TLH: Chapter 29

8.7K 146 0
                                        

Eunica's POV

"Ivan, ito pa oh. Tikman mo ito, masarap 'yan." binigyan nanaman ni Mama si Ivan ng niluto pa niyang specialty na chicken pastel.

"Salamat ho." tinanggap naman 'yon ni Ivan at naglagay siya ng marami sa plato niya.

Nagulat naman ako sa ginawa niya. Mauubos niya ba 'yon? Hala, baka tumaba siya. Sayang naman yung abs niya. Ay takte ka, Eunica! Utak mo talaga.

"Mauubos mo ba 'yan?" bulong ko dito.

Lumingon siya sakin pero nginitian niya lang ako at kinindatan pa. Napa-iling ako. Loko-loko talaga.

"Matanong ko lang, kailan pa ba naging kayo?" si Papa.

Sabay kaming napatingin kay papa ni Ivan pagkuwa'y nagkatinginan kami. Kailan nga ba? Hala, hindi ko maalala. Hindi ko alam isasagot ko.

Hinawakan ni Ivan yung kamay ko. Binigyan niya ako ng tingin na "I'll take care of it".

"Anim na linggo na ho nakakalipas, sir." magalang na sabi ni Ivan.

Napatango-tango naman si Papa. Napabaling yung tingin ko kay Mama, nakikita ko naman masaya siya pero may tingin siya na may gusto siyang sabihin sa akin.

Naalala ko kanina, hindi namin natuloy yung pagsabi sa kalagayan ko. Handa na akong sabihin sa kanila yung totoo pero pinigilan ako ni Ivan at iba yung sinabi niya.

Pagkapasok namin ng bahay, sinalubong agad kami ni Mama. Naglilinis kasi siya ng bahay samantalang si Papa inaayos yung electric fan ni Alice. Nasira nanaman siguro.

"Oh anak, nandiyan na pala kayo." Nagmano ako kay Mama at sumunod namin si Ivan dito.  "Ay naku nakakahiya naman sa boss mo. Teka sandali."

Agad naman tinapos ni mama yung pagwawalis niya at inayos pa yung munting sofa namin.

"Ako na po." prisinta ni Ivan.

"Ser, naku ako na. Bisita ka." tanggi ni Mama.

"Ivan nalang ho." natatawang sabi niya

Inalalayan ako ni Ivan na makaupo sa sofa namin. Kinakabahan pa din ako. Hindi pa din maalis yung lakas ng kabog ng puso ko.

"Mama, asan po si Alice?" pampalubag loob ko

Napansin ko kasing walang maingay dito sa bahay. Sabado naman ngayon ah? Naglakwatsa nanaman siguro 'yong batang 'yun.

"Nasa eskwelahan anak, may pasok sila. Make-up class daw. Half day lang naman iyon. Pauwi na siguro 'yun."

Tumango nalang ako.

"Maiba ako, kumain na ba kayo?"

Bigla akong nakaramdam ng gutom. Breakfast lang pala yung kinain namin kanina. At lampas alas-dose na din.

"Hindi pa po, ma." simpleng sagot ko.

"O' siya sige, magluluto lang ako. Hindi mo naman sinabing kasama mo si Ivan, anak. Nakapag-handa sana ako."

"Okay lang po." si Ivan. Nagsasalita din pala 'to.

"B'weno, magluluto lang ako ha."

Patayo na sana si Mama ng pigilan ko ito.

"M-Ma, teka lang po. M-May s-sasabihin po ako." pigil ko dito

"Ano iyon? May papaluto ka ba? Ako nang bahala doon."

Napatingin ako kay Ivan at binalik ko din yung tingin ko kay Mama.

"Hindi po. Maupo muna kayo. Pakitawag naman po ma, si papa." sabi ko

The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon