Take My Heart Chapter ThirtySix :

3.9K 59 1
                                    

Gusto ko lang po uli magpasalamat sa inyong lahat! Sa lahat po ng mga nagVOTE, nagCOMMENT, nagFOLLOW,nag ADD sa LIBRARY at READING LIST nila.. Sa lahat po ng mga SILENT READERS.. Okay lang po kahit SILENT pa din kayo, basta po naeENJOY nyo po ang STORY kong ito..

Maraming salamat po!

Hindi ko po inaasahan na aabot po ako sa ganito, nung una po sinubukan ko lang po talagang gumawa ng story dito sa Wattpad dahil po sa CURIOSITY. Noon po talaga nagbabasa lang po ako at Dahil nga po bata pa lang po ako, ELEMENTARY pa lang po ako, mahilig na po talaga ako magsulat. Na ang mga nakakabasa lang po ay yung may friends ko at mga classmate..

Salamat po at nagkaroon ng Wattpad, at nagkaroon ng chance ang mga katulad kong ibahagi ang ideyang nasa isip namin para ibahagi rin po sa inyong mga bumabasa..

Samalat po uli!

Isa lang po ang maipapangako ko, tatapusin ko po ang storyang ito at pagagandahin at mas aayusin ko rin po para sa inyo ( dalawa pala yun, hehe ).

Yun LANG po.

Eto po ata ang pinakamahabang Author's note ko. Kaya salamat po sa lahat ng magbabasa nito.

EACH VOTE, FOLLOWS, COMMENT ARE HIGHLY APPRECIATED.

Kaya THANK YOU PO! Ng SOBRANG DAMEEEEH! <3<3<3

CHAPTER 36

3RD PERSON's POV**

" I know it's you, Clark. "

Nang marinig yon ni Clark ay napabitaw sya sa pagkakayakap sa Mommy nya at tinignan ang nakangiti nyang ina.

" Mommy? " Nagulat na katanungan ni Clark at lumingon sa gawi ni Nichole na nasa likuran lamang nila.

Hindi naman narinig ng dalaga ang kanilang pinag-uusapan dahil may kalayuan rin ito sa kanila at binulong lamang iyon ng kanyang ina.

" Tamang-tama ang dating nyo, let's eat first. Nichole? "  Sumulyap ang Mommy ni Clark kay Nichole,  " Cloud? " At kay Clark na tinignan ito ng makahulugan.

Nauna namang naglakad papunta sa kusina ang Mommy ni Clark, at sabay na naglakad sila Nichole at Clark kasunod nito.

" Thanks. " Bulong ni Clark kay Nichole at hinawakan ang kamay nito habang patuloy na naglalakad.

Hinayaan na lamang ni Nichole ang ginawa ni Clark at patuloy sa paglalakad.

" So, bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin ha, Cloud? " Tanong ng ina nito ng maupo sila sa malaking dining table.

Kasalukuyan pang naghahain ang kanilang mga kasambahay kaya habang naghihintay ay mag-uusap muna sila.

Magkatabing umupo sina Clark at Nichole, at ang ina naman ni Clark ay nasa gitna.

Sumulyap naman si Clark kay Nichole bago ito nagsalita, " I'm sorry, Ma. I don't know how to approach you, I've waited for the right time and maybe this is it. "

" Kailan ka pa dumating? "

" Nung araw na ililibing na ang k-kapatid ko. " Napahawak naman siNichole sa kamay ng binata ng marinig ang pag-piyok ng boses nito.

" How is your dad? " Pag-iiba ng paksa ng kanyang ina.

" He's fine. "

Take My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon