Jhinalyn’s POV
Wengyang baklang yun. Pagkatapos niya akong hilahin sa kung saan tapos sisigawan lang pala niya ako. Ang kapal kapal kapal kapal kapal kapal ng mukha niya! ssssoooooobbbrang kapal talaga!
Flashback
Ano ba bitiwan mo nga ako! Sigaw ko sa kanya. Agad naman niyang binitawan ang kamay kong hawak niya at tumalikod sa akin. Bumuntong hininga pa siya ng malakas bago niya ako hinarap ulit.
Ano bang problema mo ha?! Singhal ko sa kanya. Basta basta na lang nangguguyod, psh! Akala mo pa kung sino. Peste!
Anong problema ko?? Yang suot mo ang problema ko. Hindi ka ba nahihiya ha?! Sinisira mo lang ang party!! Wow ha! Ano naman ang mali sa suot ko aber?? Pool party po ito, sir. Baka nakakalimutan mo? At anong isusuot ko, gown?!!! eh ang lakas naman pala ng sapak ne’to eh.
At paano naman nakasira ang suot ko sa pesteng party na yan ha?? Sige nga! Panghahamon ko sa kanya. Eh may baliw pala dito eh. Kapag ako naubusan ng pasensya dito, pasensyahan na lang din makakasapak talaga ako.
O.O
Natigilan siya sa sinabi ko kaya hindi siya agad agad nakasagot. Tinititigan niya ako sa mga mata kaya tinitigan ko din siya. Tignan natin kung sino ang unang kumurap.
Mga ilang segundo pa lang ang nakalipas ng bigla niyang ilihis ang kanyang mga paningin sa akin. Yumuko lang siya at bumuntong hininga ulit.
Aish!! Ginulu-gulo niya ang buhok niyang magulo. Tinignan niya akong muli sa mga mata at ginulo ulit ang buhok niya.
Ano ha? May sasabihin ka pa? Kasi kung wala na, aakyat na ako sa taas dahil NASISIRA ko lang ang party na 'to. Nakakahiya naman kasi sa kanila lalong lalo na sa IYO. Kanina pa nga ako lumulubog sa kahihiyan dito oh. Mula sa panggugulo ng buhok niya ay bigla siyang napatingin sa akin pagkatapos kong sabihin sa kanya yun. Bahagya pa siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Bumuntong hininga ulit siya.
Okay, fine. Sorry.... ayaw ko lang niyang suot mo. Anong ayaw niya sa suot ko. Hindi ba bagay sa akin 'tong bikini na to? Ang kapal ng mukha niya talaga. At anong tingin niya sa sarili niya, ubod ng ganda ang katawan??!
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa balikat ko at naglakad na paalis. Potek! Pagkarating ko sa may tapat ng kwarto namin ay kumatok muna ako ng tatlong beses. Baka kasi may tao. May pagka boyish man ako pero may manners din naman. Pumasok na ako sa loob pagkatapos kong kumatok ng tatlong beses. At isinalampak ang katawan ko sa kama.
Pagkalipas ng ilan pang mga minuto ay pumasok na ako ng banyo para maligo.
Cccrrrrccckkk... tunog ng pinto ng cr.
O yeah, freshness. Nakapagbihis na din ako kaya ang gagawin ko na lang ay magpahinga. Kinuha ko ang phone ko baka sakaling may nagtext, pero wala. Hihiga na sana ako ng may isang bagay naman talaga na napansin ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/19372206-288-k527135.jpg)
BINABASA MO ANG
So this is how it feel (Completed)
HumorThis story is about a girl na sinaktan at pinaiyak ng kanyang mahal-- her boyfriend. Sobra siyang nasaktan to the point na gusto niya siyang kalimutan at iparamdam din sa lalakeng nang-iwan sa kanya na masakit pala. Gusto niyang iparamdam sa lalake...