TLH: Chapter 33

7.9K 144 2
                                    

Eunica's POV

Tatlong linggo na makalipas nu'ng malaman ng pamilya ni Ivan yung pagbubuntis ko. Nu'ng gabing pinag-stay ko si Ivan sa bahay, kinaumagahan nu'n ay inipon ko lahat ng lakas ng loob ko para at nalaman na din nila Mama at Papa yung kalagayan ako. Aaminin ko hindi naging madali yung pagtanggap nila. Nu'ng una naging tahimik ang lahat. Walang balak magsalita na lalong nakadagdag sa lakas ng tibok ng puso ko. Makikita mo sa itsura ni Mama na hindi siya makapaniwala at parang naiiyak siya. Hindi ko naman masisisi si Mama, alam kong maaga pa para mangyari ito sa akin. Pero wala naman akong pinagsisisihan sa ginawa ko, sa nangyari sa amin ni Ivan. Ayun nga lang ay napaaga at parang ang bilis ng mga pangyayari.

Inobserbahan ko din si Papa, tahimik ito at parang malalim ang iniisip. Nakayukom ang mga kamay nito at mabigat na hininga ang nilalabas nito. Alam ko na may nararamdaman siyang galit sa ginawa ko. At handa akong tanggapin kung ano man ang mangyari. Ginusto ko 'to at alam ko din namang hindi ako pababayaan ni Ivan.

Ang buong akala ko ay makakatikim ako ng masasakit na salita galing sa mga magulang ko dahil sino ba namang magulang ang matutuwa na mabuntis ang anak nila agad-agad? Kaya inihanda ko ang sarili ko pero masuwerte ako sa mga magulang ko, mahinahon pa din nila kinausap lalo na si Papa kahit na alam kong may nararamdaman siyang galit pero mas pinili niyang maging mahinahon at inintindi ang sitwasyon. Malugod nilang tinanggap yung kalagayan ko at doon lamang ako nakahinga ng maluwag. At kahit hindi ako tumingin kay Ivan, alam ko na ganu'n din ang naramdaman niya.

Check-up ko ngayon sa OB at heto ako naghihintay para tawagin ako sa loob. Kanina ko pa din tinetext si Ivan dahil ito yung pangalawang beses na magpapa-check up ako. Una ay yung nalaman kong buntis pala ako. Ginawang day-off ko ni Ivan yung check-up ko sa OB at saka para masamahan niya din ako eh kaso nga lang, wala pa din siya at ilang minuto nalang ay tatawagin na ako sa loob. Sinubukan ko din siyang tawagan pero hindi naman din niya sinasagot. Medyo naiirita na din ako na naiiyak. Sabi niya kasi sasamahan niya ako.

Hindi pala madaling magbuntis, tuwing umaga palagi akong nagsusuka at napaka-selan ko sa pagkain grabe! At saka napaka-moody ko din at madali din akong maiyak sa mga simpleng bagay. Napaka-sensitive ko. Tapos dumating yung mga araw na sobrang nag-c-crave ako sa mga pagkain ng dis-oras ng gabi kaya pati si Papa ay nagagambala ko o di kaya si Ivan. Minsan dinatnan ako ng pag-c-crave sa strawberries ng alas-tres ng madaling araw. Sinubukan kong tiisin yun pero sabi ni Mama, ay masama daw myun dahil nag-seserve daw myun na pagkain ng baby. At saka hindi din ako makatulog nu'n kaya no choice ako kundi magpabili.

Dumating din sa moment na sobrang pagod ni Ivan galing trabaho ng tawagan ko siya para magpabili ng Haw-Haw na candy a tsaka ng chocolate syrup. Nagulat pa nga ako ng sabihin niyang kakauwi niya lang daw nu'n. Eh ala-una na ng madaling araw 'yun. Hindi na sana ako magpapabili pero napaka-sweet niya lang at nagulat nalang ako ng bumusina siya sa labas ng bahay namin kaya sa bahay ko nalang siya pinatulog nung gabing yun. Natawa ako at the same time ay naawa ako dahil pagka-higa na pagka-higa niya sa kama ko ay agad siyang nakatulog.

Gusto na nga ni Ivan na magsama na kami sa condo niya parang mas maaalagaan niya ako pero tumanggi ako dahil hindi pa naman kami kasal at alam kong hindi papayag sila Mama. Nagpapasalamat ako dahil may boyfriend ako ng napaka-caring sa akin at ramdam kong mahal na mahal niya. Nagpapasalamat din ako sa pamilya ko na hindi nila ako itinakwil dahil sa nangyari sa akin. At nagpapasalamat din ako sa pamilya ni Ivan na kahit ganu'n na hindi nila matanggap, hindi pa rin nila hinahayaang may mangyaring masama sa akin.

Napakunot-noo muli ang noo ko ng marinig ko nanaman ang busy tone. Binaba ko yung phone ko at napabuntong hininga. Hay, Ivan asan ka na ba?

"Mrs. Clarkson? Kayo na po ang susunod."

The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon