Take My Heart Chapter TwentySix:

4.2K 60 2
                                    

A/N

MARAMING MARAMING THANK YOU PO SA LAHAT NG NAGBABASA! NAGCOCOMMENT, NAGVOVOTE.. ANG-AADD SA READING LIST NILA.. SA MGA NAGFA-FAN! SALAMAT PO TALAGAAA! HINDING-HINDI PO AKO MAGSASAWANG MAGPASALAMAT SA INYONG LAHAT! LALONG LALO NA SA MGA SILENT READERS.. SALAMAT PO SA PATULOY NA NAGBABASA! 

DI KO PO AAKALAIN NA AABOT ETO SA 2KREADS! OKAY NA OKAY NA PO AKO DUN! SAPAT NA PO SA AKIN KAHIT HINDI GANUN KARAMI ANG NAKAKABASA..

SANA PO MAAPRECIATE NYO RIN PO ANG STORY KO TULAD NG PAGPAPAHALAGA KO SA INYONG LAHAT.. <3<3<3

THANK YOU PO ULEEETT :))))))

CLOUD > > > > > > > > > > > > > 

CHAPTER 26

NICHOLE's POV*

 Mahal na mahal ko si Drew.

Pero hanggang kailan?

Kung laging ganito? Kung Palagi na lang akong nasasaktan?

HIndi ba pwede masaya na lang? YUng wala na lang problema? Pwede ba yun na lang? Para hindi na ako masaktan..

All this time akala ko kaya galit sa akin si Drew dahil sa kapabayaan ko, all this time inintindi ko sya kahit na iniwan nya ako kung kailan kailangan ko sya, kung kailan kailangan ko ng karamay sa pagkawala ng anak ko. Oo, ANAK KO lang. Tutal naman iniisip nyang hindi sya ang ama eh.

Kailan ba nagtiwala sa akin yun? Kailan ba sya naniwala sa mga sinabi ko?

Pero bakit ganun? Kahit galit ako sa kanya, gusto ko pa rin sya makita?

Parang napaka-unfair na yata ng puso ko TT________TT

ANg tanga ko ba? O sobra ko lang talaga syang mahal? Na kahit ano pa ang nangyari, sya pa rin ang hinahanap ko?

Pero mali, kailangan ko munang pahalagahan ang sarili ko. Kailangan ko munang umiwas hanggang sa malaman ko na sa sarili kong napatawad ko na sya, ng buo.

Kahit na ba mahal na mahal ko sya at wala akong gustong gawin ngayon kundi ang makita sya, mahawakan, mayakap.. At mahalikan.

Kailangan magtiis at matuto! Kailangan naming matutong dalawa..

***

Gabi na ng makarating ako sa bahay, naglibot libot muna kasi ako, hindi ko nga namalayan na nakarating na ako ng Tagaytay sa sobrang pag-iisip.

Pagpasok ko ng bahay agad kong tinungo ang kusina at naghanap ng makakain.

Tumingin ako sa ref, walang laman! Tubig lang!

Anong klaseng ref ba to? >O<

Napaupo na lang ako sa upuan sa loob ng kusina.

Gutom na ako pero bigla na lang uli pumasok sa isip ko ang itsura ni Drew kanina.

Sobrang namiss ko talaga sya.. Gustong gusto ko syang mayakap kanina. Gustong gusto ko syang mahalikan.

Nagbago na rin ang itsura nya, mas nagmukha syang nagmature.

Pero Bakit parang may iba pa syang pinroproblema? Ganun ba talaga nya iniisip ang nangyari sa amin? Sa "pagtataksil" ko sa kanya?

Alam kong nagulat rin sya ng malaman nya ang totoo, bakit kasi naisip nya yun? 

Talaga bang wala syang tiwala sa akin?

Talaga bang mahal nya ako?

And my tears started to fell down to my cheeks.

Take My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon