Eunica's POV
Nagising ako ng marinig ko yung alarm clock ko. Hmp, sarap pa ng tulog ko eh.
Huh?! Bakit nakapatay na yung mga ilaw? Kinuha ko yung cellphone ko para tignan yung oras, 7:30 pa lang naman ah?! Pero kakaunti nalang yung mga tao?
Dali-dali na akong tumayo at nag-ayos ng gamit. Sa bahay ko na lang tatapusin 'tong mga papeles na to. Nang mailigpit ko na yung mga gamit ko, luminga-linga muna ako sa paligid baka may nakalimutan ako. Akmang papatayin ko na yung lamp shade eh may nakita akong kulay asul na bagay na parang nalaglag sa upuan ko.
Dinampot ko ito at nakita kong isa itong blanket.
Kanino naman kaya ito? Kaya pala napasarap yung tulog ko dahil dito. Ang lambot at ang sarap sa katawan . Tinignan ko kung may pangalan o ano dito para naman mapasalamatan ko yung nagbigay.
Inikot-ikot ko na ang tingin ko dito pero wala akong nakita. Inayos ko ito ng tupi at inilagay nlang sa may upuan at naglakad na papuntang elevator.
Nang makalabas ako ay agad na sumakay na ako ng jeep pauwi. Dumaan muna ako sa Dunkin' Donuts para bilhan ng pasalabong si Alice kasi hindi ko siya nauwian nung isang gabi.
Buti nalang at may natago pa akong pera. Akala ko 20 nalang yung pera ko eh.
Matapos kong makabili ay naglakad na lang ako pauwi dahil malapit lang naman ito sa amin. Naabutan ko silang kumakain na hapag kainan, kumalam naman yung tyan ko.
"Ma, Pa" tawag ko sa kanila at nilingon naman nila ako.
"Kumain ka na, anak" si papa. Nagmano ako at naupo sa tabi ni Alice para kumain.
"Ate ate ate! Sa akin ba yang donut na' yan?" masiglang sabi ni Alice
"Opo. Sa'yo po. Pero kumain ka muna ng kanin bago mo lantakan yang mga donut na 'yan."
"Yey! Thank you, ate" Sabi nito na nagnining ning pa ang mga mata.
Kumain lang kami ng matiwasay. Nagkuwento na din ako kila Mama at Papa ng mga ginagawa ko sa trabaho. Kinamusta naman nila yung trabaho ko. At si Alice naman ay nangungulit sa akin. Ewan ko ba dito kung bakit ang kulit kulit nito. Samantalang pinaglihi naman siya kay Alice in Wonderland kaya nga Alice pangalan niya eh. Ako na natawa sa joke ko.
Tinulungan ko muna magligpit si mama ng pinagkainan namin at tumuloy na sa kwarto ko. Naligo muna ako at nagdamit pantulog. Kung akala nyo eh matutulog na ako, akala niyo lang dahil gagawa pa ako ng mga sankatutak na gawain. Psh.
****
Tatlong linggo ang nakalipas simula ng pagtatrabaho ko sa CLS. Ganun pa din naman ang nangyayari. Himala nalang kung may magbago. Madami na din ako nakilala sa opisina at lahat naman sila ay mababait. May ilan din ako naging kaibigan at mkukulit sila at mababait din.
"Pst. Break muna"
Inangat ko yung tingin ko at nakita ko si Veron, isa sa mga naging kaibigan ko dito sa opisina.
Ningitian ko ito.
"Madami pa akong gagawin, Veron, eh"
"Ay sus, kailan ka pa ba naubusan ng ginagawa?" Natatawang sabi nito.
"Tse, magtigil ka nga d'yan. Susunod nalang ako sa inyo, tatapusin ko lang ito" Sabay balik ang tingin sa ginagawa.
"Hmp, sumunod ka ah or else kakaladkarin kita papuntang break room" Pagtataray nito at naglakad na papuntang break room.
See? Ganyan na agad ang turingan namin kahit 3 linggo pa lang ako dito. Si Veron nga pala ay taga Editorial Department. In-charge sila sa mga promotions and advertisement ng kumpanya. Mabait siya at maganda. May pagka-chinita at kapag unang kita mo palang ay aakalain mong mataray siya pero kapag naging kaibigan mo na eh, sobrang kalog nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/10274125-288-k678169.jpg)
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)
General FictionHe's the boss, and she's just the secretary. They fell hard for each other and everything was perfect until fate turned their world upside down. Shall they fight or give up?