LAST NOTE by an9helako

5.2K 66 12
                                    

Unang-una, gusto ko po magpasalamat sa inyong lahat..

Sa lahat ng READERS, NAGCOMMENT, NAGVOTE, NAGFOLLOW, NAG ADD SA LIBRARY AT READING LISTS NILA .. At syempre sa mga SILENT READERS.

Masasabi kong successful ang First Story ko.

Hindi man to katulad ng ibang story dito sa Wattpad na talaga namang sumikat, nung una palang naman hindi ko na yun hinangad.

Ang Dahilan kung ba't ako nagsulat dito sa Wattpad dahil GUSTO KO.

Hindi ako naghahabol sa mga Fans o readers, comments o vote. Pero pansin nyo naman siguro minsan nagdedemand ako, kasi sa totoo lang nakakatamad po talagang gumawa at magtype lalo na kung parang wala namang interesado.

Dumating po ako sa point na yan na naisip kong itigil na lang, tutal wala din namang nagbabasa.

Pero naisip ko rin po, bakit ba ako nagsusulat? Para sumikat?

Naitanong ko yan sa sarili ko, at ang naisagot ko.. HINDI.

Dahil lang po sa GUSTO KO. dahil hindi lang po ako basta writer lang, nagbabasa rin po ako ng sarili kong story. Pati na rin po ng story ng iba.

Elementary pa lang po ako, nakahiligan ko na po talaga ang magsulat na minsan ang mga classmate ko lang po ang nakakabasa. Pero hindi ko po ginawa yun para mabasa nila, kundi dahil GUSTO KO.

Pakiramdam ko po kasi hindi ako matitigilan hanggat hindi ko nailalabas ang tumatakbo sa isip kong isang storya. sa madaling salita, ang pagsusulat po ang nakakatanggal ng stress ko.

Talagang natuwa po ako noong bago pa lang akong magsulat, na nagkaroon na po ako ng SAMPUNG READS. At may NAGVOTE at NAGCOMMENT  PA. Hindi ko po talaga akalain yun..

Bawat read, comment, vote at follow po sa akin at sa story ko ay talaga naman pong nagbibigay ng tuwa sa puso ko na hindi lang po pala ako ang nakaka-appreciate ng ginagawa ko.

Hindi ko po aakalain na aabot ako sa ganito, sa 50 pages po ng storya ko ay nagkaroon na ako ng 18k+ reads, 300+ votes, at 150+ comments at 179 followers .. 

Kaya maraming maraming salamat po sa inyong lahat!

Ako po ay gagawa at gagawa ng storya hangga't may ideyang tumatakbo sa isip ko. At sana po suportahan nyo pa rin po ako. Maraming salamat po!

Sa lahat po ng gusto akong i-add sa facebook, pakiclick na lang po ang EXTERNAL LINK sa gilid.

Sana po suportahan nyo ang dalawa kong on-going stories A GANGSTER LOVE At OUT OF REACH, sa phone na po ako ngayon nag.a-update kaya kahit papaano po ay mabilis na akong makagawa.

MARAMING MARAMING SALAMAT PO!

Nagmamahal,

an9helako ♥

Take My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon