"Ate! Ang sarap naman nito! Hihihi" sabi ni Alice habang punong-puno yung bibig niya.
"Oo nga, anak. Saan mo ito nabili?" tanong naman ni Mama
Ngumiti ako sa kanila bago sumagot. "S'yempre Ma, para sainyo. Tsaka hindi na po importante yun. Ang sarap po 'di ba?" sabi ko sa kanila at nagpatuloy sa pagkain.
Nandito na ako sa bahay ngayon at s'yempre kakakuha ko na ng sweldo ko ngayon. Kaya naisipan kong bilhin nang masasarap na pagkain sila Mama.
"Oh, nandito na pala ang papa niyo." sabi ni Mama sa amin. Napatunghay ako at si Alice naman ay masayang napatayo at sinalubong si Papa.
"Papa!" masayang bati ni Alice. Hinalikan naman siya ni Papa sa noo at sinalubong si Mama.
"Pa, kain na po kayo." sabi ko kay Papa at nagmano ako. Naupo naman si Papa sa pinaka-unahan.
"Oh ang dami naman nito. Saan kayo nakakuha ng pera pambili?" puna ni Papa sa hapag-kainan at kita mo yung pagkamutla ni Papa.
Hinawakan sa kamay si Papa ni Mama. "Mahal, sweldo ni Eunica ngayon, naisipan lang ng anak mo na bumili." malambing na sabi ni Mama.
"Oo nga po Papa, tsaka minsan lang po ito." sabi ko naman
Ngumiti na si Papa sa amin. "Ah ganun ba? Salamat anak ha."
Ngumiti na lang din ako at nagpatuloy kami sa pagkain. Bakit parang namutla si Papa kanina? May nangyari kaya? Hmm. hindi ko na muna iisipin yun. Makakain na nga lang.
Matapos namin kumain, tinulungan ko si Mama sa paghuhugas ng mga pinagkainan namin. Napadami pala yung pagbili ko kaya yung iba, ulam nalang bukas.
Natapos na kami sa paghugas, lumapit ako kay Mama.
"Ma, ito po yung natira sa sweldo ko. Pambayad po sa mga utang pati na din po yung sa tubig at kuryente." sabi ko at nilahad kay Mama ang isang sobre.
Kinuha niya ito at tinignan ang loob. Nanlaki naman yung mata ni Mama. "Oh anak, ang dami naman ata nito? Sigurado ka ba na may natira sa sweldo mo?"
Natawa ako sa sinabi ni Mama. "Mama naman, s'yempre may natira po. Eh sadyang mataas lang po yung sweldo ko." sabi ko at napakamot nalang ako sa ulo ko.
Hinawakan ako sa kamay ni Mama. "Salamat anak ha. Salamat." sabi nito sa akin
Hinawakan ko din yung kamay niya. "Basta po para sa ikatataguyod ng pamilya po natin."
Matapos ang heart to heart talk namin ni Mama, pumunta na ako sa kwarto ko at nagpahinga matapos ko maligo. Haaayy! Ang sarap sa pakiramdam nang May naibibigay kang tulong sa pamilya mo. Nagpapasalamat nalang ako at swerte ako sa trabaho ko. Sana magpatuloy-tuloy pa ito.
****
Ivan's POV
"Ivan? Are still listening?"
I came back to reality when I heard her voice. I shook my head. What was I thinking? I'm losing focus. Tss. Nakalimutan ko na palang nandito ako sa bahay at kausap ang aking ina.
"Ah yes Mom, where were we?"
Napakunot ang noo nito. "I'm asking you when will you bring Eunica again?"
I was stunned at na patikim ang labi ko. Her again? I'm trying to forget her, my feelings for her.
"I don't think when Mom, she's err.. busy." Reason out ko dito. I hope maniwala siya.
Matamang tinitigan niya lang ako and I felt a gulped in my throat.
"Okay then. Bring her some other time. And besides, I want to know about her chicken curry recipe." masayang sabi ni Mom at tinikman muli ang pagkain.
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)
General FictionHe's the boss, and she's just the secretary. They fell hard for each other and everything was perfect until fate turned their world upside down. Shall they fight or give up?
