Take My Heart Chapter Forty Four :

4.1K 61 5
                                    

Dedicated po sa kanya :'> Salamat po sa pagvovote ng mga chapters! <3

Sorry po kung hindi masyadong detailed. I tried my best hanggang sa naging tagalog na. Haha.

Chapter 44

NICHOLE's POV*

Siguro talagang hindi mo na namamalayan ang pagdaan ng mga araw lalo na kapag masaya ka.. Parang sobrang bilis..

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na bukas na kami ikakasal ni Drew..

At tulad nga ng dream wedding ko, na noon si Clark sana ang kasama kong ikakasal, sa beach pa din namin idaraos ang kasal ni Drew.

Nandito na rin pala kaming lahat sa resort nila Drew para bukas, wedding under the sunset ang mottif. Simple lang naman at mga pamilya lang din at mga kaibigan namin ang dadalo. Dito rin sa resort ang reception. Ikakasal din naman kami ulit ni Drew sa simbahan, pero sa ngayon beach wedding muna.

Hindi pa rin ako makatulog kahit na 11:30 na. Excited ako pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan, naaalala ko pa rin kasi ang nangyari dati.. Na ikakasal na sana ako kay Clark at sino nga ba talaga ang mag.aakala may iba pa palang lalaki ang itinadhana para sa akin.

At nagpapasalamat ako na kahit sa kabila ng lahat ng hirap at sakit na pinagdaanan ako, heto ako ngayon, matatag pa rin at bukas nga tuluyan na akong ikakasal sa lalaking inilaan para sa akin.

" Can't sleep, baby? "

" Medyo kinakabahan ako, Drew.. "

Nagtataka siguro kayo kung bakit kami magkausap ni Drew kahit na may pamahain na hindi pwedeng magkita ang ikakasal hanggang sa ikasal na, wala naman mawawala kung susundin namin at sinusunod nga namin.

Nasa kabilang hotel room lang sya at magkausap lang kami sa phone ngayon.

" Me too. Pero mas masaya ako, tomorrow you'll be officially mine. Go to bed and sleep. Kailangan mo ng magpahinga. "

" Okay. I'll try to sleep. I love you. "

" I love you and I really wanted to see you right now. I can't wait for tomorrow. "

Nahiga na ako sa kama at pumikit na.

"Goodnight, Drew. I'm excited to see you tomorrow. I love you. "

" I love you. Sleep tight. I love you. "

** ** **

" Oh my God. Ang ganda ganda mo, Sis! " Bigla naman akong napalingon sa mga kadarating lang.

Inaayusan pa rin ako hanggang ngayon dito sa loob ng suite ko nang dumating sila Mau, Tara, Sophie at syempre si Angela. Masaya ako kasi sa kabila ng mga nangyari, magkakaibigan pa rin kami at kasama na dun si Angela.

" You're so beautiful, Nichole. "

Napahawak naman ako sa kamay ni Angela na nasa balikat ko. " Thank you. "

Bumaling naman ako sa tatlo na nakatayo sa likod ko na nakatingin din sa salamin sa harap namin.

" Ang gaganda nyo rin, guys. Salamat ulit at nandito kayo lahat. " Sabi kong naluluha.

Naluluha ako sa labis na kaligayahan, sa wakas ikakasal na rin ako.. Kahit ma mejo kinakabahan, okay lang.. Basta kay Drew pa rin ako ikakasal.

" Oh wag kang iiyak. Sayang make up. " - Mau

" Smile lang, Sis. " - Tara

" Lagi lang kaming nandito para sa'yo kahit na anong mangyari. Lagi mong tatandaan yan. "

Take My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon