TLH: Chapter 22

8.7K 132 2
                                        

Third person's POV

"Sir, there's someone who wants to see you"

Napatigil siya sa pagtatype sa kanyang laptop ng marinig niya ang kanyang sekretarya sa may pinto. Napatingin siya sa kalendaryo at napangiti. Walang kupad pa din pala ang pinagkakatiwalaang private investigator ng kanilang pamilya.

"Let him in." sabi nito sa kanyang sekretarya. Marahan namang tumango ito at pinapasok ang isang binatilyo na tantya niya ay mas matanda siya dito ng 2 taon o maaari ding kasing edad niya ito.

"Good Afternoon, Mr. Sanders." bati sa kanya ng binatilyo

"Dylan. Kumusta na ang papa mo?" sabi nito dito

Ngumiti ang binatilyo sa kanya. "Mabuti naman ho. Tsaka ito na po pala yung pinapahanap niyo. Hindi po kasi makakapunta ang daddy dahil may emergency po kaya ako nalang po ang inutusan." paliwanag nito dito sabay nilahad ang isang brown envelope sa kanya.

Kinuha nito ang envelope at agad na tinignan. Napangiti siya sa mga nakita. Lalo na nung nakita nito ang maliit na litrato sa kanang bahagi ng papel. His eyes were full of longingness. After 24 years of searching, he finally found the last piece of their family. He can't help but to feel the excitement.

Noong nakita niya ito, panigurado na siya na ito na nga ang kanyang hinahanap. Nakaramdam siya ng kakaibang lukso ng dugo ng makita niya ito. Noong una ay hindi siya makapiniwala ngunit ng makita niya ang bagay na nakasabit sa leeg nito ay lalong lumakas ang kutob nito, hahabulin niya sana ito ngunit mabilis itong nakakilos paalis. Nung araw na iyon, hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at agad na tinawagan ang private investigator ng kanilang pamilya. Hindi niya muna ito pinaalam sa mga magulang dahil gusto niya na makasiguro muna dahil ayaw niyang paasahin ang mga ito.

Tumingin siya sa binatilyo. "Your dad never fails us, Dylan. I am very thankful for his work. I already deposited the amount in his bank account, just let him know."

"It's always been a pleasure to serve your family Mr. Sanders and thank you. I'll let Dad know about that. Mauuna na po ako, Mr. Sanders" magalang na paalam nito sa kanya.

"Ethan. Just call me Ethan."

Marahang tumango ito at nagpaalam muli bago lumabas ng kanyang opisina si Dylan. Napatingin muli si Ethan sa litrato at napangiti. Agad naman niyang inayos ang kanyang mga gamit kasama ang brown envelope at lumabas na ng kanyang opisina.

Nang makarating ito sa parking lot ay agad siyang sumakay sa kanyang sasakyan at mabilis na nagmaneho papunta sa bahay ng kanilang mga magulang. Mabilis naman siyang nakarating dahil sa wala naman gaanong traffic.

Tinahak nito ang daan papunta sa study room ng ama ng makarating ito sa bahay. Narinig niya pang nag-uusap ang kanyang mga magulang. Huminga siyang malalim bago binuksan ang pinto.

Bumungad sa kanya ang mga magulang nito na nag-uusap at natigil lang ito ng pumasok siya. Ngumiti siya sa mga ito bago nilabas ang mga katagang babago at kukumpleto sa kanilang buhay.

"Mom, Dad. I've finally found my sister."

Ivan's POV

"Sir? Sir Mike is here." narinig kong sabi ni Eunica sa intercom

Sasagot na sana ako kaso narinig kong nagsalita si Mike.

"It's okay, Eunica. Just call me Mike. Don't need to be formal"

"Ah eh. S-Sige po sir este Mike. Sandali lang. Sir? Papasukin ko na po ba si sir este Mike?"

"Okay. Let him in." sabi ko nalang at bumalik sa ginagawa ko.

The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon