TLH: Chapter 24

7.9K 136 1
                                        

Eunica's POV

Friday na ngayon at heto ako sa kama nakahiga pa din. Wala kaming pasok dahil mamayang gabi na yung Annual Ball ng CLS at hanggang ngayon wala pa din akong isusuot na gown. Ball gown pa man din yung required doon. Pwede na siguro kahit simpleng gown lang. Kung hindi lang sana ako yung mag-brebreak ng record ng hindi pumunta, hindi na talaga ako pupunta. Kaso kukuyugin naman ako ng konsensya ko. Tsaka pakiramdam ko naman masaya yung ball na yun kaya wala pang hindi pumupunta except sa C.E.O nga daw dati na hindi talaga pumupunta na si Ivan.

Alas-dose na nung napagpasyahan kong bumangon na sa kama ko. Kailangan ko pang maghanap ng gown ko. Aish! Kung hindi ba naman kasi masyado akong naging busy, nakalimutan ko na bumili ng gown.

Napatingin ako sa cellphone ko at napanguso nanaman. Hindi pa din nagtetext o tawag si Ivan sa akin. Ano na kayang nangyari duon?

"Hmm.. hindi naman pero para may assurance kayo sa isa't isa kaya may ganun"

Biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Alice nung isang gabi. Tama siya. Pero anong dapat kong gawin?

Napa-buntong hininga nalang ako at dumiretso na sa banyo para maligo at makapag-ayos na ako. Kailangan ko pang humanap ng gown. Sana may mahanap ako at yung pasok sa budget ko. Hehe.

Tatlong oras na ako nag-iikot ikot dito at wala pa din akong mahanap na gown. Nagmamadali na din ako kasi kailangan ko pang mag-ayos sa bahay. Dahil 8pm ang start at ang call time namin ay 7pm. Napapagod na ako kaka-libot dito at nauubusan na din ako ng oras.

"Aish! Ang hirap naman kapag first timer ka dito sa mga ball na yan." asik ko sa sarili.

Nilibot ko pang muli yung mga mata ko at kahit pagod na yung mga paa ko, tiniis ko para makahanap ng magandang gown. Shempre gusto ko din naman maging maayos tignan kahit simple lang yung suot ko.

Napadako ako sa isang stall at pinuntahan ko yung naka-display nilang gown. Kulay royal blue ito na tube na may korteng puso ang bandang dibdib nito at may mga makikinang na designs. Meron itong kulay silver sa gilid nito. At paballon yung bagsak nito na napapaligiran ng mga kalat-kalat at kumikinang na sequins. In short, maganda yung gown. Sobrang ganda.

"Miss kukunin mo ba yan? Bagong-bago lang yan. Kakadating lang kahapon. Maswerte ka kapag ikaw ang nakakuha niyan."

Nagulat ako sa sales-lady kaya napatingin ako sakanya at napangiti. Binalik ko yung tingin ko sa gown. Ang ganda talaga.

"Ate magkano naman ito?"

Lumapit si Ate na tindera sa likod nung manekin ng gown at parang may tinignan sa likod nito. Lihim akong nagdadasal na sana pasok siya sa budget ko.

"Ay naku! Miss sorry! Naka-reserve na pala ito. Sorry talaga. ANDENG! BAKIT NAKALABAS YUNG GOWN NA NAKA-RESERVE DITO?!"

Napa-bagsak naman ako ng balikat sa sinabi ni Ate at sinusundan ko ng tingin si Ate na dala-dala yung manekin ng gown.

Nakaka-asar naman! Ayun na eh! Nawala pa!!

So, wala akong nagawa kundi maglakad at maghanap nanaman ng gown. Aish! Dapat nasa bahay lang ako ngayon eh!

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa mapunta yung tingin ko sa isa nanaman naka-display na gown. Nangningning yung mga mata ko ng makita ko ito.

Nilapitan ko ito. Isang kulay creme na may 3/4 na manggas na gawa sa lace. Korteng puso din ang dibdib nito na may parang diyamante sa gitna na malayang kumikinang at sa baba naman nito ay mga sequins na kulay silver samantalang yung laylayan naman nito ay bagsak pero pwede na para sa Annual Ball namin.

Luminga-linga ako sa loob ng stall para maghanap ng nag-titinda nito. At agad ko naman itong nakita.

"Ate! Magkano po dito sa gown na to?"

The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon