Take My Heart Chapter Seventeen:

4.3K 66 7
                                    

CHAPTER 17

NICHOLE's POV*

Tinapik-tapik ko pa ang pisngi ko, baka kasi nananaginip lang ako. Imposibleng si Clark tong nakikita ko.

Pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Napansin ko naman ang pagkunut ng noo nito, at nabigla pa ako ng muli itong magsalita.

" Clark? Don't tell me, nakalimutan mo na ako? "

Parang bigla naman ankong natauhan sa narinig ko. At naalala ko bigla ang tono ng pananalita nito, ang pagiging pagkamukha nya kay Clark. Sya na ba si..

" Cloud. It's me, Cloud. Clark's twin brother. "

O__________O

Oo nga pala, nakalimutan ko. May kakambal si Clark, si Cloud. 

Na simula nung bata pa lang kami, hindi na kami magkasundo, palagi kaming nag-aaway. At si Clark ang referee namin nun.

Pero anung ginagawa nito dito? Ang alam ko nagmigrate na sya kasama ng papa nya sa Paris, 14 years old pa lang kami nun ng umalis sila, nang naiwan si Clark at si Tita Elaine. Divorced na ksi sila nun, kaya naghiwalay na rin silang dalawa ni Clark.

" Ano? Tutunganga ka na lang ba dyan at di mo ko papapasukin? "

Bigla naman akong natauhan at niluwangan ang pinto para tuluyan na syang mkapasok.

" Ang laki pala ng bahay mo ah. Tapos ikaw lang nakatira dito? " Nagpalinga-linga muna sya sa paligid ng bahay bago sya naupong naka-de-kwatro sa sofa.

Anu bahay mo ba 'to? TT___TT

" Anong ginagawa mo rito? " Tanong ko at humarap sa kanyang naka-pameywang.

" Obvious ba? Dinadalaw ka. "

" Wala akong sakit. "

" Meron. "

Nabigla naman ako ng tumayo sya at hanggang ilang dipa na lang ang layo namin sa isa't isa, naaamoy ko rin ang matapang nyang pabango.

Pero ang mas ikinagulat ko ay ang bigla nyang tinuro ang tapat ng puso ko.

" Dito. Masakit dito. Tama? "

Agad ko namang hinawi ang kamay nya at lumayo sa kanya.

" Kailan ka pa dumating? " Tanong ko sa kanya bago pumasok sa kusina at kumuha ng maiinom.

" The night before the accident. " Narinig kong sagot nya ng bumalik ako at ipinatong ang dala kong tray sa lamesita.

Kung hindi ako nagkakamali ang tinutukoy nya ay yung aksidente ni Clark.

Pero bakit ngayon lang sya nagpakita? O ngayon ko lang sya nakita?

....

Sa Bahay namin sana ni Clark sa Tagaytay..

Sa hospital..

At sa MOA, sa ice rink..

Hindi kaya sya ang nakikita ko nun?

" I know what you're thinking..  Matagal na kitang tinignan, sinusundan, Hayley. Nandoon ako sa bahay ninyo ni Clark sa Tagaytay, I'm the one who brought you to the hospital, I heard all you're pains that time. But I chose to listen, dahil alam ko kailangan mo yun. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang susunod na nangyari, nabigla ako ng bigla kang tumahimik soI ran after your room, and saw you. You cut yourself. Ganoon ka ba talaga nababaliw kay Clark for you to do-- "

" You don't care. And I don't want to talk about it Cloud. " Putol ko sa sasabihin nya at tinignan sya ng masama.

" Kung wala ka ng sasabihin, you can leave now. Gusto ko ng magpahinga. " Nagtungo naman ako sa pinto at binuksan yun. Indikasyon na gusto ko na syang umalis.

Hindi pa ako handa makausap sya ngayon, gusto ko munang mapag-isa. Ayoko na uli alalahanin pa ang masasakit na nakaraan ko. Ayoko na.

Nakita ko namang tumayo sya at akala ko lalabas na sya. Pero naramdaman ko namang hinawakan nya bigla ang kamay ko.

napatingin naman ako sa kanya at nagulat ako sa ekspersyon ng mukha nya, kundi ko iisipin na si Cloud ang kaharap ko, aakalain ko ng si Clark to.

" Hayley, nagparaya ako kay Clark noon, alam mo ba kung bakit ako sumama kay Dad sa Paris? Para palayain ka, kayong dalawa ni Clark. Dahil alam ko kung gaano ka nya kamahal, Hayley. Pinilit kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa'yo, dahil mahalaga sa akin si Clark, pinilit kong sungitan ka, awayin ka, baka makalimutan kita. Pero nagkamali ako.. Dahil habang lalong tumatagal, lalo kitang minamahal. Nasasaktan akong nakikita kayo ni Clark na masayang magkasama, pero choice ko yun eh. Ginusto ko yun. Kaya Hayley, masisisi mo ba ako kung babawiin na kita ngayon? Ngayong patay na sya, wala na rin ang anak mo, wala na rin si DRew, wala na akong kaagaw sa'yo. "

PAK!

Hindi ko na napigilan ang sariling kong sampalin ang kaharap ko.

At hindi ko na rin napigilan ang sariling kong muling umiyak, sa harap nya.

Kita ko man sa kanya ang pagkabigla sa ginawa ko, mas mabuti na yun.

" Kung hindi mo na ako nirerepespeto, ang kapatid mo na lang, Cloud.

Naglakad naman ako palayo sa kanya at nakita ko na lang na tumingin sya sa akin.

Ng magtama ang mga mata namin, ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko, at hindi ko alam kung bakit.

Ramdam ko sa pagtingin nya sa akin ang sakit na nararamdaman nya, pero kailangan kong gawin yun.  Ayoko na talagang masaktan ulit.

" Babalik ako, Nichole. Babawiin kita. "

Yun lang at isinara nya na ang pinto.

Nichole? . . . .

A/N

MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT NG NAGBABASA, NAGCOCOMMENT AT NAGVOVOTE!

<3<3<3

Take My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon