Annabelle’s POV
Binantaan ng Daddy ni Christian na layuan ka niya. At kapag hindi niya ito ginawa ay mapapahamak ka. Nagpanggap kaming kami para hindi na siya paghinalaan ng daddy niya at para makahanap kami ng way para makaalis siya sa puder ng mga Tineo.
Hanggang sa ikaw ang bumitaw... ako ang bumitaw. Ulit ko sa isip ko. Bakit nga ba ako bumitaw? Bakit ba kasi hindi ko siya pinakingan. Nung sinabi niyang pagkatiwalaan ko siya noon, hindi ako naniwala dahil sa mga nakikita ko. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko.
Namalayan ko na lang na yakap yakap na ako ni Mae. Umiiyak pala ako. Pinunasan ko agad ang mga luha ko gamit ang mga palad ko. Tumingin ako sa kanya at nginitian siya bago umalis sa pagkakayakap niya.
Masama ba ako? Bakit hindi ako nakinig? Hindi ko siya pinakingan. Hindi ko siya pinagkatiwalaan. Umiiyak na sabi ko. Anong klaseng girlfriend ako? Kung nahihirapan ako noon, mas nahihirapan pa pala siya. Kung nasasaktan ako noon, mas nasasaktan siya.
Here. Basahin mo. Sana makatulong sa inyo. May inabot siyang isang sobre sa akin. Lumang sobre. Tinignan ko yung date at April 1, 2012 ang nakasulat. Bigla na namang tumulo ang luha ko. Graduation namin nung araw na yun sa high school. Ibig sabihin dalawang taon na ang tanda ng sulat na ito.
Tumingin ako sa may kanan ko pero wala na siya doon. Binuksan ko ang sulat at mas lalo akong naiyak. Hindi ko pa man din nababasa ang sulat niya ng tuluyan, at tanging Dear Belle palang ang aking nabasa ay naiiyak na naman ako at mas lalong lumalakas ang hikbi ko.
Dear Belle,
Alam kong hindi mo lang din mababasa ito kaya sasabihin ko na lahat ng gusto kong sabihin at least kahit sa isang kapirasong papel lang na 'to ay nasabi ko lahat ng nararamdaman ko.
Alam mo bang sobrang sakit ng puso ko ngayon? Biniyak mo kasi. Kinuha mo ang kalahati at iniwan ang kapiraso nito. Sana dinala mo na lang lahat no? Para hindi ako nasasaktan ng ganito. Naaalala mo ba nung nakipaghiwalay ka sa akin? Halos gusto ko ng magpakamatay nun. Ikaw lang naman kasi ang pinanghuhugutan ko.
Gusto sana kitang hilahin pabalik sa akin nun pero hindi ko ginawa. Alam mo ba kung bakit? Kasi naaalala kong ako nga pala ang dahilan kung bakit ka nasasaktan at lumuluha. Gusto kitang lapitan sa tuwing nakikita kita. Gusto kitang yakapin sa tuwing malapit ka sa akin. At gusto kitang itakbo palayo pero naisip ko, anong ipapakain ko sa’yo? Kaya ba kitang buhayin gamit ang pagmamahal ko? Hindi diba? Kaya nga mas gugustuhin kong malayo ka sa akin, kesa naman nandito ka nga nahihirapan ka naman.
Kaya hintayin mo ako ha? Alam kong imposible yun pero sana hintayin mo ako. Kahit 0.0000000001% ang tyansa na maging tayo ulit, isusugal ko pa rin. Babalikan kita. Babalik tayo sa dati. Aalis lang muna ako ngayon para ayusin ang buhay ko. Pagbalik ko dito sa Pilipinas, hindi na ako si Cristian Tineo. Ako na si Christian Saura. Magbabago ang apelyido ko pero yung nararamdaman ko para sa iyo? Asahan mo hindi kailanman iyon magbabago.
Sorry nga pala sa lahat ng problemang naidulot ko sa iyo and thank you kasi dumating ka sa buhay ko. Sorry sa dami ng binigay kong problema sa iyo.
Happy graduation nga pala. Sayang lang dahil hindi kita makikitang magmamartya. Sige hanggang dito na lang. Mahal kita, tandaan mo yan. Babalik ako. Babalikan ko pa sayo ang kalahati ng puso ko. At sa pagbabalik ko, bubuuin nating pareho yung puso kong nahiwa.
PS: Sana sa pagbabalik ko, may kaunti pa ring puwang ang isang ako sa puso mo. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Tagos hanggang buto. Tagos hanggang kaluluwa. Tagos hanggang FOREVER.
Nagmamahal,
Tian
Pagkatapos kung basahin ang sulat ay inilabas ko na lahat ng pwedeng ilabas. Ang tang* tang* tang* ko. Kung pinagkatiwalaan ko lang sana siya noon, hindi kami magkakaganito. Kung naniwala sana ako sa kanya noon, baka kami pa rin hanggang ngayon.
Ikaw ang bumitaw
Ikaw ang bumitaw
Ikaw ang bumitaw
Ikaw ang bumitaw
Ikaw ang bumitaw
Ikaw ang bumitaw
Ikaw ang bumitaw
Ikaw ang bumitaw
Ikaw ang bumitaw
Ikaw ang bumitaw
Ikaw ang bumitaw
Paulit-ulit lang na nagpi-play sa isip ko yung huling salitang binitiwan ni Mae. Ako ang bumitaw. Ako ang may kasalanan. Ampotek ng feeling ko ngayon. Gusto ko ng makakausap. Gusto kong magburst out.
Kinuha ko ang phone ko at isinaksak ang headset nito. Inopen ko ang radyo at nakinig. Sakto namang nagsalita si Papa DJ. Tinawagan ko ang number sa station niya. Gusto kong malinawagan, gusto ko ng may makaka-usap. Gusto kong humingi ng payo kay Papa DJ at sa mga taong handang magbigay ng payo.
Hello. This is Papa DJ ang inyong adviser for today. Basta usapang puso ang usapan.. sugatan, luhaan at kung anu-ano pa diyan, idamay niyo ako dahil related ako diyan. Bungad sa akin ni Papa DJ. Nagdadalawang isip tuloy ako kung sasagot pa ba ako o hindi na.
He-hello? Mejo nanginginig na ang boses kong sabi. Feeling ko any minute bigla akong mag-eexplode at maghahandusay na naman sa iyak.
What is your name? Tanong niya. Ang seryoso ng boses niya. Nabosesan pa ata ako. Pero buti na lang talaga at iba yung boses ko sa radyo. Ako yung nagsasalita pero hindi ganun kahalata. Hindi mo talaga ako mapagkakamalang ako yun.
T-tinker-Bee. Sagot ko at agad kong ibinaba ang telepono. What the heck?! TINKER BEE????
![](https://img.wattpad.com/cover/19372206-288-k527135.jpg)
BINABASA MO ANG
So this is how it feel (Completed)
HumorThis story is about a girl na sinaktan at pinaiyak ng kanyang mahal-- her boyfriend. Sobra siyang nasaktan to the point na gusto niya siyang kalimutan at iparamdam din sa lalakeng nang-iwan sa kanya na masakit pala. Gusto niyang iparamdam sa lalake...