Eunica's POV
Mabibigat na hakbang ang nagagawa ko habang papasok kami sa bahay nila Ivan. Kararating lang namin dito at habang nasa biyahe palang, panay na ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang may hindi magandang mangyayari eh.
Nakarating na kami sa loob ng dining nila at naabutan namin sila Tita Celine at Tito Felipe na naghahanda na para kumain. Hindi nila kami napansin kaagad kaya nagulat sila ng makita nila kami. Tumayo si Tita Celine para salubungin kami habang si Tito Felipe naman ay nananatiling nakaupo.
"Ivan, Eunica what brings you here?" masayang bati sa amin ni Tita.
Bumitaw sa pagkakahawak ng mga kamay namin si Ivan at lumapit sa Mommy niya para bumeso.
"Hi, Ma." bati nito
Napadako naman ang tingin ni Tita Celine sa akin at siya na yung lumapit sa akin para makipagbeso.
"Good evening po, Tita." magalang na pagbati ko at nginitian naman niya ako.
"Kumain na ba kayo? C'mon sumabay na kayo." sabi nito.
Nagkatiniginan kami ni Ivan at tumango naman siya. Inalalayan niya ako hanggang sa makarating sa dining table nila. Madaming nakahandang pagkain. Nung makita ko palang, natatakam na ako. Mukhang masasarap lahat sila. Gusto ko na silang tikman isa-isa.
Nang maka-upo kami, pinaglagyan agad ako ni Ivan ng pagkain. As usual, halos lahat ata ng putahe nilagay niya sa plato ko. Ako naman, takam na takam. Mapapa-round 2 ata ako nito.
Habang kumakain kami, parang ang awkward ng atmosphere dito kasi ang tahimik lang namin kumain. P-Parang hindi ako mapakali na ewan. Parang may nakatingin sa akin o napapraning lang ako?
Pasimple akong nag-angat ng tingin at hindi ko alam kung sadyang nakatingin na sa akin si Tita Celine o nagkataon lang na nagkasabay lang kami ng tingin? Nginitian naman niya ako at bumalik ulit sa pagkain niya.
Naramdaman ko yung kamay ni Ivan sa kamay ko at pinisil-pisil ito, napatingin ako sa kanya tapos ay nginitian niya ako.
He cleared his throat. "So.. Mom, Dad how's your trip?" pagbasag ni Ivan sa nakakabinging katahimikan.
"It was good, anak. We met new investors." si Tita Celine
"And we're planning to open up a new business in London." si Tito Felipe
"That's good to hear." si Ivan
Tapos ang tahimik nanaman. Mas lalong nakakaba yung ganitong katahimikan eh. We stayed silent for God knows how long hanggang sa matapos na kami sa kinakain namin at tanging yung apple pie dessert na gawa ni Tita Celine nalang yung kinakain namin. Nung inilapag ni Ivan sa harap ko yung isang slice ng apple pie ay parang biglang gustong bumaliktad ng tiyan ko. Nakakasuka yung amoy. Hindi ko naiwasang umiwas ng maamoy ko ito.
"What's wrong, hija?" Nagulat ako at napatingin kay Tito Felipe
Bigla naman akong namutla at nahiya dahil sa inasal ko.
"U-hm.. w-wala naman po." Sabi ko
"Don't you like it?" Si Tita Celine naman. Lalong bumilis yung tibok ng puso ko at hindi ko alam kung ano na yung sasabihin ko.
I swallowed the huge lump in my throat and composed myself before answering. Ngumiti ako at ibubuka na ang bibig ko ng biglang nagsalita si Ivan.
"She's allergic to apples, Ma."
Sabay sabay kami napatingin kay Ivan at nanlalaki naman yung mga mata ko. Ako? Allergic? Tinignan naman ako ni Ivan at sinasabi ng mga mata niya na makisakay nalang ako. Una akong bumitaw sa tinginan namin bago hinarap ang mga magulang niya.
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)
Fiksi UmumHe's the boss, and she's just the secretary. They fell hard for each other and everything was perfect until fate turned their world upside down. Shall they fight or give up?
