Chapter 27: Ang sorpresa ni Bakla kay Tomboy

168 9 1
                                    

Annabelle's POV

Okay, 'eto na ang pinakahihintay ko. Dumating na ang takdang oras para isakatuparan ang mga plano. Tinext ko si En-jhay na malapit na kaming palabasin ni Ma'am. At sinabing maghanda na siya. Kung nagtataka kayo kung nasaan siya at kung bakit wala siya ngayon dito, isa lang ang masasabi ko. Busy siya na naghahanda doon sa gym para mamaya. Nag-excuse na rin siya sa lahat ng teachers namig na kung pwede daw ba ay hindi muna siya pumasok ngayon. Pero ayun, napagalitan lang hahaha... nakabusangot pa nga siya kanina eh. Buti na lang talaga at napilit niya si Ma'am Della, which is last subject namin ngayong hapon, na huwag nang pumasok sa klase niya. Hindi ko nga alam kung ano ang pinakain niya kay Ma'am at pumayag naman ito sa kalokohan niya. Pero okay na rin yun para makapaghanda siya.

Hinintay ko ang reply niya pero hindi na niya ako ni-replyan. Busy siguro.

That's all for today. Goodbye. Pagkasabing-pagkasabi ni Ma'am ng goodbye ay hinila ko na agad si Jhinalyn. Hinila naman niya agad ang kamay niyang hila hila ko.

Teka nga lang, sandali. Bakit ba nagmamadali ka? Sabi niya sabay tigil sa paglalakad kaya tumugil din ako. Anong sasabihin ko? Alangan namang sabihin ko sa kanya na isosorpresa siya ni En-jhay? Edi nganga naman ako nun. Isip Annabelle! Isip! Mag-isip ka! Aha!

Naiihi na kasi ako kanina pa. Palusot ko. Please gumana ka! Gumana ka! Tinaasan niya ako ng kilay kaya nginitian ko siya ng pilit.

May banyo naman kanina sa room, bakit hindi ka umihi doon kanina?

Meron ba? Hehehe... balik tanong ko. Tinignan ko ang relo ko at syet na malupet! Dalawang minute na lang, kailangan na naming makapunta sa gym.

Psh! yan lang ang sagot niya sa akin at nagpa-umunang maglakad. Hindi! Hindi! Hindi! Bago pa siya makalayo ay hinila k ulit ang kamay niya.

Ano na naman? Galit na ata.

A-ayaw ko kasing umihi diyan. Maraming tao. Naiihi na talaga ako. Sa gym na lang tayo. Hinila ko na ulit siya bago pa siya makapag-reklamo.

Bilisan mo. Ayan na! ayan na! Lalabas na. wohhoo... hooo... hooo... ayan na!!!!!!!!!!!!!! sigaw ko. Yun kasi yung sinabi ko kay En-jhay kanina na kapag sumigaw na ako ng ayan na! buksan na nila yung pinto ng gym.

Pagkabukas ng pinto ay hindi ko maiwasang mamangha. Ang ganda!! Wala akong Makita hahaha..

Jhinalyn's POV

Bilisan mo. Ayan na! ayan na! Lalabas na. Wohhoo... hooo... hooo... ayan na!!!!!!!!!!!!!! parang tangang sigaw ni Belle habang palapit kami ng palapit sa gym. Akala mo naman kung ano na ang lalabas. Para siyang buntis na manganganak na.

Pero laking gulat ko nang biglang bumukas ang pinto ng gym pagkatapos sumigaw ni Belle ng "Bilisan mo. Ayan na! ayan na! Lalabas na. wohhoo... hooo... hooo... ayan na!!!!!!!!!!!!!!" ano yun password?

Bago pa kami makapasok sa loob ay nagsidatingan ang mga kaklase namin. At para silang nagraragasang tubig na nagmamadaling pumasok. At heto pa ang malupet, tinulak nila kami sa gilid para sila ang unang makapasok. Ano bang meron sa loob? At nakabihis pa talaga sila ha. Hindi lang nakabihis, naka-disney princesses costume yung mga babae at naka-disney princes naman yung mga lalake.

Nagkatinginan kami ni Belle. Tinignan ko siya gamit ang nagtatanong na mga mata at nginitian lang niya ako sabay taas ng dalawang balikat niya. Parang kinukutuban ako sa mga nangyayari ah. Nakasalpak pa rin kami sa sahig ni Belle ng may makita akong isang pares ng sapatos at isang kamay sa harap ko. Unti-unti ko namang itinaas ang tingin ko hanggang sa umabot ito sa mukha niya. Biglang nanlaki ang mga mata ko at ang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi pa ako nakakarecover nang bigla na lang niya akong hilain patayo. Hawak hawak niya ang kamay ko, at ang isa ko pang kamay ay tinapat niya sa dibdib niya. Bigla tuloy bumalik sa alaala ko yung nangyari sa pool party ng pinsan ni Christian dati. Sobra akong nagulat noon. Hindi ko nga alam ang irereact ko sa ginawa niyang yun eh. Basta ang alam ko lang, nung narinig ko ang mga salitang 'yon galing sa kanya, sobrang bilis ng tibok ng puso ko to the point na parang ayaw na nitong bumalik sa normal na tibok at lalo pang bumibilis habang kasama ko siya noong gabing 'yon.

flashback...

