A/N: Sobrang sobrang sobrang pasensiya na po kung natagalan ang update. Masyado po kasi akong busy ngayon at hindi ko na maharap mag-net. Wala naman po kasi kaming internet sa bahay kaya hindi ako nakakapag UD agad-agad.
Kung dati ay isang linggo bago ako makapag-update, ngayon tatlong linggo na ata. Bisi-bisihan na po kasi ako ngayon lalo na at nagpapractice teaching na kami. At mas magiging busy pa ko next year dahil sa nalalapit na off-campus.
Thank you sa pag-iintindi. At thank you sa iyo kasi patuloy mo pa ring binabasa ito. Thank you so so so so so much! Muah! Hugs and kisses for you. :3
Merry Christmas everyone!
En-jhay’s POV
Christian! Tawag ni tomboy kay Christian.
Haayy! I sigh
Sasabay na naman ba ito sa amin? Nakanang naman oh! Siya na lang lagi ang pinapansin ni Baks. Samantalang ako na katabi niya hindi niya mapansin pansin. Kung hindi ko pa siya kakausapin hindi niya ako papansanin. Ganoon ba talaga sila ka close ng asungot na 'to? Nakakainis naalala ko na naman yung nakita ko sa plaza dati.
Flashback
Jhinalyynnnnn........ sigaw ko. Putek naman oh! Bakit may kasama siyang ibang lalake? eh ako lang naman ang lalake niyan. Never siyang nakikipag-usap sa ibang lalake, except sa akin at kay Nathaniel. Pero bakit, parang ngayon ko lang ata siya nakitang masaya ng ganyan?? Never siyang nakangiti kapag ako ang kasama niya pero sa nakikita ko ngayon bakas na bakas ang ngiti sa mga mukha niya at take note, tumatawa siya. TUMATAWA SIYA SA PILING NG IBANG LALAKE!!!
Jhinalyyynnnn...... tawag ko ulit sa pangalan niya. This time mas malakas na.
I closed my fist as I closed my eyes.
Wooh! Hingang malalim, En-jhay. Hingang malalim. Wag kang papaapekto sa nakikita mo. Mas gwapo ka jan, walang panlaban yan.
Paano ba naman kasi, kung makapunas naman ng panyo yung lalake sa may gilid ng labi ni Jhinalyn eh wagas! Tumatawa tawa pa at ito namang si Jhinalyn, nagustuhan naman ata. Ngumiti kasi siya pagkatapos.
A/N: OA lang po ang drama ni En-jhay ngayon. Selos lang yan. Awtsu!
Putek!
Hindi na ako nag atubilin na lapitan sila at para magkaalaman na.
Uy tomboy! Sabay tapik ko sa balikat niya at umupo sa tabi niya.
Anong ginagawa mo dito? Kanina pa kita tinatawagan ni hindi mo lang sinasagot mga tawag ko. Tapos yan pa ang bungad mong tanong sa akin. Hindi rin ganun kasakit noh? Tagos eh! Sa tono kasi ng pananalita niya ay parang gusto na niya akong umuwi dahil isa lang akong MALAKING sagabal.
Bakit, ikaw lang ba ang may karapatan na pumunta dito? Pagmamay-ari niyo ba to ha?! Hindi ko maiwasang hindi mainis. Ang putek naman kasi oh! Bad trip!
BINABASA MO ANG
So this is how it feel (Completed)
ЮморThis story is about a girl na sinaktan at pinaiyak ng kanyang mahal-- her boyfriend. Sobra siyang nasaktan to the point na gusto niya siyang kalimutan at iparamdam din sa lalakeng nang-iwan sa kanya na masakit pala. Gusto niyang iparamdam sa lalake...