Eunica's POV
Nagising ako ng makarinig ako ng ingay sa paligid. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Medyo blurry pa kasi kaya di ko makita pa nang malinaw. Kinusot-kusot ko yung mga mata ko at naging malinaw na din ang paningin ko. Ano bang nangyari?
"Ssshh! Madi, shush up!"
Una kong narinig ang isang matinis na boses. Hinanap ko yung boses na 'yun at nakita ko naman si Yanna na may kausap na Yanna ulit? Huh?
"Mica, you're noisy"
Kinurap-kurap ko yung mga mata. Nagsalita yung katabi ni Yanna na si Yanna din? Ha? Ang gulo naman! Ano bang nangyari sa akin? Pinilt kong alalahanin yung mga nangyari sa akin, may pinipigilan akong isang babae na pumasok sa office ni Ivan na kamukhang-kamukha ni Yanna tapos biglang sumulpot naman si Yanna at nagtalo sila nung kamukha niya tapos lumabas si Ivan pagkatapos, boom! Nag-itim na yung paningin ko.
Ah! Nag-hahallucinate ba ako? O talagang dalawang Yanna yung nakita ko? Napatingin ako sa dalawang Yanna na nasa harap ko. Ang ingay nila. Nagtatalo pa din sila. Hindi ko mapigilang pagmasdan yung dalawa. Ang ganda nila pareho at magkamukhang-magkamukha sila. Para silang pinag-biyak na bunga.
Pero may napapansin ako sa isang Yanna, hindi siya kasing kulit ni Yanna. Nakikita at nararamdaman ko yung pagiging seryoso niyang aura samantalang yung isang Yanna naman ay kabaligtaran nito. Mahaba ang buhok nung isa samantalang yung isa naman ay shoulder length lang. Kulot ang isa, yung isa naman ay straight na straight ito. Pero parehong maganda sila. Para silang mga supermodel.
Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga ko. T-Teka? Asan nga pala ako? Inikot ko yung paningin ko at para akong tinamaan nung malaman kong nasa office na pala ako ni Ivan.
"Eunica!"
Napatingin ako sa tumawag sa akin at nanlalaki yung mga mata niya. Bigla siyang tumayo para alalayan ako maka-upo.
"S-Salamat"
Tumabi siya sa akin at nginitian ako. "How are you? Are you feeling okay?"
"O-Oo, okay na ako."
Tumayo naman yung isang Yanna tapos ay lumapit sa akin at parang chineck niya ako. Pinakiramdaman niya yung pulso ko at parang tinignan yung mga mata ko. Anong ginagawa niya?
"She's perfectly okay now." sabi nito
Kahit nagtataka ako, palipat-lipat yung tingin ko sa kanilang dalawa. Naguguluhan na talaga ako. Nasa ibang planeta ba ako na puro Yanna ang makikita ko?
Naramdaman ko yung kamay ng nasa kanan ko. "Eunica, sorry for earlier. Pagpasensyahan mo na 'tong kakambal ko. She's just really aggresive sometimes." sabi nito at pinandidilatan pa ng mga mata yung nasa kaliwa ko.
Teka? Kakambal? May kakambal si Yanna? Parang wala namang sinasabi si Ivan? Speaking of, asan na ba yun?
"I'm Madison, Eunica. Demetria Madison." sabi ng nung nasa kaliwa ko. Tumigin ako sa kanya at oo nga kamukha-kamukha niya talaga si Yanna. 'Di ko ineexpect na makakakita nanaman ako ng isang model na kagaya niya. At pareho sila ng mga mata ni Yanna at Ivan. Nasa lahi ba talaga nila 'yon?
"I'm sorry for shocking you. Nahimatay ka tuloy." natatawang sabi niya. "Ouch! Hey!"
Nagulat naman ako dahil bigla siyang binatukan nung kakambal niya. At ayun nagsagutan nanaman sila. Jusko tong dalawang 'to. Ganyan ba talaga sila?
"A-Ah, okay lang. Pasensya ka na sa inasal ko kanina." nahihiyang sabi ko
Du'n lang sila tumigil na dalawa sa kaka-talo. Tumingin siya sa akin. "No, no. It's fine. You're just doing your job." sabi nito.
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)
General FictionHe's the boss, and she's just the secretary. They fell hard for each other and everything was perfect until fate turned their world upside down. Shall they fight or give up?