Take My Heart Epilogue :

6.2K 92 32
                                    

PLEASE READ A GANGSTER LOVE (Take my Heart Book Two)  EVERYONE. THANK YOUUU! <3<3

Dedicated po kay Ate @Blacklily, sa kanya po ako na.inspire magsulat ng pagkadrama. Natatouch po kase ako sa mga kwento nya lalo na yung Tears of Angel, I'm a certified silent reader nya. Hehe.. Sana po mabasa mo to.. Binabasa ko po lahat ng story mo at love ko lahat! Thank you sa magagandang stories mo <3

EPILOGUE♥

NICHOLE's POV*

"Drew.. Saan ka pupunta?"

"Why are you asking? You never cared for what I feel right?"

Napapikit na lang ako ng marinig ko ang malakas na pagsarado ng pinto ng kwarto.

Drew changed.

And I know it's my fault. And not the baby's.

I am now 7 months pregnant.

Regular din kaming nagpapa check.up sa duktora ko tungkol sa lagay ng baby sa sinapupunan ko. Mabuti na lang daw at hindi pa ako lumalala kaya hindi sya naaapektuhan.

My baby is a girl.

At kahit malamig na sa akin si Drew, hindi nya pa rin ako pinababayaan.

Tuwing check up, kung may kailangan ako, nandyan sya palagi.

Hindi rin ako tulad ng ibang buntis. Wala akong morning sickness, hindi rin ako naglilihi. Nagsusuka lang ako minsan at ramdam ko na rin ang pananamlay ko.

Minsan sumasakit ang puson ko at agad ko namang iniinuman ng gamot at mawawala rin kaagad.

Mabait ang baby ko, alam ko. Hindi nya kasi ako pinapahirapan.

Pero hindi ko maiwasang masaktan sa kinikilos ni Drew.

Madalas syang wala sa bahay, hindi naman ako mag.isa. May dalawa akong kasama sa bahay, si Carol ang nag.aalaga sa akin, si Tina naman ang naglilinis sa bahay.

Simula nung malaman ni Drew ang kondisyon ko, hindi na sya nagtatrabaho. Pero ganun pa din, lagi syang wala dito sa bahay.

At nasasaktan ako, lalo na kapag sinasabi nyang wala akong pakialam sa kanya.

Dahl hindi naman yun totoo, kaya ko nga to ginagawa para sa kanya. Dahil unti unti ko ng tinatanggap ang kapalaran ko.

Wala naman akong ibang ginusto kundi ang buhayin ang anak ko, anak na maiiwan ko sa kanya kung sakaling hindi ko kayanin.

Alam ko namang nasasaktan sya, pero bakit ganun, hindi nya ba naisip na nasasaktan din ako?

Isipin ko pa lang na may posibilidad na mawala ako, na iwan ko sila nasasaktan na ako. Pero wala akong magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanan. Ang lumaban para sa kanya at sa magiging baby namin hanggang kaya ko pa.

Gabi-gabi rin syang umuuwing lasing, magkatabi nga kami sa kama pero hindi nya ako kinikibo. Aalis sya ng maaga at uuwi ng gabi. Ganun na ang set up namin ng pitong buwan.

Pero kinakaya ko na lang. Hindi para sa sarili ko. Kundi para sa kanilang mag.ama ko.

Mahal na mahal ko sila. Mahal na mahal ko ang baby ko. Mahal na mahal ko si Drew.

"I'm sorry, Drew.. Mahal kasi kita ng sobra kaya ginagawa ko to. Sana dumating ang araw na maintindihan mo rin ako. Basta, mahal kita. At hindi yun magbabago, kahit hanggang kamatayan."

Hinayaan ko na lang ang pag.agos ng mga luha ko sa pisngi ko. Tumayo rin ako para ilock ang pinto ng kwarto. Kinuha ko rin ang isang sobre at inilagay sa loob ng drawer namin.

Take My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon