko ang boses nya.

" Anong kailangan mo? " Pilit kong ikinakalma ang sarili ko sa nararamdamang galit.

Galit sa kanya o galit sa sarili ko?

Kasalanan nya ba talagang mabuntis sya? Hindi ba't parang ako ang may kasalanan?

Pero ba't kasi ganun, wala akong matandaang nangyari sa amin? Dahil ba sa sobrang kalasingan kaya ganun?

AT hindi naman siguro sya magsisinungaling di'ba? Alam kong hindi nya yun kayang gawin sa'kin, alam nyang si Nichole lang ang mahal ko, at bukod dun marami na rin kaming napgsamahan, hindi lang bilang mag-boyfriend. Bestfriend ko rin sya.

" Ikaw Drew. Ikaw ang kailangan ko. "

" Tell me where are you. "

Take My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon