Take My Heart Chapter Eight :

5.9K 88 3
                                    

A/N

HELLO READERS!

ANGSAYA KO LANG KASI MLAPIT N TAU MAG-200 READS! SALAMAT PO S INYONG LHAT! <3

Dedicated to ate.. SALAMAT!! <3

DREW's POV*

Isang linggo na ang nakalipas mula ng nakalabas si Nichole sa hospital, isang linggo ko na rin syang hindi nakakausap, kahit nakikita ko sya hindi naman ako makalapit, hindi ko alam kung bakit wala akong lakas gawin yon o natatakot ako sa magiging reaksyon nya pag nagkausap kami.

Sila Mau rin ang naghatid sa kanya, pero sumunod pa rin ako sa kanila, gusto ko lang makasigurado na makakauwi sya ng maayos.

Oh Drew, anong kailangan mo? " Oo nga pala, nagpunta ako kay Coach Martin. Susubukan kong sumali ulit kung papayag si Coach. Sayang din kasi malapit na ang sportsfest, ilang araw na lang.

" Coach, I wanna join the team again, if you'll allow me. " Napansin kong napangiti si Coach.

Actually I'm on my way to talking to you regarding this. Good thing, you approached first, alam mo namang malaki kang kawalan sa team, so welcome back. Be ready in 30 minutes, we'll have our final practice. 5:00 o'clock sharp okay, don't be late."  He said and left.

I stayed here sa court matapos magbihis, hindi na lang ako aalis tutal malapit na rin naman magsimula. At kanina pagkagaling ko ng CR, I saw her papuntang parking lot. Pero hindi ko pa rin sya magawang lapitan.

I missed her, so much.

NICHOLE'S POV*

Pagkatapos ng klase namin dumiretso na agad ako sa parking lot.

Nung makauwi ako galing ng ospital, nakita kong nasa bahay na si Russel. Pinagtatakhan k lang kung paano yun napunta sa bahay, wala naman kasing nagsabi na nandon na yon, bukod sa kapitbahy ko na napagtanungan ko, isang lalaki daw ang naghatid nun at ibinilin sa kanya yung susi ni Russel, pero hindi nya nakita yung mukha kasi nakahelmet. 

At hindi Drew yon, kasi alam kong kasunod lang namin ang sasakyan nyang dumating. At sino naman kaya? Wala na akong kilalang pwedeng gumawa nun.

Bigla kong naalala si Drew, mula nung makalabas ako ng ospital hindi ko pa sya ulit nakakausap, madalas ko rin syang nakikitang nakatanaw sa akin, pero hindi nya ako nilalapitan.

Naramdaman ko na lang parang may sariling buhay ang mga paa kong naglalakad papunta sa court. Siguro dapat na kami magkausap, ramdam ko kasing nahihirapan sya eh. 

At ayokong may ibang taong nahihirapan ng dahil sa akin, o yun lang ba talaga ang dahilan?

May practice raw ang basketball team ngayon, final practice, narinig kong in-announce kanina. Pero hindi ako sigurado kung makikita ko ba si Drew doon, kasi nga diba tinanggal na sya as captain?

Nagulat ako ng may bumunggo sa akin at nahulog ang lahat ng libro ko.

Aray! " SIgaw ko. Sino ba 'to hindi man lang tumitingin sa dinaraanan? Sabi ko sa isip ko ng hindi ko pa nakikita ang mukha nya, kinuha nya kasi agad ang mga libro kong nahulog.

Bakit kasi hindi ko iniwan kay Russel? Alaluts lang. Tsss >/////<

 " Sorry talaga, Miss. Nagmamadali kasi ako hindi kita napansin! " Sabi nya habang pinupulot ang mga libro ko.

" J-julius? " Gulat kong tanong ng makilala kung sino ang kaharap ko ngayon.

Nangunot naman ang noo nya ng mapatingin sa akin.

Take My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon