Chapter 24:

374 13 2
                                    

Annabelle’s POV

 

Mas lalo lang akong naiyak ng patugtugin ni Papa DJ and kantang One Last Cry. Yun din ‘yong kantang inialay sa akin ni Tian. Yun ‘yong kantang lagi kong iniiyakan tuwing gabi. Yun ‘yong kantang laging nakakapagpaalala sa akin sa kanya. Yung kantang iniiyakan ko ng bongga at sa tuwing naririnig ko ang kantang ito ay nasasaktan ako ng sobra kahit na ang sanasabi ng kanta ay one last cry. One last cry but I can’t help my self to cry over and over and over and over again.

My shattered dreams and broken heart

Are mending on the shelf

I saw you holding hands

Standing close to someone else

Now I sit all alone

Wishing all my feelings was gone

I gave my best to you

Nothing from me to do

But have one last cry

One last cry

Before I leave it all behind

I gotta put you out of my mind this time

Stop living a lie

I guess I’m down to my last cry

 

Cry.....

Nang matapos ang kanta ay nagsimula na ulit magsalita si Papa DJ. At sa lahat ng nagbigay ng advice sa akin ay ang kay Jhinalyn ang tumatak sa akin. Tagos hanggang anino.

 

And this advice is from Jhinalyn,  sabi niya rito ay: Well, you only have to do is talk to him. But come to think of it, kapag tinanong mo siya ay parang ikaw tong nawalan. Magmumukha kang tanga dahil pagkatapos niyang tumigil ay tyaka mo siya ngayon susuyuin. At iisipin nung lalake na, “KUNG KAILAN AKO NAPAGOD, DOON KA BIBIGAY. KUNG KAILAN AKO TUMIGIL, TYAKA KA KIKILOS. AT KUNG KAILAN AKO NAWALA, DOON MO AKO HAHANAPIN. MANIGAS KA!” Marahil ay isa yan sa maaaring pumasok sa isip nang isang gagung lalake. Pero kung mahal ka niya talaga, hindi yan papasok sa isip niya. Walang pag-aalinlangan ka niyang pakikinggan kapag nakipag-usap ka. At walang patumpik-tumpik ka niyang yayakapin kapag sinabi mong mahal mo siya. Hindi ka naman siguro agad agad napalitan sa puso niya, kasi hindi ka niya babalikan at susuyuin kung hindi ka niya mahal na talaga. Pagkarinig na pagkarinig ko ng advice ni Jhinalyn ay parang gusto ko siyang yakapin sa sakal. Parang kilala niya na ako ang nasa likod ni Tinker-Bee. Lahat ng sinabi niya ay tagos na tagos hanggang kaluluwa ko.

Agree ako sa sinabi ng ating huling texter na si Jhinalyn. Hindi ka naman siguro agad-agad nawala sa puso niya. Oo nagbabago ang nararamdaman pero hindi ito agad-agad na napapalitan. Marahil ay kailangan lang din niya ng pahinga? O maaari ring lumalayo siya sa iyo para marealize mo na mahal mo din siya. Sabi nga nila hindi mo malalaman ang halaga ng isang tao hanggat hindi sila nawawala sa piling mo. wika ni Papa DJ. Alam ko namang kasalanan ko kung bakit siya lumalayo sa akin ngayon. Na masyado akong lumayo. Na masyado ko siyang nasaktan sa mga pinag-gagawa ko. Na masyado ko na siyang nasasaktan na dumating sa puntong siya na mismo ang mang-iiwan.

---

Nandito ako ngayon sa bahay namin. Hindi na ako tumuloy pa kila *ehem* Christian. Nagpaalam na lang ako sa isa sa mga kasama nila sa bahay at tinext ko naman na sila Niel na uuwi ako. Gusto ko munang mapag-isa. Gusto kong pag-isipan kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya na alam ko na ang totoo o magpapanggap na walang alam. Hindi ko alam kong kakausapin ko ba siya sa Lunes o iiwasan gaya ng sa mga nakaraang araw.

So this is how it feel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon