Alice's POV
"Oh my pretty pretty boy I love you
Like I never ever loved no one before you
Pretty pretty boy of mine
Just tell me you love me too
Oh my pretty pretty boy
I need you
Oh my pretty pretty boy I do
Let me inside
Make me stay right beside you"
Dali-dali akong bumangon sa kama ko ng marinig ko mag-ring yung bago kong bili na cellphone. Hihi. Sa ipon ko naman talaga ito galing. Tagal ko din pinag-ipunan 'to ah! Mabuti nalang may baon ako lagi sa school kaya medyo nakakatipid din ako. Hahaha. 'To talaga si Ate Eunica, kung anu-ano pinagsasabi. Psh. Hahaha.
"Oh my pretty pretty boy I love you
Like I never ever loved no one before you
Pretty pretty boy of mine
Just tell me you love me too
Oh my pretty pretty boy
I need you
Oh my pretty pretty boy I do
Let me inside
Make me stay right beside you"
Nagulantang nanaman ako ng tumunog yung phone ko. Ay! May tumatawag nga pala. Tinignan ko yung screen at ganun nalang yung bilis ng tibok ng puso ko ng makita ko kung sino yung tumatawag sa akin.
Pretty boy Calvin <3 calling...
Oh baka nagtataka kayo? Pinalitan ko yung pangalan niya kanina lang pag-alis nila Ate. Hahaha. Huminga muna ako ng malalim bago ko pinindot yung 'Accept' button. I cleared my throat.
"H-Hello, Calvin?"
"Alice! Ang tagal mo namang sumagot!"
Napalunok ako. Patay. Eh sa kinikilig ako eh!
"S-Sorry Calvin, ano kasi inutusan pa ako ni Mama."
Lihim akong nagdadasal na sana kumagat siya sa palusot ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na "Kinikilig kasi ako Calvin kaya di ko nasagot agad." Like duh? Hahaha
"Whatever. Anyway, kumusta na yung assignment natin?"
Yes! Kumagat din.
"A-Ah! Okay na. Matatapos ko na siya." masayang sabi ko dito.
"Good. That's my girl. Be sure to bring it tomorrow or else..."
"O-Or else?" kinakabahan kong sabi
"You're dead."
Ayun lang at narinig ko nalang yung dial tone. Napabuntong-hininga naman ako. Siya si Calvin Dela Cruz, isang heartthrob, mayaman, matalino, bad boy at higit sa lahat Basketball Varsity Player ng Phoenix University. Matagal na akong sumusulyap kay Calvin, elementary palang kami. Ultimate crush ko siya nuong Grade 5 pa kahit na may pagka-bad boy siya. At kung minsan, mayabang at bossy ito. Pero wala akong paki-alam duon. Sa kanya lang tumitibok ng mabilis ang puso ko, unang kita palang namin. Ang epic nga nuon kasi nabunggo niya ako nuon pero sa akin natapon yung iniinom niyang buko pandan shake.
Naglalakad ako papuntang canteen namin para mag-lunch. Hindi kasi ako nabaunan ni Mama kaya kay Ate Eunica muna ako nanghingi ng baon. Paliko na ako ng may isang bato akong nabunggo at napa-upo ako sa sahig sa lakas ng impact.
"Aray!" daing ko
Kung minamalas ka nga naman oh! Nabunggo ka na nga, natapunan ka pa ng ng ng shake! Argghhh!!!
"Bulag ka ba or something Miss?!"
Napakunot yung noo ko sa inasal ng walanghiyang nakabunggo sa akin. Aba! Siya na nga nakabunggo, at ako na nga yung natapunan, siya pa ang galit?!
Ini-angat ko yung ulo ko at handa na akong bigyan ng malupit na sapak yung taong nakabunggo sa akin ng bigla akong napatulala sa kanya. Napatigil din yung pagsalubong ng kamao ko sa mukha niya dahil sa sobrang pagkagulat.
BINABASA MO ANG
The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)
Ficción GeneralHe's the boss, and she's just the secretary. They fell hard for each other and everything was perfect until fate turned their world upside down. Shall they fight or give up?