"Uhm... Jhinalyn, alam kong memoryado mo ang numero ni Papa DJ kaya wag mong sabihing hindi mo alam. Kunin ko nga ang number niya dali." Parang hindi mapakaling sambit niya. Nagtaka naman ako sa inasta niya ngunit hindi na ako nakiusisa pa. Basta binigay ko na lang yung number sa station ni Papa DJ.

Pagkaabot ko ng phone ko sa kanya ay kinuha niya agad ito at nang matapos siya ay inabot na niya sa akin ang phone ko at dali-daling lumabas ng kwarto namin. Parang hindi maganda ang kutob ko ah. Kinakabahan ako na ewan. Hindi ko maintindihan yung feeling.

Pagkabalik niya ay para siyang asong ulol na nakawala kulungan. Nakakadiri siyang ngumiti. Nakakakilabot, at talaga namang tataasan ka ng balahibo sa ngiti niyang iyon.

Ayan na! Ayan na!!! Excited na excited na sigaw ni En-jhay. Atat na atat siya nun. Sinabihan pa niya akong makinig ng mabuti sa sasabihin ni Papa DJ. Nagtataka naman akong tinaasan siya ng kilay at sinuklian niya iyon ng isang nakakakilabot na ngiti.

And for our next texter for this night. Hindi ito isang love problem, kundi ito ay isang confession. Sabi ni Papa DJ na in-emphasized talaga yung salitang confession na para bang ramdam na ramdam niya ito.

Tinignan ko si En-jhay at jusko naman! Pinagpapawisan siya ng malamig at hindi siya mapakali. Paano ko nalaman? Kanina pa siya lakad ng lakad eh. Nakakahilo na siya.

Natatae ka ba? Tanong ko sa kanya. Pinagpapawisan siya eh hindi naman mainit. Abnormal!

Ssshhh.... lumapit siya sa akin at ayun na naman yung ngiting asong kalye niya.

Makinig ka na lang. Dugtong pa niya. Hindi mo kailangang sabihin na makinig ako dahil nakikinig naman talaga ako. Kailan ba ako nag-mintis sa pakikinig sa ultimate crush ko?

Ang text na ito ay galing sa Bakla ni Tomboy. So Tomboy kung sino ka man na tinutukoy ni Bakla, sana ay napapakinggan mo ito. Pagkasabing-pagkasabi pa lang ni Papa DJ ng linyang iyon ay nakaramdam na ako kaba. Pati ako ay nahawa sa pagpapawis ni En-jhay. Pinagpapawisan ako ng malamig kahit naman malamig ang panahon. Tinignan ko siya sa mata nagbabakasaling may sagot akong makita sa pamamagitan ng pagtingin sa mga mata niya. Subalit mas lalo lang atang lumalala ang pag-pawis ko ng lingunin niya ako at nginitian. Binigyan ko na lamang din siya ng isang pilit na ngiti at mas lalo naming lumawak ang ngiti niya.

Hoy Tomboy! Alam kong nakikinig ka ngayon at wag mo akong papatayin kapag narinig mo ito. Hindi ko na kayang itago pa itong nararamdaman ko. Masiyado ng malaki at mabigat. Baradong-barado na ang puso at isip ko. Kaya sasabihin ko na sa iyo ang matagal ko ng inililihim. Ang matagal ko ng kinikimkim. Ang matagal ko ng pinipilit alisin subalit ayaw pa ring bumitiw. Mahal kita Tomboy. Mahal kita Jhinalyn. Mahal ka ng Bakla mo. Mahal ka ni En-jhay. Mahal ni Bakla si Tomboy. Inaro ta ka. Mahal kita. I love you. Saranghae. Aishteru. Yan ang mga salitang pilit kumakawala sa puso at bibig ko na matagal ko ng gustong sabihin sa iyo. Napapalunok at nanlalaking mga mata ang tanging reaksiyon ko sa lahat ng narinig ko mula sa radyo na galing daw sa Bakla ko. Gusto ko mang pilitin ang sarili ko na hindi para sa akin 'yon. Ilang beses ko mang ipilig ang ulo ko pakaliwa at pakanan. Alam kong ako iyon. Ako ang tinutukoy sa radyo. Mas lalo akong nawala sa sarili ng biglang hawakan ni En-jhay ang kamay ko. Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Ito ay naghaharumentado na sa pagtibok. Pati ang pawis na namumuo sa noo ko ay kusa na ring tumulo.

A/N: Hello po! Kung napapansin niyo ay madalang talaga mag-UD (as always) ang author ng kwentong ito, which is ako. Muli, humihingi po ako ng paumanhin dahil sa katagalan ng UD. Kasulukuyan po kasi akong naghahanda ngayon para sa nalalapit na BLET o mas kilala bilang LET this incoming September. I have my priority. And I want to focus first on my review for be able to get my license and be a professional teacher. Kaya sana po ay habaan niyo pa po ang inyong pasensya. Thank you and God bless.  

                                                                                                        - Mopper de Guzman (bloogray)

So this is how it feel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon