TLH: Chapter 6

9.8K 179 2
                                    

Ivan's POV

I can't take my eyes off of her. 

Hindi ko na nga natutuunan ng pansin yung mga nakakausap kong mga business partners namin at tanging nakangiting nakatungo lang ako dito dahil ang atensyon ko ay nasa kanya. She's just simple beautiful. No, she's gorgeous! Hindi mo aakalaing nanggaling lang ito sa mahirap na pamilya. Kung pagbabasehan, mukha siyang maharlika, prinsesa, diwata, dyosa, lahat na.

One thing caught me off guard is when we shook hands earlier. Parang akong nakuryente nang hawakan ko ang kamay niya. Sabay kaming napatingin sa isa't-isa pero agad din nawala iyon ng magsalita siya. Napaiwas ako ng tingin rito dahil kumabog ng malakas yung dibdib ko and pretended that nothing happened. 

After announcing to my parents that she's my ''girlfriend'', hindi mo maipaliwanag ang mga itsura nila. I think they're amazed or something. After nu'n ay hinayaan na nila kaming kumain at makihalubilo sa mga tao.

Matapos kong makipag-usap or usap ba yung masasabi ko kanina ay binalikan ko na si Eunica na busying busy sa pagkain.

"Hindi ka naman gutom niyan?" Tanong ko dito pagkaupo ko sa tabi niya.

"Masharap po kasi ssshir eshte babe!" Sabi nito ng punong puno ang bibig. Napapailing nalang ako dito.

Napatigil ito ng pagkain ng punusan ko ang gilid ng labi nito dahil may naiwang sauce. Napatitig ito sa akin atsaka yumuko. Nahiya siguro. Nakita kong lumunok muna ito bago nagsalita. Fuck, what did I just do?! I gulped.

"T-thank you." Sabi nito.

Napapangiti ako sa babaeng 'to. Pero s'yempre hindi ko pinakita 'yon.

"Ang kalat mong kumain. Umayos ka nga. Baka makita ka pa ng ibang tao mapahiya pa ako. Tsk tsk" Now I'm talking like a boss again. 

"Sorry" Pagpapaumanhin nito at saka uminom ng wine.

Nanlaki ang mga mata ko ng isang lagukan niya yung wine na ininom niya. Tss. Hindi ba niya alam na baka malasing siya nyan?

"Ang sarap naman nito" sabi nito at pinagpatuloy ang pagkain. Nakaramdam ako ng pagkulo ng tyan at tumayo na ako para kumuha ng makakain sa buffet table. Bago pa man ako makaalis ay tinawag niya ako.

"B-babe, puwede pakikuha din ako ng isa pang uhmm" Napatitig ako dito naghihintay ng sasabihin nito. Pero tinuro nya lang yung wine glass na kaninang ininom niya.

I rolled my eyes at her. God, this woman. I called a waiter na may dala ng mga beverages at kumuha ng red wine.

"Here. Kung may gusto ka pa, tawagin mo lang yung waiter."

Tumango lang ito at pinagpatuloy ang pagkain. Kumuha na din ako ng akin at pagbalik ko sa table namin...

Meron ng tatlong baso ng red wine sa table namin at mahahalata mong lasing na ito dahil mapupungay na ang mga mata nito. Tsk.

Paglapit ko ay akmang iinom nanaman ito pero pinigilan ko.

"Stop it. You're drinking too much"

I saw her pout that makes her cute. Wait! What? I didn't mind her at nagsimula ng kumain.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko ng magsalita ito.

"Babe, you look handsome"

Napatingin naman ako dito at nakita kong nakangiti ito. Tss. Lasing na nga siya.

"I know. Now, keep quiet."

"No, I don't want to." Then she pouts again! 'Pag hindi pa ito natigil kaka-pout swear, hahalikan ko ito.

The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon