TLH: Chapter 3

10.5K 197 2
                                    

''Stay"

Sabi nito kabilang linya, Ha? Ano daw? Bakit naman stay? Aso? Aso?

"Sir bakit po?" Tanong ko dito.

"Pumasok ka sa office ko" Tugon nito.

Binaba ko na agad yung telepono at pumasok na sa loob dala yung mga gamit ko, baka kung ano lang yun at panandalian.

"Sir, ano po 'yun?" Tanong ko ng makapasok ako.

"Here are the topics that we need for tomorrow's meeting. Ilagay mo lahat iyan sa powerpoint ngayon. I need everything to be in that powerpoint. Walang labis, walang kulang. And be sure to double check it bago mo i-send sa email ko."

"Sir akala ko po ba makakauwi na ako after ko po magpareserve?"

"Tapusin mo muna 'yang pinapagawa ko and then you may go home."

Sabi nito at sabay nun ay ang pagbigay sa akin ng folder na may pagkakapal na papel. Aish! Akala ko pa naman makakauwi na ako.

"Masusunod po, sir" Lumabas na ako pagkasbi kong nun at bumalik sa pwesto ko, inopen ko yung computer at nagsimulang gawin ang powerpoint presentation. Hayyyy!

****

Ivan's POV

I'm the only heir and CEO of the CLS Group of Companies. Single and not ready to be married.

I'm serious and determined when it comes to work, Lahat ng bagay gusto ko naaayon sa mga sinabi ko. I want everything to be on time kaya papalit-palit ako ng sekretarya ko dahil ang kukupad nilang kumilos and that's one thing I hate kaya maaga palang sinisisante ko na sila.

But, I have this new secretary, her name's Eunica Valdez. And according to her resume, laki siya sa hirap at isang scholar nung college ito. I bet hindi din ito tatagal sa akin.

Dahil namukhaan ko siya, because who wouldn't? She has that heart-shaped face, hazel brown eyes, thick eyelashes, natural pinkish cheeks, red lips, and cute pointed nose. Her skin is glowing like pearls shining under the sun.

Ah, damn, she's a Goddess.

But, fuck, I was stunned when I first saw her but my irratation got the best of me. Siya nga pala yung nakatapon sa akin ng kape, and that's one more reason para pahirapan siya.

I know it's her first day kaya pinagawan ko agad ito ng trabaho. Pinaayos ko sa kanya yung sandamakmak na schedule and appointments ko at sinabing kailangan ko na ito bukas na bukas but the truth is, I can give her a week para matapos ito but it's part of my way of testing her.

It's almost 7pm na nung kumatok ito sa pintuan ko. Nagulat naman ako dito ng may inilapag ito sa lamesa ko.

"Sir, tapos ko na po yung schedule and appointments ninyo. Pakipirmahan nalang po"

Tigninan ko ito and I may say she's impressive. I signed the papers and returned to her

"You may go. Not bad, Ms. Valdez"

"Thank you, Sir"

"I need you to keep that. Kailangan laging nasa iyo 'yan palagi. 'Wag mong kakalimutan 'yan kung hindi you're fired."

I am not serious on getting rid of her that easily. Nakita ko namang natakot ito sa sinabi ko pero hindi pinahalata.

"Si-sige po, Sir" nautal na sinabi nito.

"What's my schedule tomorrow?"

"Ah, you have a meeting tomorrow morning at 8am sa White Pearl Hotel with Mr. Chan and Mr. Lee."

The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon