Eunica's POV
Kanina pa ako pagulong-gulong dito sa kama ko. Hindi kasi ako makatulog eh. Anong oras na ba? Tumingin ako sa screen ng phone ko at nanlaki naman yung mga mata ko. 1:30 na pala ng madaling araw. Kapag ganitong oras nanaginip na ako eh. Pero bakit gising pa din ako?
Pinikit ko yung mata ko baka sakaling makatulog na ako pero biglang pumasok sa isip ko yung mukha ni Ivan na nakangiti kaya biglang bumilis yung tibok ng puso ko at napadilat ako. Pakiramdam ko namumula ako.
Pinikit ko ulit yung mga mata ko at nakita ko nanaman yung mukha ni Ivan. At hindi ko napigilan yung sarili kong kiligin at mamula. Siguro kung may nakakakita sa akin, iisipin nababaliw na ako. Hahaha.
Napa-isip ako, ngayon ko lang nakitang tumawa at ngumiti si Ivan. Kitang kita ko din sa mga mata niya na masaya siya. Dahil kaya sa akin?
Hep hep hep! Wag assuming Eunica! sabi ni utak ko. Pero di ko mapigilan eh! Sa akin nga kaya?
Natigil yung pag-iisip ko ng tumunog yung phone ko at halos mapunit yung mukha ko sa sobrang laki ng mga ngiti ko. Dali dali ko namang sinagot ito.
"H-Hello"
"I miss you"
Pakiramdam ko ang pula ng mukha ko dahil sa tono ng boses niya.
"Bakit gising ka pa?"
Tumawa ito. "I should be asking you that babe. Bakit gising ka pa? And I just got home"
Natigilan ako. Saan naman nanggaling to? Nangunot yung noo ko.
"San ka galing?" sabi ko at hindi pinansin yung tanong niya sa akin.
"Brighton Bar. I'm with Mike, Clarisse and Luke kanina"
"Bakit di ka nagsasabi?"
Huli na nung maalala ko yung sinabi ko. Kaya napapukpok ako sa ulo ko. Aish!
Tumawa nanaman ito. "Sorry babe. Biglaan lang yun. Don't be mad."
"I..I.. Hindi ako galit ano ka ba. Haha" sabi ko na nahihiya.
"Why are you still up?" tanong nitong muli
"Iniisip kasi kita." Wala sa sariling sabi ko kaya napatakip ako sa bibig ko at pinalo ko pa ito. Aish! Ayan nanaman yng bibig ko!
Narinig kong tumatawa na ito. Aaaaaahhhh! Nakakahiya!!
"I can imagine your tomato face babe. So cute." sabi nito habang natatawa.
"Ah eh.. hindi ah. Matulog ka na nga. May pasok pa bukas. Goodnight." sabi ko dahil sa sobrang hiya at binabaan ko na siya, di ko na siya hinintay pang magsalita. Eto nanaman yung puso ko ang bilis nanaman ng tibok nito.
Muntik naman akong sumigaw ng tumunog nanaman yung phone ko. Sinagot ko naman.
"Sabi ko---"
"Goodnight babe. I'll see you tomorrow. Wag mo na ako masyadong isipin, magkikita naman tayo eh. Sweetdreams"
Yun lang at binaba niya na. Naramdaman ko na nakangisi yun kanina. Kumuha ako ng unan at tinakip sa mukha ko at nagtitili dun dahil sa kilig.
Oh Ivan. My Ivan.
*******
Kinabukasan...
"Ateeee!!!"
Nakaramdam nanaman ako ng pagyanig sa kama ko. Ano ba yun? Inaantok pa ako eh.
"Ateeeee naman!!!"
Aish! Kumuha ako ng unan at tinakip sa ulo ko. Ang ingay naman ni Alice eh!
"Ateeeeee gumising ka na! TANGHALI NA!" sigaw ni Alice kaya napabalikwas ako ng bangon.
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)
Ficção GeralHe's the boss, and she's just the secretary. They fell hard for each other and everything was perfect until fate turned their world upside down. Shall they fight or give up?
